Chapter 20: Distress Call

399 20 2
                                    

Noong kaparehong gabing pinaslang si Preston, natutulog si Diamond sa loob ng kanyang tent. Nagising siya noong may biglang malakas na tunog galing sa labas. Napaupo siya sa gulat, binuksan ang kanyang lampara na nakasabit sa taas ng kanyang tent at tumingin sa kanyang paligid. Wala naman siyang nakita. Ang nakita niya ay ang kanyang gamit sa iba't-ibang sulok ng kanyang tulugan at narinig niya lamang ang malakas na tunog ng ulan.

Diamond: "Wala naman palang nangyayari eh. Matutulog na lang nga-"

Biglang may pulang likido na tumulo sa kanyang buhok: dugo.

Nakita niya ang isang hilam na tao sa labas ng kanyang tent na may hawak na kutsilyo. Nang nakita niya ito, agad niyang kinuha ang kanyang phone at tinawagan si Chloe, ang natutulog sa tent sa tabi ng kanyang tent.

Diamond: "Chloe, tulungan mo ako! Ako na yata ang susunod!"

Chloe: "Titignan ko lang sa labas."

Sumilip si Chloe sa labas ng kanyang tent. Nakita niya ang killer na nakasuot ng hood. Humanap siya ng sandatan sa kanyang bag. Nakita niya ang isang pocket knife kaya mahigpit niya itong hinawakan sa kanyang kaliwang kamay at lumabas sa kanyang tent. 

Tahimik siyang lumapit sa killer, tinaas ang kanyang kutsilyo, pero, tumigil siya. May biglang pumutok ng baril at tumama ang bala sa kanyang kanang shoulder blade. 

Lumingon siya at nakita niya ang isa pang killer na may hawak na baril.

Umagos ang kanyang dugo mula dito. Sinaksak pa ito ng isa pang killer na may hawak na kutsilyo.

Habang hindi sila nakatingin, naiisipan ni Diamond na tumakas sa kanyang tent. Tumakbo siya ng kanyang pinakamabilis. Hindi niya alam saan pumunta pero nakita niya si Ms. Suarez.

Ms. Suarez: "Diamond! Gising ka na? Maaga pa!"

Diamond: "Hina-hinahabol ako ng m-m-mga killer!"

Tinulak niya ang kanyang guro at tumakbo papunta sa gubat. Noong nakarating siya doon, nakita niya ang mga rebulto. May gumuhit sa kanilang mga mukha. Ang ibang rebulto ay mga umiiyak na mukha na may mga ekis sa mata at meron namang mga rebultong walang ulo. 

Hindi niya ito pinansin kaya takbo siya ng takbo. Pero, biglang sumabit ang kanyang paa sa isang trip wire kaya gumulong-gulong siya papunta sa isang malaking, kulay itim na cage. Nagsara ang cage at umingay ang siren sa taas nito. Bigla itong tumigil noong dumating ang isa pang lalaking nakahood na may walkie-talkie.

     : "Nandito na ang iyong target. Nahuli na siya."

Tumingin naman ang lalaki sa kanya. Tinangal niya ang kanyang hood at ngumiti.

Diamond: "B-Bernardo?"

Bernardo: "Oo. Ako ang mole."

Sumunod na dumating ang dalawang killer na humahabol kay Diamond.

     : "Good job. Nahuli mo ang susunod na target." malamig na sinabi ng unang killer.

Bernardo: "Salamat. Gawin niyo na ang gusto niyong gawin bago mahuli kayo ng mga guro."

Tinaas ng pangalawang killer ang kanyang baril habang binuksan ng unang killer ang cage. Agad linagyan ng handcuff ang kamay ni Diamond at pinilit nilang lumabas sa cage. 

Itinulak ng unang killer si Diamond kaya napahiga ito sa sahig. Lumapit ang pangalawang killer sa kanya na may ngiti sa kanyang labi. Linagyan niya ng gag ang bibig ni Diamond. Tinali nila si Diamond sa isang puno at pinakain ng isang tableta. Maya-maya lamang, nahirapan si Diamond na maghinga. Lumabas din sa kanyang bibig ang mga bula. 

Linapitan siya ng killer at sinaksak sa kanyang noo kaya agad siyang namatay. Tinapon ng pangalawang killer ang katawan ni Diamond sa lake. Agad namula ang tubig kaya sinaway ng unang killer ang pangalawang killer.

     : "Anong ginawa mo?! Mahahalata ngayon ng mga tao ang lugar ng katawan ni Diamond!"

     : "Ay sorry! Hindi ako ganyang kagaling katulad mo! Hindi mo naman sinabi na huwag itapon ang katwan dito!"

Ilinabas ng mga killer ang kanilang mga sandatan ng pinigilan sila ni Bernardo. 

Bernardo: "Ano?! Magpapatayan na kayo dito? Hindi mauubos ang mga estudyante at hindi din natin matatapos ang utos ng ating boss!"

     : "Oo nga no! Dapat patay na ang lahat ng estudyante pati ang guro natin!" wika ng unang killer.

     : "Sino kaya ang isunod natin?" sabi ng ikalawang killer.

—-Author's Note—-

Sorry kung nabitin kayo sa update na ito. Minadali ko kasi ito dahil malapit nang matapos ang pasukan at madami pa akong isusulat na essay para sa aming school paper.

Anyways, inspired ang chapter na ito (Kasama din ang Chapter 19) sa aming camping activity na ginanap noong Feb. 13 - Feb. 14.

Tignan niyo din po ang bago naming collaboration account kasama ni amb_13. Ang pangalan nito ay Bramb_1013 at nakadedicate ito sa chapter na ito.

-Brainbookz

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon