Nagising si James sa isang kwarto ng White Cross Hospital. Nakita niya ang isang IV line at isang Heart Monitor na nakakabit sa kanya.
Tinignan niya ang orasan at 9:37 pm ang nakasulat dito. Tinignan niya din ang isang kamang katabi niya. Doon, nakatulog ang isang babae- ang kanyang nanay.
James: "Ma?" tawag niya.
Nagising ang kanyang nanay at nagulat siya dahil apat na araw tulog si James. Linapitan naman ng nanay si James at niyakap.
Nanay: "Anak, kala ko hindi ka na gigising! Sabi daw ng doctor napakaswerte ka dahil nasurvive mo ang isang sak-sak sa shoulder blade at isang sabog."
James: "Nasaan na ang mga kaklase ko?"
Nanay: "Nandito din sila. Ok lang sila bukod sa isa mong kaklase. Nasama siya sa sabog at madaming bubog ang bumaon sa kanyang katawan. Natagpuan siyang patay sa harapan ng school lobby. Iniimbestigahan na ang insidente ngunit wala pa silang tinutukoy na suspek..."
Biglang bumukas ang pintuan at may pumasok sa kwarto.
James: "Joshua, ikaw ba 'yan?"
Joshua: "Oo."
—————
Kasama ni Benjamin ang kanyang kuya na si Desmond.
Desmond: "Kamusta ka na?"
Benjamin: "Medyo masakit pa ang ulo ko."
Kumuha naman ng paracetamol sa taas ng table si Desmond at binigay kay Benjamin na may kasamang baso ng tubig.
Benjamin: "Salamat kuya. Nasaan sina Mom at Dad?"
Desmond: "Si Dad ay nasa trabaho at si Mom naman ay nasa baba. Meron lang siyang binibili sa baba. Pwede ba akong magsabi ng isang sikreto sa iyo?"
Benjamin: "Ok."
Lumapit si Desmond kay Benjamin at bumulong sa kanyang tenga.
Desmond: "Nangyari din iyon sa akin noong nagaaral ako sa section niyong 8B. Konti lang kaming nagsurvive dahil nakisabwat ako sa killer. Pero, of course, matagal na iyon. Nagiba na ako."
May nagtext sa cellphone ni Benjamin kaya binasa niya ito.
From: +095116...
Patay na si Rachel Mendoza.
—————
Newscaster: "Patuloy na iniimbestigahan ang incidente noong March 18 sa loob ng St. Rutherford's University. Sa 40 na estudyante ng 8B, tatlo lang ang nabuhay. Sa ngayon, wala pang tinutukoy na suspek ngunit sinasabi ng mga eksperto na maaring na sa klase ang nagpatay sa mga estudyante. Ngayon, temporarily closed ang eskwelahan dahil sa renovations. Sabi ng PNP-" pinatay ni Natasha ang TV na sa loob ng hospital room niya.
Tinignan naman niya ang mga litrato noong madami pa sila. Naluha siya dahil alam niya na ang dati nilang klase ay hindi mabubuo ulit.
Tumayo siya para maghilamos ng mukha. Pagatapos niyang linisin ang kanyang mukha, may napansin siyang note na nakadikit sa mirror. Ikinuha niya ito at binasa.
Kala mo natapos na ang lahat na ito? Mali ka. Babalik ako.
——-A u t h o r ' s N o te——-
Dahil sa inyo, natapos ko na ang una kong libro!
*May marching band sabay parade*
Ulit, dahil sa support niyo sa akin, na-inspire ako na kaya tinapos ko ang libro para sa inyo! Bibigyan ko kayo ng top 10 facts tungkol sa kwentong ito...
T O P T E N F A C T S
10. Madami akong nasulat na drafts para sa Class Secrets pero ito ang pinili ko dahil ito ang paborito ko. Meron ngang version na kailangan nilang magpatayan para maka-uwi na may one million pesos.
9. It took me nine months to complete the story.
8. Nakasali ito sa madaming mga book club. Nagpagawa din ako ng madaming cover para dito.
7. Dahil sa kwentong ito, nagging On Hold yung isa kong kwento na Run.
6. Nahirapan akong magisip ng pangalan ng eskwelahan. Pero, nagisip ako at ito ang naging pangalan: St. Rutherford's University.
5. Speaking about names, parang gusto kong palitan ang pangalan ng kwento... bagay ba ang 37 Students, 3 Killers and 1 Spy? Dejk.
4. Ginamit ko ang Google Maps sa isang chapter. (Hulaan niyo!)
3. Balak ko sanang maging killer si Xavier pero naging halata ito kaya pinalitan ko ito at naging si Jade ang unang kasabwat.
2. As of May 24, 2015, I have recieved a total of 548 votes for this story : )
1. Alam kong mamimiss niyo ang mga estudyante (pero ewan ko kung mamimiss niyo si Austin) kaya hindi muna kayo magpapaalam sa kanila! Kapag hindi ako pagod, gagawa ako ng mga special chapters. Buo pa yung klase noon at tungkol ito sa school life ng section 8B.
Thank you for your support til the end of this story!
- B R A I N B O O K Z
BINABASA MO ANG
Class Secrets
Horror"If you want to survive, think quickly. Time is running out..." Cover by -nytoclipse Started: October 24, 2014 [1:45 p.m.] Finished: May 25, 2015 [4:30 p.m.] Ang St. Rutherford's University ay ang isa sa mga pinaka magandang eskwelahan sa Pilipinas...