Chapter 26: Scavenge

340 13 1
                                    

Benjamin: "Bubuksan ko na ang pintuan." sabi niya sabay sipa sa pintuan.


Nagsimula nang mag-ulan pero hindi ito humahadlang sa mga estudyante para maghanap ng mga sandatan.


Binuksan ni Phillip ang isang garden shed at nakakita ng isang maitim na shotgun na nakatago sa loob nito. Bukod dito, meron ding mga pamputol ng mga dahon at isang machete. Ilinagay niya ang strap nito sa kanyang balikat.


Phillip: "James! Sa'yo to!" sigaw ni Phillip dahil sa malakas na paguulan. Ibinigay ni Phillip ang machete kay James.


Jacob: "Dalian natin! Nandoon si Austin nakatingin sa atin!" turo niya sa likod ng isang puno.


Dahil dito, lumabas si Austin sa kakataguan niya at binaril si Jacob sa kanyang tiyan. Napabagsak ito ng malakas sa sahig habang nagsitakbuhan ang mga estudyante.


Lumapit ang killer kay Jacob at bumulong sa kanyang tenga.


Austin: "Dahil sa sobrang bait ko, hindi kita papatayin KAPAG nakisabwat ka sa akin. Kapag hindi, sa ulo naman dadapo ang bala na to."


Sa isang corridor...


Nagtatakbuhan ang mga estudyante ng may bangkay na nahulog sa itinatalian sa ceiling. Napasigaw ang ilan dahil sa gulat at umiyak naman ang iba noong nalaman nila kung sino 'to: Si Ms. Suarez.


May mga bahagi ng katawan na kulang nito katulad ng kaliwang braso at ang isang half ng mukha ay nawawalan ng balat. Buto ang kalamnan ang makikita dito.


Kahit gusto nilang ilibing ang kanilang guro, hindi nila ito magagawa dahil hinabol sila.


Nico: "Tago tayo sa secrurity room!"


Nagsipasukan ang mga estudyante sa security room. Binuksan nila ang mga ilaw na nagpakita ng mga iba't-ibang equipment katulad ng CCTV feed at Walkie-talkie system. Meron ding dalawang handgun na napunta kina Nico at Benjamin.


Tinignan ng mga estudyante ang CCTV at nakita nila si Austin. Siya ay na sa lobby. Tumingin siya sa CCTV at pinagbaril niya ito hanggang madisconnect. Ngunit hindi nila mahanap ang kaklase nilang si Jacob.


Benjamin: "Kami ni James at Nico ang maghahanap kay Jacob. Dadalhin ko ang isang walkie-talkie para magkausap tayo. Kahit anong mangyayare huwag kayong lumabas dito." bilin kina Natasha, Destiny at Phillip pagatapos nilock ang pintuan.


Madilim ang paligid dahil nagkaroon ng brown-out. Nakataas ang mga sandatan nila habang hinahanap si Jacob. Na sa harapan sila ng 8B classroom ng biglang may lumabas sa tiyan ni James. Isa itong matulis na kutsilyo na bumaon sa katawan ni James.


Tumingin sila sa likod at nakita nila si Austin. Pinagbabaril nina Benjamin at Nico si Austin. Nang nakita ni Austin na binaril siya, tumingin siya sa tiyan niya. May butas ang kanyang damit pero wala sa kanyang katawan.


Austin: "Hindi ako pinagtatablan sa mga bala niyo dahil may anting-anting ako!"


Benjamin: "O baka kaya may bullet-proof vest ka?" insulto ni Benjamin.


Dala-dala si James, tumakbo sina Benjamin at Nico palayo para makarating sa hideout nila.


Binuksan nila ang pintuan ng makita nila si James sa CCTV feed.


Destiny: "Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito.


Benjamin: "Sinaksak siya ni Austin. Kailangan nating tangalin ang kutsilyo."


Natasha: "Buhay pa ba siya?"


Kinunan ni Nico ang pulso ni James. Buhay pa rin si James pero masama ang kanyang situwasyon kailangan nilang tangalin ang pagkabaon ng kutsilyo kay James kundi mauubusan siya ng dugo.

Nico: "Oo."

Kumuha ng panyo si Benjamin habang dahan-dahang tinatangal ni Nico ang kutsilyo sa kaklase nila. Tulo ng tulo ang dugo si James kaya hindi nila ito makontrol. Kita naman ni Natasha na lumalapit sa CCTV Room si Austin. Nakatingin lang din si Bernardo sa mga kaklase nila habang ginagawang masalba ang buhay ni James.


Natasha: "Dalian niyo. Palapit na si Austin!"


Bigla naming naglabas ng baril si Bernardo at pinaputok ito sa ceiling. Dahil dito, napatingin sila sa kanya.


Bernardo: "Itigil niyo ang ginagawa niyo o mamamatay kayong lahat."


--Author's Note--


Phew! Malapit nang matapos ang una kong librong Class Secrets!


Ano kaya ang mangyayari kina Benjamin? Patay na ba si Jacob? Kaya ba nilang iligtas si James?


Abangan niyo sa susunod na update!





Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon