Chapter 10: Silent Night

766 30 9
                                    


Ang lahat ng studyante ay naging masaya dahil sa Christmas Party. Kalat-kalat ang mga estudyante sa classroom at may kanya-kanyang usapan. Mayron din nagpeperform sa harapan ng klase. May idinalang christmas tree si Phillip. Sa ilalim nito, madaming regalo para sa mga estudyante.

Chloe: "Sana hindi maulit ang nangyari kay Nicole."

Lumapit si Katherine kay Austin.

Katherine: "Pwede ba akong pumunta sa banyo?"

Austin: "Sige."

Lumabas si Katherine sa silid. Habang naglalakad siya sa may hallway, medyo tahimik at walang tao. Mayron siyang feeling na siya ay sinusundan kaya binilisan niya ang takbo niya. Noong pumasok siya sa banyo, naging malamig ang paligid. Hindi niya alam kung ano ang dahilan nito: dahil sa panahon o sa kaba. Pumasok siya sa isang stall. Paglabas niya, hindi niya napaniwala sa nakita niya. Sa salamin, nakasulat gamit ang dugo: YOU'RE NEXT. Biglang may humawak sa braso niya at binanga ang kanyang ulo sa pader. Medyo siyang nawalan ng malay pero nakapagaway pa siya ng konti. Sinuntok niya ang killer sa ulo kaya medyo napatumba ito. Gumanti naman ang killer sa pamamagitan ng pagsipa sa kanya. Sa sobrang lakas ng sipa, nahulog si Katherine at nabungo niya na malakas ang kanyang ulo at tuluyan nawalan ng malay.

Back in the classroom...

Tuloy pa rin ang saya noong may narinig ang mga studyanteng sigaw.

Austin: "Hunters, hanapin mo ang killer na yan!"

Tumakbo palabas ang mga Hunters at dumiretso sila sa corridor. Alam nila na isa sa mga kwartong ito ay pinagtaguan ng killer dahil sa tuloy-tuloy na sigaw ni Katherine. Sa silid naman, ang projector ay nakabukas. Nandoon nanaman ang killer at nakikita ng mga studyante na nakatali si Katherine sa isang chain. Nakatali naman sa kanyang katawan ay mga christmas balls.

     : "Merry Christmas sa inyong lahat! Mayron akong laro para kay Katherine. Ang tawag dito ay Human Christmas Tree! Huwag kayong magalala dahil easy lang ang mechanics! Nakatahi ang mga christmas balls sa katawan ni Katherine. Sa loob ng mga christmas balls, may mga maliliit na bomba. Kailangan niyang tangalin ang tahi o mamamatay siya. Let's play!"

Biglang may timer na lumabas sa screen na 5:00. Tinatangal ni Katherine ang mga bola sa kanyang katawan. Samantala, tinignan ng mga Hunters ang bawat kwarto ng corridor. Ng malapit silang nabigo, may narinig na ingay si Denise galing sa AVR Room.

Denise: "Shhh! Mayron akong naririnig!"

Lumapit ang mga Hunters sa AVR Room at si Denise ay nagbukas ng pintuan. Noong binukas niya ito, may baril na biglang pumutok at ito'y tumama sa kanya.

Chloe: "Denise, OK ka ba?"

Denise: "Dalhin mo nalang ako sa clinic pagatapos nito..." mahina niyang sinabi.

Meanwhile, dahil sa pinto na nabukas, nagbigay ito ng signal papunta sa mga bomba na sumabog. Lumipad ang mga sirang salamin sa iba't-ibang parte ng katawan ni Katherine. Nang pinasok ng mga Hunter ang AVR Room, nalaman nila na anakatakas nanaman ang killer. Lumapit si Xavier sa katawan ni Katherine. Natakot siya dahil nakabukas pa ang mga mata ni Katherine at parang sinusundan nito si Xavier. Punong-puno din ang kanyang puting damit ng dugo.

Paglabas nila, nalaman nila na nawala si Denise. Kanina, nakahiga lang siya sa sahig. Ngayon, walang bakas kung nasaan siya. Bumalik na lang sila sa silid at sinabi ang masamang balita na nagpasama ng buong araw ng mga estudyante ng 8B. Dahil dito, kinansela ang Christmas Party.

Abigail: "Bakit naman nakatakas ang killer at bakit niyong pinabayaan si Denise?!"

Xavier: "Kasi diba, ang misyon namin ay maligtas namin si Katherine?"

Abigail: "Porket ang misyon niyo ay iligtas si Katherine, hindi naman ibig sabihin na pabayaan niyo ang isa't-isa. Bakit, naligtas mo ba si Katherine?"

Walang naisagot si Xavier kundi nag-walkout siya sa kwarto. Habang naglalakad, may narinig siyang ingay galing sa isang dorm. Binuksan niya ito at nakita niya si Phillip. Siya ay may hawak na baril na nakatuktok sa ulo ni Denise. Habang nakikita niya si Denise na natatakot, may ngiti siya sa kanyang labi.

Xavier: "Ikaw ang killer?!"

Noong narinig niya ang tanong ni Xavier, bigla niyang nilaglag si Denise at ang kanyang baril. Pagatapos, siya ay umupo sa sahig at umiyak.

Phillip: "Kala ko si Denise ang killer kaya ginawa ko ito. Please don't tell anyone."

Xavier: "Don't worry. Your secret is safe with me."

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon