Pagkatapak ko palang sa campus ng tanghali, katatapos lang ng lunch break nila ay dumeretcho kaagad ako sa office ni Dean dahil alam kong paalis palang si Wreil sa opisina ng gano'ng oras.
I was looking for her. Obviously.
But instead of Wreil, it was Ate Kaylee sitting on Wreil's station. Wala siya, hindi na rin siya part ng S.A which she never mentioned, so I never knew until now.
Dalawang araw ko siyang hindi nakita o nakausap manlang.
Not that we had a fight, it's just my father keeps shitting up my head for all the things he's been handling, two freaking days, kung sino-sino na ang pumunta sa bahay upang sukatan ako, dress, ring, shoes everything, name it. Hindi ako maka-alis, he was there keeping an eye on me. No phone, no connection. I feel suffocated with all his bullshits, napapayag niya pa si Sir Gareth na hindi ako mag-practice, sana sinabi niyang engaged ako para tanggal agad sa grupo-oh please no.
Pero paano nangyari 'yon? Tinanggal si Wreil bilang student assistant!
Nag-aalala na tuloy ako, no, scratch that, alalang-alala ako.
Hindi ako mapakali, so I called her again, kanina ko pa sinusubukan, it was ringing, hindi niya nga lang sinasagot.
"Where the heck are you?" tanong ko sa sarili.
I called my friends then, asking kung nakita ba nila si Wreil, kaya lang wala rin akong napala, according to Bry kahapon niya lang ito nakita sa klase niya, hindi pumasok ngayong araw.
Anong oras na, imposibleng wala siya sa campus ng ganitong araw at oras. At imposibleng magpaliban siya ng klase.
So I figured I'll just find her. Nandito lang siya sa campus, hindi pwedeng wala.
Nagpunta ako sa canteen, no good, sa garden-wala rin, sa library wala, wala rin daw sa building nila sabi ni Bryne, imposibleng nasa practice room dahil wala naman ako doon.
Nakagat ko ang labi ko, kinakabahan, nauubusan na kasi ako ng naiisip na lugar kung saan siya pwede magpunta.
This isn't Wreil at all.
I tried calling her again, katulad kanina, nag-ring pero walang sumasagot, I'm tempted to go at their house but...she wouldn't stay there, I've known Wreil so well na kahit may sakit siya ipapahinga niya lang sa office, ayaw niyang naabutan ang papa niya sa bahay nila.
Lantang naglalakad ako sa hallway nang makasalubong ko si Gabbi, agad niya akong tinaasan ng kilay.
"Anong ginagawa mo rito? May klase kayo ni Sid."
Meron nga ngunit umiling lang ako bilang sagot saka dumeretcho ng lakad, Gabs followed my steps, sumusunod hanggang sa makarating kami sa practice room, nakakapagtaka na hindi siya nang-aasar at nagtataray.
"Tarra," tawag niya kaagad pagkapasok na pagkapasok namin, nilingon ko lang siya habang binababa ang bag, nagtataka na rin kung bakit nandito siya samantalang may klase rin siya. Hindi ko naman siya niyayang mag-ditch ng class.
Umupo ako sa tabi niya nang tapikin niya ang sahig katabi niya, mukang kakausapin ako, alam naman natin kaagad kung paano tumingin ang kaibigan natin kapag may gusto silang iparating, ang tagal ko na silang kakilala para hindi malaman ang gusto niya, mukang seryoso, walang halong kalokohan.
Do I really look problematic? Hinahanap ko lang naman si Re, sobrang nag-aalala ako pero siguro kailangan ko lang maghintay kaya nga nandito ako, tatawag din 'yon.
"Nakakapanibago na makita kayo ni Bry na nag-se-seryoso na." She chuckled. "Who would have thought?"
Napatango ako. Right. Who would have thought?
BINABASA MO ANG
Gossips From Mars
Novela JuvenilTarra Claridad have always known the right path for her, she became a trainee at fourteen, and dreamed to be an idol since then. Few more steps and she could finally achieve her biggest dream, well, not until Wreil came swaying her way through her h...