GFM - 7

1.7K 105 25
                                    

"Oh? Saan punta mo?"

Katatapos ko lang magbihis nang saktong dumating ang girls. Simpleng jeans, hoodie at white shoes lang ang suot ko dahil wala naman akong ibang dala, malamig na kasi tuwing gabi.

"Sa lib," maikling sagot ko habang sinusuot ang ID. Nahuli ko pang nakatingin sa akin si Bryne, kapansin-pansin ang tingin niya because she's eyeing me differently! At hindi niya rin ako pinapansin! I mentally pouted, wala akong ideya kung anong nangyayare sa kan'ya but knowing her, lalapit siya mismo kapag naisipan niya nang mag-open.

I smiled at them and salute before going out.

Iniwan ko ang gamit ko sa practice room at tanging wallet, phone at susi lang ng sasakyan ang dala ko, sana naman i-lock nila ng mabuti ang room mamaya, windang talaga ako no'n kapag wala na ang gamit ko, nako 'wag naman sana.

"Hi Miss Faye," bati ko sa librarian dito. Masungit na tinignan niya ako bago tinignan ang suot ko, hindi lang naman siya ang tumutingin kaya ngumiti nalang ako. Students also eye me dahil litaw na litaw ang gray hoodie ko at white shoes in this lib full of students wearing their uniforms.

Hinanap ng mata ko ang sadya ko rito.

At nahirapan ako.

I literally scanned every table dahil hindi ko siya makita but then our eyes met.

Then her gaze slides down to check me out, napangisi ako nang magka-tinginan ulit kami.

Kaya pala ako nahirapan, I was expecting her wearing our uniform kasi, pero sibilyan din pala ang suot nito. I wonder what she did para mag-palit pa.

"Bakit ka nandito?" her voice laced with seriousness and with a bit of laziness like she's not even interested to see me here. Ahh harsh again are we?

I realized she was wearing a black shirt na may bulsa sa left side ng dibdib, thought it was plain. I want a shirt like that.

Nakita ko naman ang book ko sa mesa kaya dinekwat ko at binuklat habang umuupo sa tabi niya, she flinched when our arms pressed, I gave her a 'what' look, it's not even skin-to-skin.

"Pwede tayong mag-usap nang hindi nagkakadikit."

"Nasa library tayo, gusto mo ba magsigawan?"

"Bakit ba kasi nandito ka? Pa'no kung nantrip ako at garden ang sinabi ko? pupunta ka ro'n?"

I scoffed and leaned closer, she didn't buldge but the way she look at her book... it's intense na parang kapag lumingon siya mamamatay siya. "As if mantrip ka, sa 'kin? I don't think you actually like me." She just needed me. Diba? No choice siya, I was friends with cameras kasi, I happen to give her nice offers. Hmm thanks pretty face.

Sinalubong niya ang tingin ko and I was cussing mentally because her face is so close! Oh shit...does she really need me to be her model or should I take the responsibility as photographer nalang? She has pretty face that needs to be captured kasi. She smelled like strong coffee I scrunched up my nose, ang tapang ata ng kape niya kanina kaya siguro ang tapang ng hiya ng babaeng 'to.

She pushed me away slightly using her index finger, napangiwi pa ako nang sa collarbone ko tumama ang daliri niya, masakit.

"Tanungin mo muna ako kung gusto ko ba ang lahat, para 'di ko natatapakan ego mo."

"You're so mean," I accused.

Hindi na niya ako pinansin at nag-focus nalang sa libro niya, for a moment I stared at her pero nang mapansin kong parang ang creepy ko na ay tahimik ko nalang ding binasa ang libro ko, pasasalamat nalang talaga ang nagawa ko kahapon dahil hindi pumasok ang prof ko sa major, sumakit daw kasi ang ulo kaka-excel niya, ayan excel pa masyadong natutuwa ee.

Gossips From MarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon