Chapter 13: The Enemy Among Us

623 31 10
                                    

Ang lahat ng mga natitirang officers ay gumawa ng isang meeting sa dorm ni Gabriel ng hating gabi. Dahil tulog pa si Xavier, nakakapaguasap pa sila ng walang gulo. Kasama din nila ay sina Isabella, Ace at Eva. Sila kasi ang mga bagong mga officer na kapalit sa mga dating officer na namatay. Si Isabella ay isang treasurer, si Eva naman ay isang PRO at si Ace ay ang Vice President na pumalit sa namatay na Abigail. Ang kanilang pinaguusapan ay kung bakit nakakaalam ng killer kung saan-saan ang iba't-ibang mga estudyante.

Ace: "Bakit kaya na alam ng killer kung nasaan ang mga studyante kahit walang nagsasabi kung nasaan ang sila?"

Eva: "Hindi ko alam pero sa aking opinyon, may isang 'mole' sa ating klase na tumutulong sa killer pero, hindi siya ang direktang pumapatay sa mga estudyante."

Ace: "Oo nga 'no! Pero, ang ating problema ay hindi natin alam kung sino ang mole."

Isabella: "Sige. Meron bang mga opinyon kung sino ang mole na ito?"

Gabriel: "Sa tingin ko, ang isa sa mga mole ay si-"

Hindi niya itinuloy ang kanyang sinabi dahil biglang nagising si Xavier.

Xavier: "Huh? Anong nangyayari?"

Ace: "Uh, Xavier walang nangyayari. Nag kwekwentuhan lang naman kasi eh."

Eva: "Oo. Pinaguusapan namin ang prom na gaganapin next month."

Xavier: "Sige. Matutulog ako muli."

Ang susunod na araw...

Pagdating ni Austin sa kanyang pwesto sa silid, meron siyang nakitang liham sa kanyang mesa. Ito daw ay galing kay Aurora.

Mahal kong Austin,

Mamaya pagatapos ng klase, magkita-kita tayo sa ilalim ng puno ng balete sa may lobby.

-Aurora

Pagatapos ng klase, dumiretso ng tahimik si Austin sa punong balete. Pero, pagdating niya doon, walang Aurora na nagiintay sa kanya. Pero, napansin niya na may isang liham na nagsasabi na pumunta sa dating music room kaya pumunta siya doon. Nang ibinukas niya ang pintuan, naamoy niya ang amoy ng lumang kahoy at nakita niya ang lahat ng alikabok na kumakalat sa lugar. Pumasok siya sa loob at nagtingin siya sa loob nito. Wala siyang nakita kaya kala niya biro lang ito at naglakad palabas ng music room. Pero, biglang lumiwanag kaya napatingin siya ulit sa loob.

Sa isang mesa, may isang CD na may nakasulat gamit permanent marker. Sabi daw nito ay PLAY ME. Sa tabi nito, mayron siyang nakita na laptop. Binukas niya ang laptop at ilinagay niya ang CD sa loob nito. Nag-lag ang laptop ng konti pero pagatapos, nagplay ang CD. Sa loob nito, may voice record na mahirap intindihan pero pilit nakinig si Austin dahil may pakirandam siya na may masamang nangyari.

Ito ay ang boses ni Aurora. Parang may masamang nangyari sa kanya.

Aurora: "Austin, kung naririnig mo ito, pakisabi sa mga kaklase natin na mamamatay na ako. Sana, hindi ka magiging malungkot dahil sa akin. May isang buong klase pa na kailangan mong iprotekta. Sabihin mo sa kanila na- AHHHHH!"

Naputol ang voice record.

Naghiga si Austin sa sahig habang umiiyak ng matindi. Nagtakbuhan sina Aaron at Chloe sa loob ng kwarto at nagulat ng nakita si Austin.

Chloe: "Austin? Ano ang nangyari?"

Austin: "Patay na siya." Malungkot niyang sinabi.

Aaron: "Oh."

Bilang tumayo si Austin at nagiba ang kanyang boses. Ito'y naging malamig at walang damdamin at nagpalit sa kanyang dating nakapapawi at pampasiglang boses.

Austin: "Kailangan ko siyang hanapin at patayin."

Chloe: "WHAT?!"

Aaron: "Easy! You are gonna hurt yourself!"

Austin: "I DON'T CARE!"

Itinulak niya si Aaron at si Aaron ay nabukol sa kanyang ulo. Biglang tumahimik ulit si Austin at umupo sa katabi ni Aaron.

Austin: "Ok ka lang?"

Aaron: "Yeah. Ok lang pero masakit lang ng konti."

Austin: "Sorry ha. Nashock lang ako kasi sa nangyari. Hindi ko akalain na siya ang susunod na mamamatay. "

Chloe: "Tara balik tayo sa classroom. Baka may makakita pa sa atin dito."

Austin: "Sige."

Habang palakad sila papunta sa silid, may narandamang galit si Austin sa kanyang puso. Pero, hindi niya ito pinansin dahil alam niya na hindi to makakabuti sa iba niyang mga kaklase.

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon