Chapter 25: Emergency

355 20 2
                                    


Pagatapos magkausap ng mga estudyante kay Rachel, gumagabi na.


Rachel: "Oh, 8:28 na pala! Gusto niyo bang magpalipas ng gabi dito?"


Benjamin: "Sige po! Salamat."


Kumuha ng susi si Rachel at binuksan niya ang isang pintuan.


Rachel: "Ito ang guest room. Kung gusto niyong magbanyo, meron isang banyo dito. Meron ba kayong gusto?"


Jacob: "Wala na po Ms. Mendoza." sabi niya na may ngiti.


Noong lumabas sa kwarto si Ms. Mendoza, naglakad ang mga estudyante sa loob ng kanilang kwarto.


May isang flat screen na TV at isang kama para sa tatlong tao. Meron ding isang navy blue na couch sa tabi. May veranda din ito kung saan makikita mo ang buong Pasig.


Kumatok ang isang maid sa pintuan ng kwarto nila kaya binuksan ito ni Benjamin.


Maid: "Ito na ang mga pagkain niyo."


Benjamin: "Salamat po, ate!"


Isinara niya ang pintuan at kumain na sila. Pagatapos nilang kumain, natulog sila.


Nagising si Benjamin ng 11:45 ng gabi. Madilim ang kwarto at natutulog pa sina Jacob at James. Nagising siya dahil may nagtawag sa kanyang cellphone. Tinignan niya ito at nakita niya na si Austin ang tumawag. Kinausap niya naman si Austin.


Austin: "Kailangan niyo ng makauwi. May emergency na nagaganap."


Benjamin: "Nasaan kayo at anong nangyayari?"


Austin: "Basta. Bumalik na kayo." Pagatapos, naputol ang linya.


Ginising ni Benjamin ang kanyang mga kasama at sinabi sa kanila na tinawagan siya ni Austin at sinabing may problema. Hindi na nila dinala ang kanilang mga gamit at umalis na sila kaagad.


Sa labas ng bahay, sobrang dilim at ilang street light at ang buwan lang ang nagbibigay liwanag sa kalsada. Naglakad sila ng mabilis papunta sa may Mercedes Avenue para makakuha ng isang taxi.


Pagdating nila sa university, patay ang lahat ng ilaw kaya madilim ang paligid. Linapitan ni Jacob ang front gate pero nakakandado ito.


Jacob: "Nakalock ang gate akyatin nalang natin ang fence."


James: "Sige. Pero paano pag may nakakita sa atin?"


Jacob: "Bahala na."


Unang umakyat si Benjamin at tinignan niya ang paligid. Nakabukas ang isang bintana sa hallway. Sumunod naman si James at panghuli si Jacob. Pinasok nila ang bintana.


May nakitang flashlight si Benjamin sa isang nakabukas na locker. Palakad-lakad sila papunta sa silid nila. Biglang may nakita silang duguan na tao. Linapitan nila ito at nakita nila si Shaun Torres pala ito. May pako ang isa niyang mata at may barb wire sa kanyang bibig.


Nang nakita niya ang mga estudyante, tinawagan niya ito.


Shaun: "Tulong..."


Benjamin: "Sino ang may gawa nito?"


Shaun: "A-ang p-president niyo." Sabi niya at namatay.


Benjamin: "Si Austin yata ang killer."


Nagtuloy sila sa paglalakad hanggang nakarating sila sa classroom. Nakatago ang ilan sa kanilang mga kaklase sa ilalim ng kanilang mga upuan.


Jacob: "What the hell happened?"


Phillip: "Si Austin ang killer. Kailangan nating makaalis ngayon na!"


James: "Nakakandado na ang lahat ng mga gate. Kailangan nating mabuhay hanggang bukas ng umaga."


Benjamin: "Nasaan si Ms. Suarez?"


Eva: "Lumabas siya para humingi ng-" Napatigil si Belle sa kakasalita at itinuro ang glass window sa tabi ng pintuan. May taong nakahood at may hawak na chainsaw.


Nang makita ito ng mga estudyante, nagsigawan sila at pilit lumabas ng kwarto. Pero, si Eva ay nagtago sa loob ng teacher's cabinet. Nakakita siya sa mga butas ng cabinet.


Tinangal ni Austin ang kanyang hood at linabas niya ang kanyang walkie-talkie. Binuksan niya ito at nagsalita.


Austin: "Nasaan ka na?"


Bernardo: "Malapit kami sa library."


Austin: "Sige, punta na ako."


Isinuot ni Austin ang isang itim na anting-anting na may isang pula na gem sa loob. Isinarado niya ang kanyang mata at mabilis niyang binuksan. Naglakad siya papunta sa cabinet at isinarado ni Eva ang kanyang mga mata.


May narinig na sigaw ang mga estudyante.


Nico: "Isa pa nanaman ang namatay."


Phillip: "Anong oras na?"


Nico: "12:30 na."


Benjamin: "Kailangan nating makahanap na makakatulong sa atin."

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon