Jade: "Ang sarap ng lechon!"
Eva: "Sige, tuloy ang party!"
Ang lahat ng estudyante ay masaya dahil sa party at wala nang buhay na masasayang dahil patay ang "killer".
Xavier: "Pwede lumabas muna kami? Mayrong kaming ihahanda."
Austin: "Sige."
Lumabas sina Xavier, Bernardo, Dai, Hannah at si Lily.
Sa isang sulok ng kwarto, nandoon ang ilang studyante.
Destiny: "Aurora, totoo ba na boyfriend mo si Austin?"
Aurora: "Oo!"
Kumakain naman si Austin at nakatingin lang sa kanila na may "cute" na smile.
Aaron: "May joke ako."
Lee: "Ano?"
Aaron: "Mayron akong cousin na kala niya na siya ay matapang."
Lee: "So?"
Aaron: "Sabi niya na onion lang makaiyak sa kanya. Alam mo ba ang ginawa ko?"
Lee: "Ano?"
Aaron: "Nagtapon ako ng isang coconut sa kanyang mukha!"
Lee: "HAHAHAHA! Alam mo Aaron, nakakatawa ka talaga!"
Biglang may sumigaw.
Tao: "TULONG!!!
Destiny: "Ano yun?!"
Phillip: "Hay naku Destiny. Hayaan mo na lang! Mayrong nagloloko sa atin! Diba, patay na ang killer?"
Nang sinabi niya ito, ang lahat ng ilaw ay namatay at biglang gumana ang projector. Nakita ng mga estudyante si Lily. Siya ay naka-blindfold at nakatali siya sa isang upuan. Sa likod niya may isang malaking blade. Siya ay naka-yuko at may bakal na sumusuporta sa kanyang dibdib. Punong puno siya ng dugo at siya ay umiiyak. Sa tabi niya ay si Dai. Umiiyak din siya at hinahanap niya ang isang bagay para maligtas ang buhay ni Lily. May taong nakasuot ng itim sa harapan nila.
: "Missed me? Sorry hindi ako nakapagattend ng party... hindi kasi ako welcome eh! Anyways, nahuli ko si Lily. Ibinali ko ang kanyang spinal cord kaya hindi siya makaupo ng maayos. Instead, nakasuporta ang katawan niya sa isang bakal. Gagalaw ang bakal hanggang makarating sa blade. Mamamatay si Lily kung masugatan siya ng malalim. Ito kasi ang pinakamatulis na blade na makita ko. May catch din: pwedeng matigil ang pagalaw ng bakal. Kailangan lang ni Dai ipasok ang kanyang kamay sa isang butas na may high voltage sa Control Panel ng bakal. Sa loob ng butas, nandoon ang button na makapagpigil sa galaw. Ready na kayo diyan?"
Lily: "Please Dai, huwag mo akong pabayaang mamatay!"
Dai: "Sige, magtiwala ka lang na kaya ko to." mahina niyang sinabi.
: "Hoy! Tama na ang drama!"
Gumagalaw na ang bakal papunta sa blade kaya sigaw ng sigaw si Lily. Si Dai naman ay nagpapasok ng kanyang kamay sa butas pero malakas siyang kinukuryente.
Dai: "ARAY!"
Isang kalahati na ang katawan ni Lily sa blade.
Lily: "Dalian mo!"
Pinasok naman ni Dai ang kamay niya sa butas habang hindi pinapansin ang sakit kaya napindot niya ito. Nahulog siya pagatapos sa sahig at namatay.
Lily: "NOOOO!!!"
: "What?! Disconnect the camera!"
Naging itim ang projector. Sabi nito AUDIO ONLY kaya narinig ng mga estudyante ang dialogue.
Lily: " Dai, gising ka na!"
: "Hindi mo ba alam na patay na siya? Ikaw na ang susunod!"
Lily: "Please, tama na please parang awa mo -!"
Biglang sumigaw si Lily at naputol ang linya.
Pagatapos ng limang minuto, bumalik ang video mode. Nakita ng mga studyante ang killer na humahawak ng ulo ng kanilang kaklase. Walang awang pinatay si Lily.
: "Who's next?"
Namatay ang projector at bumukas muli ang ilaw. Bumalik ang mga estudyante.
Xavier: "Nabalitaan niyo ba?"
Eva: "Oo, patay na sila..."
Austin: "Ano na ang gagawin natin? Papatayin na tayong lahat."
Ang hindi nila alam, noong namatay ang projector, may hintong binigay ang killer para malaman nila kung sino ang susunod...
BINABASA MO ANG
Class Secrets
Horror"If you want to survive, think quickly. Time is running out..." Cover by -nytoclipse Started: October 24, 2014 [1:45 p.m.] Finished: May 25, 2015 [4:30 p.m.] Ang St. Rutherford's University ay ang isa sa mga pinaka magandang eskwelahan sa Pilipinas...