Nagising si Eva isang madilim na kwarto. Ang isang kandila lamang ang nagbibigay ng ilaw sa loob ng kwarto. Bumangon siya sa kanyang kama at naglakad sa paligid ng kwarto. Napansin niya ang ilang bangkay ng kanyang mga kaklase katulad ni Aaron, Preston at Jessica. Nandoon din sina Lee, Katherine at Nicole. Madugo ang kanilang mga katawan at kulang ang ibang bahagi ng katawan. Noong lumapit siya sa katawan ni Katherine, bigla siyang hinila nito at may naglagay ng kanyang kamay sa balikat ni Eva. Noong lumingon siya, meron siyang nakitang lalaking may hood at may hawak na itak.:"Hi Eva!" sabi nito at may kasunod na nababaliw na tawa.
Eva: "Let me go!"
: "It's too late! Say goodbye!"
Hinila pa ito ni Katherine na mas malakas kaya napatumba siya. Lumapit ang lalaki sa kanya, tinaas ang kanyang itak. Isinarado ni Eva ang kanyang mga mata at...
Jacob: "Eva! Gising na!"
Nagising si Eva sa kanyang panaginip. Pawis na pawis ang kanyang mukha at siya ay natulala sa kanyang kaibigan.
Eva: "Huh?"
Austin: "Nakatulog ka kasi eh. Gusto mo ba ng tulong sa gamit mo?"
Eva: "Ok. Thanks."
Noong nakababa na ang lahat ng mga estudyante, nagsitayuan na sila ng kanya-kanyang mga tent. Pagatapos gumawa ng tent, nagrupo ang mga magkaibigang sina Nico, Preston, Jacob at Gideon. Naglibot sila sa paligid ng kanilang camping grounds. Nakita nila ang crystal-clear na tubig na may mga isdang tumatalon. Nakita din nila ang mapreskong gubat na may iba't-ibang rebulto na ginawa dito.
Titingin pa sana sila sa iba pang lugar ng biglang tumunog ang isang siren. Ang siren na iyon ay ang kanilang simbolo na magpwesto sa Assembly Area. Noong nandoon na ang lahat ng mga estudyante. Nagbriefing ang mga guro ng mga actibidad na pwedeng gawin sa camping grounds. Pero biglang naputol ang sinabi ng mga guro dahil nagiba ang sinasabi galing sa speaker.
: "Welcome to the Red Lake Camping Grounds, Rutherians! I will make sure you will enjoy your stay here! But, I can assure you that the word 'Red Lake' would mean blood right? Hahaha! Good luck!"
Nagpanic ang mga estudyante pero kinaya ng mga guro na patigilin.
Guro: "Walang masamang mangyayari! Mahigpit ang securidad dito sa lugar na ito!"
Noong Break Time...
Nasa loob ng mga tent ang mga estudyante ng 8B ng tawagin sila ni Belle.
Belle: "Guys, dali! Kailangan ni Aaron ng tulong!"
Austin: "WHAT?! BAKIT!"
Belle: "Hindi ko nga alam! Basta merong tumawag sa akin at sinabi-"
Austin: "MINSAN LANG NAMAMATAY ANG BEST FRIEND KO KAYA GET YOUR FACTS RIGHT!!!" sigaw ni Austin.
Belle: "Yes, Austin!"
Noong pinakita ni Belle ang kinaroroonan ni Aaron, nagsigawan ang mga estudyante. Nakaupo siya sa isang upuan at nakahandcuff siya dito. Meron din siyang sinusuot na maskara na nagtatakip sa kanyang mga mukha. Gawa ito sa bakal at meron lang dalawang butas para sa mata.
Tulog pa si Aaron pero nagising siya nang may nagsalita gamit ang speaker.
: "Wake up, Aaron! Meron tayong munting laro!"
Aaron: "Anong nangyayari? Bakit meron akong maskara?"
: "Ito ang una nating activity! Kailangan mong tanggalin ang maskara mo kundi hihigpit yan at masisira ang bungo mo!"
Aaron: "Ayaw kong sumunod sa mga patay kong kaklase!"
: "Aaron, you can dodge fate but it will just keep coming at you. Hahaha!"
Biglang gumalaw ang mga gear na nakakabit sa maskara. Pilit ni Aaron na tanggalin ang maskara ngunit hindi nya ito nakaya dahil nakarestrain ang kanyang mga kamay ng handcuffs.
Jessica: "Tutulong ako!"
Nang palapit na si Jessica sa upuan, meron siyang naapakang tripwire kaya nahulog siya. Bukod dito, may isang machine gun na nakakabit sa tripwire na nakatago sa isang puno ay nagbaril sa kanya. Natadtad ang kanyang mukha at dumugo ito, sanhi ng kanyang kamatayan.
Wala nang umasa na makakaligtas pa siya. Dahil dito, nagkanya-kanyang dasalan ang mga estudyante.
Preston: "Paalam, Aaron."
Nanahimik lang si Austin habang tumulo ang kanyang mga luha.
Biglang sumigaw si Aaron nang may malakas na CRUNCH! galing sa maskara. Napisa ang bungo ni Aaron at lumabas ang kanyang mga mata sa butas at lumabas din ang madaming dugo. Nagsuka si Jacob sa kanyang nakita habang nagtakip ng bibig ang iba. Hindi nila akalain na meron nanamang mababawasan sa kanila.
Noong gabing iyon...
Nagsilakad ang mga magkakaibigang sina Preston, Bejamin at Nico.
Habang naglalakad, naisipan ni Nico at Benjamin na magprank kay Preston.
Preston: "Kailangan ko munang magbanyo. Magintay lang kayo dito ha?"
Benjamin: "S-sige!" sabi niya habang pumipigil sa sarili niya na tumawa.
Noong na sa banyo na si Preston, naisip ng magkaibigan na bumalik sa kanilang tent. Doon sila nagtago para hindi sila makita ni Preston.
Noong nandoon na si Preston, nagulat siya na hindi niya nakita ang kanyang mga kaibigan.
Preston: "Nico, Benjamin, nasaan na kayo?" Pero, wala namang sagot. Tanging hangin lang ang kanyang kausap. Dahil hindi niya alam ang lugar pabalik sa camping site, nagdesisyon siyang hanapin sina Nico at Benjamin.
Nabigo siya sa paghahanap ngunit nakita niya ang isa niyang kaklase.
Preston: "_____! Nasaan ang camping site?"
: "Samahan nalang kita pabalik sa tent mo."
Preston: "Thanks!"
Noong naglalakad sila, inabot ng estudyante ang isang bote ng soda kay Phillip.
Preston: "Thank you."
Noong ininom niya ito, biglang uminit ang kanyang tiyan.
Preston: "Ano to?!"
: "Acid. HAHAHAHAHA!"
Bumagsak si Preston sa sahig dahil sa sakit na nararandaman. Pinulot ng killer ang bote ng acid. Meron pa itong laman kaya ibinuhos niya ito sa katawan ni Preston at ibinasag niya ang bote sa kanyang mukha.
Itinago niya ang katawan ni Preston sa gubat at tumakbo siya palayo sa lugar na iyon.
---Author's Note---
Hi!
Nagbawi ako sa last update ko! :D
Gusto ko sana ng tulong para mas maraming taong magbabasa ng kwento ko. Sana mas maraming taong magbabasa ng kwento ko. By the way, maraming salamat kay sam09zel. Siya yung gumawa ng bagong cover ko. Maraming salamat din kay amb_13, NeonBluish at kay AgentRevenger. Tuloy-tuloy nilang sinusuportahan ang kwento ko. Naging inspiration ko din ang kwento ni Kuya FR na Class Picture I and Class Picture II. Hindi ko akalain na aabot ang kwento ko ng ganitong kalayo! Salamat din sa mga nagbabasa ng kwento ko. Kung hindi sa inyo, matagal ko nang itinigil ang pagsusulat ng kwentong ito.
Maraming Salamat!
-Brainbookz
BINABASA MO ANG
Class Secrets
Terror"If you want to survive, think quickly. Time is running out..." Cover by -nytoclipse Started: October 24, 2014 [1:45 p.m.] Finished: May 25, 2015 [4:30 p.m.] Ang St. Rutherford's University ay ang isa sa mga pinaka magandang eskwelahan sa Pilipinas...