Chapter 11: Ashes

716 30 16
                                    


Noong lunch, ang mga estudyante ay kumakain. Ang iba naman ay nagkwekwentuhan. Ang lahat ay masaya nang may masamang nangyari. Pumasok si Chloe sa isang maliit na kwarto a MAPEH Building. Medyo madilim ito nang may parang nagsindi ng isang posporo. Nang tinignan niya ito, mayrong apoy na nagkakalat sa isang mat sa sahig. Dali-daling binuksan ni Chloe ang pintuan ngunit ito'y kinandado. May nakita si Chloe isang baseball bat sa sahig at kinuha ito.Gamit nito, pinukpok niya ang pintuan hanggang masira at tumakbo palabas. Pagatapos lumabas, tinawagan niya ang Fire Department.

Chloe: "Dali, may sunog po!"

Fire Department: "Nasaan po?"

Chloe: "Sa St. Rutherford's University po."

Nang marinig ito, ang bombero sa kabilang linya ay nakarandam ng kaba.

Fire Department: "Ay, hindi kami pwedeng pumunta diyan."

Chloe: "Bakit?"

Fire Department: "Basta. May mga sikreto doon na hindi dapat malaman."

Pagatapos, hinang-up ang linya ng bombero. Tumakbo si Chloe papunta sa canteen kung saan ang mga kaklase niya.

Chloe: "Lumabas na kayo! May sunog!"

Eva: "Hahahahaha! Ano ang pinagsasabi mo?"

Aaron: "Oo nga, nagpapatawa ka lang no?"

Chloe: "Sige, huwag mo akong paniwalaan. Tignan natin kung kayo'y mabubuhay." 

Lumabas agad si Chloe papunta sa labas. Samantala, bumalik sa dati ang kwentuhan ng mga studyante. Pero, noong kumakain si Belle, may nahulog na maliit na sunog na kahoy sa kanyang pagkain. Pagtingin niya sa kisame, hindi siya napaniwala sa kanyang nakita. Sunog na sunog ang kisame. Dahil dito naglabasan ang lahat ng estudyante sa building. Ngayon ang sunog ay nakarating na sa canteen.

Nang malabas na ang mga estudyante sa building, nagpilahan sila sa soccer field habang binibilang sila ng mga class adviser nila.

Ms. Suarez: "Are you complete?"

Austin: "No. Abigail is missing. We'll send a Hunter in the building."

Pumasok si Denise sa loob ng MAPEH Building. Hirap siyang maghanap kay Abigail dahil sa init at paghihilo dahil sa apoy. Samantala, nakaabang ang killer para kay Denise. Nahuli na si Abigail at nakatali ang dalawang kamay niya sa isang pintuan an siya'y may isang gag sa bibig. Kahit gaanong malakas ang kanyang sigaw, hindi pa ito marinig. May isang malakas na hangin ay tumama sa apoy kaya lumipat ito sa uniform ni Abigail.

Denise: "Abigail, nasaan ka?"

Hindi si Abigail nakarinig ng tawag ng kanyang kaibigan dahil siya ay tumatangal sa apoy sa damit niya. Ngunit, nalipat ito sa kanyang mukha at siya ay namatay.

Denise: "Abi-"

Mayroong biglang humawak sa kanyang braso. Tumingin siya sa kanyang likuran an may nakitang killer.

     : "Surprise."

Linapit ng killer ang mukha ni Denise sa isang malaking apoy kaya naging malabo ang kanyang paningin. Pagatapos, hinagis niya si Denise sa sahig kaya nabali ang kanyang buto sa paa at hindi siya makalakad.

Denise: "Tulo-"

Sinipa siya ng killer. Kumuhan ang killer ng isang matulis na kahoy. Noong palapit siya kay Denise, kinuha niya ang kahoy at tinapon niya ito sa killer. Nahulog ng konti ang hood at may siya ay nakakita ng dark brown na buhok pero hindi niya nakita ang buo niyang mukha dahil siya ay sinaksak ng isang dagger sa shoulder blade. Sumigaw siya sa sakit na narandaman niya. Iniwan siya ng killer na mamatay. Sa labas, ang mga guro ay nagpapasahan ng mga timba na puno ng tubig para mamatay ang apoy. Pagatapos ng isang oras, namatay na ang apoy. Nakikita ng mga estudyante na wasak na wasak ang MAPEH Building at hanggang third floor ang damage sa Academic Building. Pero, hindi pa nakikita ang mga katawan ni Abigail at Denise kaya assumed dead sila ng mga kaklase nila. Dahil dito, kinansela ang klase sa buong St. Rutherford's University. Kahit ganito ang nangyari, parang kinalimutan ng mga estudyante ang nangyari at naging maligaya.

Pumasok sina Eva at Chloe sa nasunog na MAPEH Building. Kahit ito ay pinagbabawal, hindi nila matiis ang kanilang curiosity na tignan ang natitira sa gusali. Pagpasok nila dito, narandaman nila ang isang mabigat na pakirandam. Sa mga pader, nadumihan ang mga ito dahil sa kumakalat na abo. Pero, may isang bagay na nakakuha ng attensyon ni Chloe.

Chloe: "Eva, tignan mo to."

Napataas ng balahibo ang kanilang nakita. Isang note na kung hindi nila pinansin, marami ang kaklase nila ay mamatay.

Mga kaklase ko,

May tatlong killers na gustong pumatay sa inyo.

Magingat,

Lily

The next day...

Nagbalik sa normal ang mga klase. Biglang may announcement na dumating galing sa principal.

Mrs. Diaz: "On January 13, 2006, you will be having new classmates."

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon