"Bryne sama mo naman kami sa raket mo."Bryne gave us a small smile before refilling her tumbler, nasa practice room kami ng entertainment building namin at buong araw na sumasayaw, of course puspusan, silang lima nanaman ang nakasama ko sa buong araw — well may choice ba ako?
"Hindi ka pwede Gabs, may raket ka next week shampoo diba? Kayo may mga req kayo." Turo niya sa'min.
"Luh 'no ka ba? More raket more kita more exposure!" segunda naman ni Casidy, ang raketera ng taon, kabi-kabila ang tinatanggap na projects kaya makikita mo 'yan madalas sa commercials.
Ganto buhay namin, panay raket habang nag-aaral, ayaw kasi namin ihinto ang edukasyon, eh, hindi naman gano'n ka-bigdeal sa field na ito if you're not educated but hey,me and my girls gotta get that degree!!! Iba pa rin kapag may tinapos, kani-kaniya tuloy kaming motivate sa sarili para makatapos kahit nakaka-temp kunin 'yung ibang malalaking offers sa industry na gusto naming pasukan.
Wala, eh, pare-parehas kaming nangangarap.
Hindi kami gano'n kasikat— except Bryne, she's a definition of hard worker kasi, anyways, hindi nga kami gano'n kasikat but you could actually see our face anywhere — tho hindi sa mga sikat na products or brand...hindi pa, hah, just wait and we'll get there.
"Tama ka d'yan gurl," si Gabbi. "Pahiram pala nu'ng Adidas mo, sige na beb!"
Mabilis na tumayo si Casidy at nagtago sa likod ko with so much horror in her face, pangisi-ngisi tuloy ako.
"Tumal mo bogus ka sis 'yung isa kong white shoes—"
"Binigay mo sa 'kin, oh bakit? Sinabi niya diba Javes?"
Malakas na tumawa si Xavi at biglang dumagundong ang boses ni Casidy sa buong practice room nang magplay ang isang voice record.
Maingay ang background at puro hiyawan pero rinig pa rin ang mga boses nila Gabbi, Xavi, Javen at Casidy na lasing habang nag-uusap.
Hindi ko na mapigilan ang tawa ko.
"I was drunk! I didn't gave you—"
"Hindi wala may ebidensya Sid," putol ni Bryne na mas lalong nakapagpatawa sa'min. It's normal for us to borrow each other's things — clothes especially, wala namang ibang maghihiraman kundi kami.
The next day I feel sore, my whole body felt so sore but I can still move, siguro sanay na akong indain ang sakit ng katawan pagkatapos ng puspusang practice.
Nadaanan ko sila Daddy at Kuya Trad na nagtatalo sa hapag, tungkol kay Tristan siguro or tungkol kay Kuya mismo, kaya imbis na umupo ako upang kumain ng almusal ay nagpaalam nalang ako na aalis, shit, hindi ko alam kung saan pupunta, I used the car Dad gave me on my Eighteenth birthday — oh hindi ako nagulat nang bigyan niya ko, tingin ko pakita niya lang 'yun sa mga kumpare niya, kunware mahal na mahal niya ang pamilya niya. He's never been a good father to us, not even a good husband to my mom ang alam niya lang ay ang pabanguhin ang pangalan niya sa ibang tao.
Chineck ko ang phone ko at isa-isang binasa ang reply ng mga kaibigan ko dahil nagtanong ako kung nasaan sila, they're all busy! Maliban kay Javen na hindi nag-re-reply, tulog iyon panigurado.
Dumeretcho nalang ako sa paborito kong coffee shop malapit sa Marsiano mabuti nalang hindi ako nag-abalang mag tanggal ng gamit sa sasakyan at nandito ang laptop ko kundi wala akong gagawin sa loob ng coffee shop na malakas ang wifi — minsan ang convenient pala maging tamad.
Bumungad sa akin ang matamis na amoy nang waffles, oo waffles imbis na kape. Pati na rin ang kanta ni Taylor Swift sa bago niyang album, Cardigan.
BINABASA MO ANG
Gossips From Mars
Teen FictionTarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and she could finally achieve her biggest dream, well, not until Wreil came swaying her way through her h...