GFM - 4

1.8K 115 5
                                    

"Ay! girl oh, shala mo seeees! Talikod ka talikod!"

Inangat ko ang tingin ng bahagya mula sa pagkakatutok sa phone ko, nag-i-scroll ako sa Mars bago pa nila makuha ang atensyon ko, si Kuya Trad ang pinakamalakas ang bunganga sa kanila, tinuturuan si Casidy mag-pose habang suot ang kanyang six inches heels na bine-basic niya lang dahil gamay niya naman talaga, she lacks on poses lang.

Ahh bumabalikatad nanaman ang practice room.

"Talikod na nga beh! Talikod!" Sinunod naman ni Casidy at nagpalakpakan ang mga shunga na nakaupo sa gilid, kumpleto kami rito ngayon, sa ingay palang nila complete attendance na.

Gabbi whistles in so much awe — girl hinay-hinay.

"Oh pak! Marian Rivera 'pag nakatalikod! Harap gurl! Turn around let me see your faceee!" Ginawa naman ni Casidy, "Ay! Shet Kendall..."

"Jenner?" segunda ng girls.

"Sinakal! HAHAHA!"

They all laugh while clapping. I laugh too! It was hilarious! Laughtrip talaga 'to si Kuya kahit kailan.

"Parang tanga naman! Ayusin niyo parang 'di kaibigan!" 

I took few short vids of them and posted it on IG stories with a caption 'getting ready #CBAFTW' I mentioned the girls too, ewan ko lang kung anong magiging reaction ng mga ka-course nila kahit wala naman talagang competition.

Lumaki ang ngisi ko nang madami agad ang nag-view, some of their blockmates na ka-close namin ay nag angry react, I was laughing internally oh my gosh these girls are too hyped up hindi man lang sinusuportahan ang mga ka-department nila, Foundation day kasi next week at 50th founding anniversary ng Marsiano kaya bongga ang ganap dito. 

"Bibili ako, walang sasama?" Tawag ko sa atensyon nila sabay tumayo na rin.

"Ililibre—"

"Ha? Sige ayaw niyo 'di wag, ayaw ko pala ng may kasama." Walang lingon na paalam ko, hindi pa ako nakakalabas nang i-trashtalk nila ako, iling kong tinaas ang kamao ko.

"'Te gurl, pitong bottled water nga po 'yung small lang, then ito pong brownies, sampong piso po 'yan diba?"

"Oo baks ilan?"

"Pito rin po."

Walang tanong-tanong na sinupot niya ang binili ko, I gave him my smile again before paying, si Kuya Rico ang favourite kong nagtitinda rito pero Rica ang tawag sa kan'ya o kaya Ate Ganda, he's friendly pati sila Nanay na kasama niya magtinda rito kaya naman gano'n nalang ang ngiti ko.

Kumakain ako ng brownies sa daan nang makasalubong ko si Raika, my Ex, we've become good friends when we decided to broke up. No hard feelings, buti nalang walang bitter sa 'min — well iniwasan niya ako nu'ng una but I told her she's too beautiful for a bitter person kasi!

"Saw your story, pakisabi kay Sid goodluck," she said while smiling, umiling siya nang inalok ko nang brownies — maarte nga pala 'to hindi nakikikagat sa pagkain ng may pagkain, edi siya na ang may ayaw sa hundreds of bacteria from someone's mouth! Pero nung hinali — nevermind.

"Eh kay Gabbi? Wala kang ipapasabi?" I teased, nakita kong nag-uusap sila sa Twitter, parang tanga kasi ang reaksyon ni Gabs, kinikilig na ewan, budbudan ko 'yun ng asin one time.

Raika looked at me with raised brow, she smirked and shrugged. "Uhmm you should tell her I miss her." Kindat niya and bid her goodbye saka pumasok sa isang room. Grabe ang breezy talaga ng babaeng 'yun! Taas ng confidence! Kaya nadali ako, eh

Gossips From MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon