Chapter 14: Locked In

588 23 6
                                    

Natapos ang klase ng 8B. Magkasama ang magkaibigang sina Ace, Benjamin at Gabriel. Natapos na ang klase sa araw na iyon kaya lumabas sila papunta sa convenience store para bumili ng mga pagkain na kakainin nila mamaya. Lumakad sila papunta sa convenience store kahit ito ay medyo malayo sa kanilang unibersidad. Dahil dito, nagkwentuhan na lang sila habang naglalakad.

Gabriel: "So, kamusta ang buhay?"

Ace: "Ok lang. Naninibago lang ako dito sa bagong eskwelahan."

Benjamin: "Sa tingin ko, maganda naman dito. Kaso lang, wala gaanong nagagawa dito.

Ace: "Oo nga 'no?"

Gabriel: "Nakarinig na ba kayo tungkol sa mga killers?"

Benjamin: "Alam na namin iyon. Huwag na lang natin pagusapan iyon. Anyway, kamusta ang pagiging Secretary?"

Gabriel: "Hay naku. Kailangan mong magsulat dito at magsulat doon. Kailangan mo pang maghawak sa mga malalaki na bagay. Kung sa bagay, ok lang. At least naaapreciate naman ng mga kaklase natin."

Ace: "Guys, nandito na tayo."

Pumasok sila sa convenience store. Naghanap sila sa mga paborito nilang merienda at inumin. Pero may biglang tumawag kay Gabriel. Pero, ito pala ay ang killer.

     : "Isa sa mga kaklase ninyo ay na sa akin. Hanapin niyo siya o alam ninyo ang susunod. Sige, siya'y na sa loob ng Auditorium. Go."

Gabriel: "Dali. Tulungan na natin ang kaklase natin."

Tumakbo sila papunta sa kanilang eskwelahan. Pagpasok nila sa school, sinalubong sila ng gwardya.

Gwardya: "Nasaan kayo pupunta?"

Ace: "Sa Auditorium. May kaklase nanaman kami na mamamatay"

Gwardya: "Oh." sabay niya habang napasama ang kanyang tingin.

Hindi nila ito pinansin at tuloy pa sila sa pagtatakbo papunta sa lugar na pinaglalagay ng kanilang kaklase. Pagpasok nila sa Auditorium, may biglang bumaril sa kanila gamit ang isang sniper. Ang bala ay napunta sa hita ni Ace. Nawalan siya ng malay kaya hinila nalang siya sa loob ng Auditorium ng mga dalawang kaibigan niya.

Nalaman nila na wala palang tao sa loob nito. Ito'y tahimik na tahimik.

Benjamin: "Baka maling kwarto ang pinasukan natin."

Gabriel: "Sige."

Ace: "Please, huwag niyo akong iwanan."

Benjamin: "Sige bubuksan lang namin ang pin-"

Pagkahawak niya sa doorknob, itinulak niya ito at nakita niya na ito ay nakakandado.

Benjamin: "Guys, nakakandado ang pintuan. Gab, maghanap ka ng iba pang pwedeng daanan."

Naghanap si Gabriel ng iba pang mga pintuan para makalabas sa Auditourim. Kahit masakit ang hita, pinilit ni Ace na makatulong sa paghahanap ng iba pang labasan.

Ngunit, pagatapos ng isang oras na paghahanap, nabigo ang magkakaibigan dahil wala sila makitang daanan.

Ace: "Ano kaya ang gagawin natin?"

Tumingin si Gabriel sa kanyang relo. Nakasabi sa kanyang relo na 6:45 p.m. na. Mabilis pala ang oras kapag natatakot ka, bulong niya sa sarili.

Gabriel: "Guys, ang oras ngayon ay 6:45 p.m. Hindi ba magaalala ang ating mga kaklase? Benjamin, dala mo ba ang iyong cellphone? Kung dala mo, tawagan mo ang mga kaklase natin."

Ilinabas ni Benjamin ang kanyang cellphone at sinubakang tawagin si Austin. Ngunit, nabigo siya dahil wala ang signal. Pagatapos, tinawag niya sina Aaron, Chloe at Xavier. Pero, pareho lang ang nangyari: nawala ang signal. Sinubukan niyang magtext kay Xavier.

Xavier,

Tulungan mo kami. Natrap kami sa loob ng Auditorium. Sabihin mo kay Austin na nakulong kami dito. Nakakandado kasi ang pintuan kaya hindi kami makakalabas. Thanks.

Hindi nila alam kung paano ito nangyari pero nasend ang text sa kay Xavier. Habang nagiintay, natulog sila ng konti dahil napagod sila sa araw na iyon.

Meanwhile...

Si Austin ay lumapit kay Xavier.

Austin: "Xavier, nakita mo ba sina Gab, Benjamin at Ace? 7:10 na kasi eh. Nagaalala ako sa kanila dahil wala pa sila sa dorm."

Xavier: "Ah, nagtext si Benjamin sa akin. Sabi daw niya na natrap sila nina Gab at Ace."

Austin: "Sige pupuntahan namin sila. Thanks." Bago siya umalis, biglang naging seryoso ang kanyang mukha at may binulong na To save this class, sacrifices should be made.

Back at the Auditourim...

Nagising si Benjamin sa kanyang tulog. Tumingin siya sa cellphone niya at may nakitang text galing kay Austin. Binasa niya ito.

Papunta na diyan.

Tumingin din siya sa oras. Nakita niya na 8:30pm na. 

Ginising niya ang kanyang mga kaibigan.

Gabriel: "Huh? Dumating na ba ang tulong?"

Benjamin: "Hindi pa nga eh. Baka nadelay lang sila ng konti. Magintay nalang tayo ng konti."

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon