GFM - 42

1.3K 87 8
                                    

Hindi ko mapigilang mapakanta habang tumutulong kay Tita Debs sa paghahanda ng pagkain dito sa beach house. Nakakahawa ang aura niya kahit marami pa akong iniisip.

Maaga kasi akong nagising, sa sobrang pagod ko ata kahapon maaga ako nakatulog.

"Kamusta kayo ni Wreil?"

Umaangat ang tingin ko. Tinapos ko muna ang pinupunasan ko bago nilagay ang basahan sa lababo at hinarap si Tita, I leaned my hips against the sink and crossed my arms.

"You raised a very lovely daughter."

We exchanged smile. +25 sa langit.

Nang biglang tumunog ang phone ko ay tinanguan lang ako ni Tita so I took my phone and instantly answered it.

"Hello?"

"Sabi mo hintayin kita?"

Nagtatakang binasa ko kung sino ang caller dahil kaboses ng girlfriend ko at gano'n nalang ang pamumutla ko nang mapagtantong si Wreil iyon.

"S-sandali, I'm on my way!"

Wala akong klase ngayon habang siya ay half-day lang kaya sabi ko rito na siya mananghalian sa'min tutal wala naman kasi sila kuya rito ngayon dahil may kani-kaniyang agenda. Halos takbuhin ko na tuloy ang sasakyang gagamitin ko habang hawak sa iisang kamay ang phone ko, cap at sunglasses, obviously, I can't use my car to pick her up. Something came up sa mars, I'm so bothered by the chismis lately.

At hindi pa 'yon ang pinaka malala.

Better safe than sorry.

I was 6 minutes late when I finally halted mom's car infront of the waiting shed where I saw Wreil standing, her outfit...damn.

Hindi man lang niya pinag-tuonan ng pansin ang sasakyang pumarada sa harap niya. Maganda rin naman itong lumang Porsche ni mommy kaya lang wala parin siyang pake doon. If ever, hindi ako mahihirapang kasama siya habang buhay, walang kahit anong kaluhuan sa katawan, eh.

Binaba ko ang window saka tinawag ang pangalan niya, even with all these disguise I know she'll know that it was me.

Bumagsak lang ang balikat ko nang tignan niya lang ako na parang hindi kilala.

"Pst! Wreily!" Lumingon ito ulit sa'kin at kunot na ang noo. "Let's go na kasi anong oras na."

Bigla itong lumapit. Tinanggal ang earphones sa tenga saka tinanong kung ano ang sinabi ko kaya inulit ko nalang, napapatingin sa paligid. Tila artista akong sikat na sikat at takot makita ng publiko, naka cap at shades pa ako. God, is this what I want in life?
Paano kung sumikat talaga ako, kawawa naman si Wreily, she's too private pa naman.

Saka ko na iisipin 'yon, natawa ako sa loob loob ko. Wow na-sight ang future.

"What? I don't know you," walang kagatol gatol na sabi ni Wreil, napanganga ako. She have kissed my lips (a few times mga tatlo) and she can't even recognize?! Ilang labi ba ang hinahalikan niya.

Nakamot ko ang pisngi ko at umusog ng bahagya paloob ang isang gilid ng labi ko. I removed my sunglasses at sumibi.

"Baby you're joking right?" Nakagat ko ang ibabang labi ko at binalik ang suot na salamin. Nakita ko kasing nagulat siya sa sinabi ko.

Mahina itong natawa. Mahina na nga bilang pa sa mga daliri. "Hindi ako gan'yan tawagin ng girlfriend ko, sorry, Miss."

"W-wreily," kinakabahang tawag ko nang lumapit pa siya, tinungkod ang dalawang braso samay bintana na nakangisi pa.

Hinila niya pa pababa 'yung cap ko saka siya humalik sa pisngi ko bago umikot para makasakay sa loob.

Agad kong sinara ang bintana at isinuot ang seatbelt, napukpok ko pa ang dibdib ko, siraulo kasi, parang hindi na nasanay sa panlalandi ni Wreil.

Parang sa tuwing lalapit siya sa'kin, hahawakan o hahalikan ako, o kahit aayusin lang ang damit ko, parang first time parin. Gano'n parin ang apekto niya sa'kin.

"Aligaga ka pa d'yan, walang nakakita, walang tao sa paligid, oh." Nilibot niya ang tingin sa labas ngunit nakatingin parin ako sa kaniya. Hindi naman ako aligaga dahil takot akong makita kami, eh.

Aligaga ako.

Dahil sa kaniya mismo.

Kanina pa ako nadi-distract sa suot niya sa totoo lang. Oo nga pala, dress ang subject nila ng ka-partner niya sa kung anong requirement nila ngayon, paiba-iba kasi ang tema nila every class.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Ayokong bumaba ang tingin ko sa white dress niyang hapit sa katawan, pansin ko parin kahit pinatungan niya na ng denim jacket.

Jusko po, naway 'di ako sapian ng kaberdehan.

Tinawag niya ako isang beses habang nagmamaneho ako. Hindi ako humarap kahit saglit, baka bigla nalang kaming mabunggo kung mapapatitig nanaman ako sa kaniya.

Sa red light ay pilit niya akong tinatawag kaya napaharap na rin talaga ako, may tono na ang boses niya na pagalit, may mura pa.

"Bakit ka gan'yan? Wala namang nakakita, kausapin mo nga ako, naka-paa ka pa manundo." Diretcho ang tingin niya at muka talagang badtrip, kapag gan'yan na ang muka niya matik tiklop na ako.

I clenched my jaw, akala niya ba siya lang ang magaling na aktor dito? Ang cute talaga niya mainis talagang magtatago ako sa palda ni mommy.

"Bakit may tinataguan ka ba? Masyado kang mailap sa tao, TK, daig mo pa ako. Nung nakaraan ka pa."

Hala, seryoso na siya niyan?

"Teka what are you saying?"

"May tinataguan ka nga? Nasaan na 'yong batang sunod ng sunod sayo? Si Riette? Siya ba? But you said pinsan siya ni Steele. Kailangan mo ba talagang magtago ng gan'yan? Pati sa hallways nakayuko ka at sumbrero kapag wash day."

Napaawang na talaga ang bibig ko.

More than three words ang sinabi niya ng tuluy-tuloy. She really changed a lot, did I turn her to be a talkative type one?

Hindi ko rin napapansin na inoobserbahan niya na pala ako, alam na alam niya kasi ngayon ang kilos ko kahit sa loob at labas ng campus.

Nakamot ko ulit ang pisngi ko.

"Hindi ako aligaga ngayon dahil sa ibang bagay." Kibit-balikat ko. "Sa'yo lang. Sa suot mo. Sa konting make-up. Ang ganda ganda mo." Nakagat ko ulit ang labi at medyo humigpit ang hawak sa manibela. Gusto ko tumili.

I sped up. Hindi ito umimik at hindi ko siya nilingon, nag-iisip pa 'yan, either hindi ako papansinin o papatayin ako sa kilig. I like either, kahit ano naman do'n cute e'.

Handa na ang hapag pagkarating namin, si Tita Debs talaga hindi na kami pinatulong pa.

Talagang pinanindigan ko rin ang panunundo ng naka-paa, ni hindi ko man naramdaman na naka-paa lang ako dahil sa kasama ko, ayan deretcho pasok lang tuloy ako sa bahay.

Saka ko lang napag-isipan ang sinabi ni Wreil kanina sa kotse. Napapansin niya pala ang pagka-ilap ko sa tao these days. Hindi naman ako aabot sa gano'ng punto kung hindi ko alam na may nakasunod na mga mata sa'kin, 'yung mga estudyante sa Marsiano? Wala 'yon, tiklop sila sa sumusunod sa'kin ngayon dahil mas tutok sila sa akin, at sa'kin lang.

I know they're my father's people.

They're following me.

Hindi ako manhid.

Nitong nakaraan hindi pa ako gumagawa ng kung anong hakbang habang hindi ko alam ang balak niya—sa inip ko kinompronta ko ang isa sa mga sumusunod at nalaman kong pinapasundan nga talaga ako.

Gusto niyang malaman kung sino si Wreil.

Idagdag mo pa ang usapan sa Mars. About Steele and Bryne, umiiwas lang ako dahil paniguradong konting galaw ko lang makikita nanaman nila ako at isisingit sa picture, hindi mo alam kung gagawin kang mabuti o masama sa kwento.

******

Gossips From MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon