Chapter 17: Captured

520 27 4
                                    

Papunta ang lahat ng mga estudyante sa kanilang section. Magsisimula na kasi ang mga klase sa araw na iyon. Kahit walang nangyari, mababa ang morale ng mga estudyante dahil meron silang nararandamang may mababawas sa kanila nanaman. 

Phillip: "I'm so excited for class today."

Benjamin: "Ikaw lang ang parang na-eexcite. Tignan mo naman ang iba! Parang mga lantang gulay."

Phillip: "Meron magpapagising sa kanila sa araw na ito."

Benjamin: "Ano?"

Phillip: "Nothing."

Pagdating ng lahat ng estudyante sa silid, nagpwesto sila sa kanilang mga mesa at nagintay para sa guro.

Chloe: "Ano kayang mangyayari sa field trip natin bukas?"

Belle: "May mamamatay? Hahaha. Biro lang!"

Biglang dumating ang guro nilang si Ms. Suarez.

Ms. Suarez: "Hello class! Ngayong araw na ito, bibigyan ko kayo ng orientation para sa field trip niyo sa Red Lake Nature Reserve."

Ng makarinig ito, nakilabot ang mga estudyante. 

Biglang tumayo si Austin.

Austin: "Uh, Ms. Suarez? Hindi ba ang Red Lake Nature Reserve ay ang isa sa pinakadelikadong mga lugar na magfield trip? Madami na kasing nadisgrasya doon eh."

Ms. Suarez: "Hay naku. Imahinasyon mo lang yan! Wala namang mamamatay eh!"

Austin: "Ok."

Nagsimula ang orientation para sa field trip.

Ms. Suarez: "Sa field trip, nagrent ang St. Rutherford's University ng mga cottage. Sa mga cottage, may mga estudyanteng magshashare dito."

Sa gitna ng orientation, namatay ang powerpoint tungkol sa orientation. Napalitan ito ng isang madilim na kwarto. Biglang lumiwanag ang kwarto ng konti at nakita nila si Isabella at ang nakahood na killer.

Si Isabella ay nakachain sa isang metal na chair. Halatang bugbog ang kanyang mukha. Meron ding isang lawn mower sa harapan ng kanyang mukha. Ito'y nakalambitin sa ceiling at may timer na naka set sa 5 minutes.

Isabella: "Tulong!"

     : "Shhhh. Tutulungan ka ng mga kaklase mo! Ang problema lang, pag hindi ka nila nahanap ng pagatapos ng 5 minutes, magaactivate ang switch ng lawn mower na ito at gagalaw ang blade. Obviously, tatama ang blade sa iyong mukha at mamamatay ka. Hahahaha! Narinig mo ba iyon, 8B? Your time starts NOW!"

Nagtakbuhan sina Chloe, Benjamin at si Joshua sa labas ng kwarto. Hinanap nila kasi si Isabella. Pumasok si Joshua sa Auditorium at wala siya nakita dito.

Si Chloe naman ay dumiretso sa library pero walang tao ito, pero, meron siyang nakitang dugo sa isang carpet.

Si Benjamin ay napudpod sa harapan ng Computer Lab. Nakakandado ang pintuan pero alam niya na nandoon sa loob sina Isabella at ang killer.

Meanwhile sa classroom...

Nag-glitch ang projector at ito ang nakita ng mga estudyante sa screen:

A 2 R 5 6 5 G H 2 1 9 P Q 8 D F T 2 5 C V

U O E 2 1 9 5 Y T D 3 I 5 8 7 D A W P 4 6

2 4 5 B R T 3 3 4 R 1 1 W C Z A 5 I R 6 S

5 E R E T 8 3 5 H J 0 E Y L 8 Y Q I T 6 K

R R S D 4 5 2 D P O G B 7 8 4 8 0 8 F I H

5 3 W A H 4 2 6 N T 0 1 1 F G L I O U 3 3

Pero, hindi ito gaanong pinansin ng mga estudyante dahil nagpapanik na ang buong klase.

Meanwhile sa Computer Lab...

Nandoon na sina Chloe at Joshua sa harapan ng pintuan. Tinawagan kasi sila ni Benjamin.

Pilit nilang buksan ang pintuan pero hindi ito mabuksan dahil may nakaharang na mesa sa pintuan. 

Napansin ni Chloe na may bintana sa harapan ng Computer Lab.

Chloe: "Huwag muna kayong aalis. Kukunin ko ang upuan na iyon." Sabi niya sabay turo sa isang lumang upuan.

Benjamin: "Ok."

Noong binasag ni Chloe ang bintana, nagsipasukan sila sa kwarto pero nahuli ang lahat. Nasa 5 seconds nalang ang timer noong nakapasok sila at wala na ang killer. Nagactivate na ang blade kaya tumalsik ang dugo ni Isabella sa iba't-ibang mga parte ng Lab.

Kahit may aksidente nanaman, nagdesisyon ang eskwelahan na ituloy ang Field Trip sa Red Lake Camping Grounds.

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon