Chapter 15: Survival

521 25 5
                                    

Natulog muli ang magkaibigang sina Ace, Benjamin at Gabriel. Inubos na nila ang kalahati ng mga pagkain na dala nila. Konti na lang, mawawalan sila ng pagkain at magugutom na sila. Nagising si Ace dahil sa isang malakas na tunog galing sa pintuan kaya ginising niya ang kanyang mga kasama.

Ace: "Gising. Nandito na yata ang tulong."

Benjamin: "Anong oras na?"

Gabriel: "1:30 a.m. na."

Benjamin: "Nasaan si Ace?"

Gabriel: "Nandoon lang si-"

Binuksan niya ang pintuan na hindi na nakakandado at may biglang bumaril sa kanya. Pagkahulog niya, nakita nila ang nagbaril: ang killer.

Benjamin: "Takbo!"

Tumakbo sina Benjamin at Gabriel habang sila ay binabaril.

Nagtago sila sa loob ng stage ngunit nakita sila ng killer. Nang palapit ang killer, napansin nila ang isang ladder na papunta sa taas ng stage. Ng malapit na ang killer, inakyatan nila ang ladder at napunta sa taas ng stage. Nagtago sila doon. Pero, noong na sa stage ang killer, binagsak nila ang isang stage light sa killer. 

Nahulog ang killer at napasigaw sa sakit dahil nagbaon ang mga bubog ng stage light na nahulog sa kanyang katawan. Konting minuto pagatapos natamaan ang killer, tumigil ang kanyang katawan sa paggagalaw. 

Benjamin: "Patay na ba siya?" bulong niya sa kasama.

Gabriel: "Sa tingin ko, oo. Baba tayo."

Pagbaba nila sa may taas ng stage, lumapit sila sa patay na killer at kinuha ang kanyang baril. Bumukas ang pintuan at pumasok ang natataranta na Xavier. Agad tinapat ni Gabriel ang baril kay Xavier kaya lumuhod siya at nagtaas ng kanyang mga kamay.

Xavier: "Wala akong kinalaman dito! Gusto ko lang kayong tulungan. Noong nagsimula ito, tiniyak ko na walang masasaktan! Pero, nagiba ang tingin sa akin. Imbis na maapreciate ako ng mga kaklase namin, ako ay pinangalang isa sa mga killers. Please, Gabriel, paniwalaan mo a-"

May bumaril kay Xavier sa ulo kaya nahulog siya.

Benjamin: "Isa pang killer?!"

Gabriel: "Papatayin kita!"

Nagbarilan ang killer at si Gabriel. Pero, sa gitna ng gulo, tumakas si Benjamin sa nakabukas na pintuan.

Gabriel: "Benjamin! Huwag mo akong iwanan!"

Benjamin: "Sorry. Kailangan ko itong gawin."

Lumabas siya sa pintuan at iniwan niya ang kanyang kaibigan na walang kalaban-laban kontra sa killer.

Bumaba si Gabriel na mabilis sa stage at nagtago sa first row ng mga upuan. Tatlo na lang ang bala niya pero hindi niya ito alam dahil sa tindi ng laban nila. Sinubukan niyang barilin ang killer pero ito ay hindi tumama sa kanyang target dahil nagdodge ang killer. Sinubukan naman ng killer na magtira kay Gabriel. Pero, katulad ni Gabriel, nagmiss din ang kanyang bullet.

Nagtuloy tuloy ang barilan hangang naubusan sila ng mga bala. Dahil dito, naglapitan sila sa isa't-isa para magaway gamit ang kanilang mga kamay.

Sinuntok ang killer ni Gabriel at pagatapos sinipa niya ito. Pero, gumanti ang killer dahil sinakal niya si Gabriel at binanga niya ang ulo niya sa pader. Nahulog siya kaya tinatapaktapakan niya si Gabriel sa tiyan kaya sumuka siya. Pagatapos nito, inipit ng killer ang ulo ni Gabriel sa isang upuan. Habang sinasarado ng killer ang upuan, nasasakal si Gabriel at hindi nakakapaghinga. Napuputol din ang kanyang leeg dahil napapausog ang ulo niya palapit sa matulis na banda ng upuan. Parang fountain ang labas ng dugo sa leeg ni Gabriel habang pilit niyang tangalin ang kanyang ulo sa upuan.

Gabriel: "P-please tigilan mo na ako. Mamamatay na ako!"

     : "Hindi kita pipigilan!"

Tumigil ang paggagalaw ni Gabriel. Pagatapos, lumabas ang killer sa Auditourium na parang walang nangyari at walang pakialam.

A few minutes later...

Dumating sina Austin, Benjamin at Chloe sa Auditorium. Nakita nila ang kalat dahil sa madugong pagpatay sa mga kaklase nila. Nakakalat lang ang mga bangkay ng ilang mga estudyante pati ang killer. Paglapit ni Austin sa killer, tinangal niya ang hood nito at nakita niya ang isang mahinang Jade.

Austin: "Jade?! Hindi ba patay ka na?"

Jade: "Cover up ko... lang iyon."

Austin: "Bakit mo bang gustong gawin 'to?"

Jade: "Matagal na ang family rivalry ng mayari ng eskwelahang ito at ang aming pamilya. Pinapasok ako sa eskwelahang ito para pumatay at sirain ang pangalan ng eskwelahang ito."

Pagatapos nito, biglang pumikit ang kanyang mata at naging tahimik sa lugar.

Patay na ang killer. One down, two to go.

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon