Chapter 16: Delayed Arrival

580 24 4
                                    

Nagassemble muli ang mga estudyante ng 8B sa kanilang classroom. Ito ay dahil may bago silang mga kaklase... MULI. Habang nagiintay, naguusap sila tungkol sa balita sa napatay na killer na si Jade.

Pero, naputol ito dahil dumating na ang bagong batch ng mga estudyante.

Ms. Suarez: "These are your new classmates. They're from Philippine Elite High School. Let's begin with Natasha."

Pumunta sa harapan ang isang magandang babae.

Natasha: "Hi! Ako si Natasha Morales. Masayahin ako at mahilig akong magsulat ng mga libro." Pagatapos, nagwink siya sa kanyang magkasinta na si Nicolas. Nagsmile naman siya sa kanya.

Pagatapos, naglakad ang bagong estudyante na si Jacob.

Jacob: "Hello. Ako si Jacob De Leon. Doon sa Philippine Elite High School, kinilala ako dahil sa aking mga matataas na grado ko at sa mga iba't-ibang mga parangal na nakukuha ko."

 Pumunta sa harapan si Nicolas na may ngiti sa labi.

Nicolas: "Hi! Ako si Nicolas De Castro. Pero, you can call me Nico. Mahilig ako sa kaibigan. Mahilig din ako kumain, magbasa at tumakbo. Bukod dito, pinaka paborito kong gawain ay magsulat. Meron akong isang bookshelf sa bahay ko kung saan linalagay ko ang lahat ng librong nagawa ko. Bye!"

Jessica: " Hi! Ako si Jessica Mercado. Gusto kong makilala kayong lahat!" Hindi niya ito sinabi ng komportable dahil habang nagsasalita, mayron siyang nakikitang lalaki na naka hood sa labas ng pinto. Mayron siyang feeling na hindi siya pwedeng pagtiwalaan pero hindi niya ito sinabi sa kanyang mga kasamahan.

Ms. Suarez: "A quick announcement for all of you: Next week we will have a field trip 

Noong recess na iyon...

Nagkalat ang mga bagong estudyante.

Si Jacob ay nagbabasa ng isang libro.

Si Jessica ay pumipila sa canteen para makbili ng pagkain at inumin.

Sina Nico at Natasha naman ay naglalambingan sa ilalim ng isang puno malapit sa soccer field.

Pero, ang ibang mga estudyante naman ay nagkatipon-tipon sa may lobby. Mayron kasing isang bangkay ng estudyante na hindi nakikilala dahil sa mga malalalim na sugat at kalat-kalat na dugo sa kanyang katawan. Subalit nito, sigurado ang mga estudyante ng 8B na isa siya ng mga kaklase nila.

Dumating si Austin para sabihan ang masamang balita.

Nico: "Ha?! Paano ba 'yon nangyari?"

Natasha: "Sino 'yon?"

Austin: "Uh, hindi namin kilala kung kaninong bangkay iyon. By the way, alam niyo ba na palagi ito nangyayari dito sa seksyon natin?"

Natasha: "Talaga?"

Austin: "Oo..." bigla siyang naging tahimik at naging malungkot ang kanyang mukha.

Austin: "Oh. Sasabihin ko nalang sa iba ang nangyari."

Nico: "Sure."

Austin: "Bye!"

Habang palakad para hanapin ang ibang bagong estudyante, sinalubong siya ni Isabella.

Austin: "Tulungan mo ako na maghanap sa iba. Magsalubong tayo sa tapat ng Science Lab 2."

Isabella: "Sige."

Tuloy tuloy na naglalakad si Isabella pero tumigil siya pagdating niya sa tapat ng isang maliit na corridor. Tumigil siya dahil meron siyang narinig na kalabog galing sa corridor na iyon. Dahil wala siyang nakita, umatras siya ng may biglang humawak sa kanyang leeg at tumakpan sa mata niya. Bigla siyang naantok dahil naamoy niya ang chloroform na ilinagay malapit sa kanyang ilong. Pilit niyang matiling gising pero nananalo ang amoy ng kemikal kaya siya'y natulog.

Tumunog na ang bell. Nagsibalikan ang mga estudyante sa kanya-kanyang mga silid.

Austin: "Meron ba sa inyo na alam ang kinaroroonan ni Isabella?"

Chloe: " Wala nga eh. Nawawala din si Hannah." 

Aaron: "Baka siya ang namatay."

Austin: "Naalala mo ba ang nangyari kay Jade? Baka maulit pa iyon."

Bernardo: "Alam ko kung nasaan si Isabella ngayon."

Biglang pumasok ang Social Studies na guro nila kaya nagsibalikan na ang mga estudyante sa mga mesa nila.

Sa gitna ng klase, dumating sina Belle at Eva at nagupo sila sa kani-kanilang mesa.

Habang naglalakad, nakita ng iba na may malaking bandage sa kaliwang braso ni Eva.

Phillip: "Anong nangyari?"

Belle: "Eva and I ran into an... accident."

Sa buong araw, napuno ang seksyon ng kalungkutan at gulo ng isip.

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon