"One, two, three, four, five and six and seven eight! HA!"
We ended our routine with a very fierce posing. Tinitigan pa namin ang sarili namin ng ilang segundo sa salamin bago tuluyang napahilata sa lapag habang hinahabol ang hininga.
What a tough day.
Pagod na pagod ako pero nakuha ko pa rin ngumiti kay Bryne. "Xiexie!" Natutuwang sabi ko habang binubuka ang mga braso upang mayakap siya, sa galak maybe. Nakaka-goodmood kaya kapag nakatapos ka ng isang maayos na routine sa isang araw. Ahh nakakagutom naman.
"Nag-aaral ka nanaman ba ng alien language? Nakakaloka ka." Nilamutak niya ang muka ko gamit ang palad niya, yuck! Hinawak niya kaya 'yun sa sahig kanina! Bwisit talaga!
Maarte kong pinunasan ang muka ko. "Chinese 'yun duh! Tyka mas mabuti nang ready, kapag tayo lang ha, sumikat, hindi kita tutulungan sa international fans ever!"
Patawa-tawa siyang umalis sa practice room, inaasar ako. Gan'yan 'yan si Bryne, minsan tahimik, madalas mapang-asar. Isa sa masipag na trainee sa entertainment kung saan kami kabilang. Kasakasama ko 'yun lagi mag-practice ng sayaw lalo na kapag hindi naman oras ng practice, masipag kasi kami! Duh! halata naman.
Model din siya sa isa sa sumisikat na clothing store. Morena beauty ang babaeng 'yun. Lakas 'no?
Nailing na uminom nalang ako ng tubig tapos nag-practice pa ng steps bago tuluyang lumabas sa practice room. I've been in that four walls for like four hours, I guess, buong vacant ko, talagang nag-e-ensayo ako ng maigi, malapit na 'yung event kung saan kami sasayaw, sa student's night, passion ko ang pagsayaw, eh, kaya push lang kahit ang hirap isingit sa sched!
"Tarraaaa!"
Nilingon ko ang tumawag sa 'kin, si Gabbi, nakangisi itong naglalakad palapit. Tinitignan tuloy kami ng ibang studyante, attention seeker.
Hayst, Gabbi naman, bunganga.
Gabbi, in our circle, is the best person you could run to if you're in trouble or if you need advices, she knows when to slap you with harsh words na mapapaiyak ka nalang or sweet talk you na mapapaiyak ka rin, in short you'll end up crying! Mataray rin ito at matabil ang dila katulad ni Bryne— jusko kaya magkasundo sila, eh.
"Xavi was crying earlier you should've seen her face, gurl, LT!"
Gulat ko siyang tinignan.
"W-why?"
"Pinagsabihan ko! Now she promised not to date for weeks! Hahaha!"
Nasapo ko ang noo ko.
I told you, she could make you cry! May mga laman kasi ang mga payo niya. Jeez this girl is scary, she knows a lot of words of wisdom.
"Saan punta mo?"
Nginitian ko muna siya bago tinuro ang daan papuntang canteen. "Kakain, gutom ako, eh."
Taas ang kilay niya akong tinignan.
"Sama ako, may kailangan kang sabihin sa 'kin."
Kung ano man 'yon, kinabahan ako ng bongga dahil mukang seryoso siya. Anong sasabihin ko? Wala akong maisip na importanteng sasabihin sa kan'ya or even sa iba.
She sweetly offered to treat me, suhol ba 'to? Pero hindi, eh, lagi naman niya akong nililibre kahit kuripot siya sa iba, bait niyan sa 'kin, sa totoo lang.
Maybe because I'm the youngest at feeling niya baby niya ako! I'm freaking Eighteen — okay sige baby niya pa rin ako.
"Okay so your Ex sent me a DM," she started while subconsciously opening a bottled water for me — I found her gesture caring.
BINABASA MO ANG
Gossips From Mars
Teen FictionTarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and she could finally achieve her biggest dream, well, not until Wreil came swaying her way through her h...