Chapter 28: Endgame

462 12 1
                                    

Benjamin: "Hahanapin ko na si Nico para makaalis na tayo dito." sabi niya at lumabas ng kwarto.


Nagmamadaling naglakad si Benjamin sa CCTV Room. Nakabukas pa rin ang pintuan at kalat-kalat pa ang utak ni Destiny. Binuksan niya ang monitor ngunit isa lang ang gumagana dahil sinira ni Austin yung iba.


CANTEEN ang label ng camera na gumagana kaya diyaan si Benjamin pumunta. Pagdating niya doon, patay ang lahat ng mga ilaw kaya ginamit niya ang flashlight na nakuha niya sa locker.


Habang naglalakad, nakita niya ang ilang sira-sirang piraso ng kahoy. Meron ding isang bangkay na nakapatong sa lamesa. Linapitan niya ito at agad niya itong nakilala. Ito ay si Gabriel. Naka-school uniform pa ito pero may hiwa ang kanyang tiyan. Wala na siyang mga internal organs maliban sa small intestine at lungs. Nakabuka pa ang mga mata nito kaya parang tinitignan niya si Benjamin.


Naalala ni Benjamin ang nangyari sa Auditorium. Iniwan niya ang mga kaklase niya na sumisigaw para humingi ng tulong. Hinawakan niya ang mga mata ni Gabriel at isinarado.


Benjamin: "Sorry na hindi kita naligtas."


Tuloy-tuloy siya sa paglalakad at nakita niya ang isang papel na may sulat na gamit ang dugo.


Punta ka sa main lobby o mamamatay kayo.


-Pinakamamahal niyong killer,

Austin


Tumakbo naman si Benjamin sa main lobby. Nakita niya si Nico na nakatali sa isang pillar. Sa tabi niya naman ang time bomb. Linapitan niya ito at tinignan. 8:49 ang nakasulat sa screen nito. May nakaipit na papel din sa time bomb. Binasa naman ito ni Benjamin.


I-deactivate mo ang bomba bago ito sumabog...


Lumapit naman sa likod ng bomba si Benjamin at nagsimulang magtype ng mga posibleng password.


-----

Nagising si James sa harapan ng school chapel. Hindi pa niya maiigalaw ang kanyang katawan sa sakit. Tinignan niya ang kanyang tabi at nakita niya ang bangkay ni Phillip may saksak ito sa shoulder blade at puno ito ng tuyong dugo.


Sinubukan niyang tumayo ngunit natumba siya nang ginawa niya ito. Dahil dito, pinilit niya ang sarili niyang gumapang sa sahig. Tinawagan niya si Natasha para makahanap ng tulong.


Pagatapos ng labing limang minuto, dumating si Natasha na may dala-dalang wheelchair na nakuha niya sa clinic. Tinulungan niya itong makaupo sa wheelchair at dinala naman niya ito sa classroom.


Natasha: "Kamusta na ang sugat mo?" tanong niya.


James: "Masakit pa rin..." mahina niyang sagot.


Dinalhan naman ni Natasha ng tubig si James.


Natasha: "Gusto mo ba ng tubig?"


James: "Sige. Hindi mo na kailangan akong tulungan."


Natasha: "Pero paano naman ang sugat mo?"


James: "Gagaling din yan."


Uminom naman si James ng tubig at pagatapos, siya ay nakatulog ulit.


-----

Nagtagal ng limang minuto pero hindi pa mahula ni Benjamin ang password. Ang oras sa timer ay 3:15 na. Dahil dito, binibilisan ni Benjamin ang paghuhula ng password.

Lumapit naman si Benjamin kay Nico at tinangal niya ang cover sa kanyang bibig.

Benjamin: "Nico, alam mo ba ang password?"

Nico: "Walang sinabi si Austin. Baka pwede mong ilipat ang bomba."

Benjamin: "Hindi eh. May chain kasi ito."

Bumalik naman si Benjamin sa kakahula ng password.

Nagtype siya ng iba't-ibang mga password ngunit hindi niya ito mahula. Malapit ng maubos ang time kaya nagtaranta si Benjamin. Lalo pa niyang binilisan ang paghuhula habang ang kanyang malamig na pawis ay dumadaan sa kanyang ulo.

00:10

Nagtype si Benjamin ng salitang "Secrets" ngunit sinabi ng computer ay Access Denied.

00:09


"Austin"

"Access Denied."


00:08


"Killer"

"Access Denied"


00:07


"School"

"Access Denied."


00:06


Nagsimula nang tumakbo ng mabilis si Benjamin. Habang tinatangal ni Nico ang kanyang chains.


00:05


Unti-unti nang lumalabas si Nico sa chains.


00:04


Nakalabas si Nico at nagsimula na siyang tumakbo.


00:03


Papasok na si Nico sa loob ng eskwelahan.


00:02


Biglang nadapa si Nico at tumayo siya.


00:01


Nakapasok na si Nico sa eskwelahan at mabilis niya isinarado ang glass door.


00:00


Tumunog ng mabilis ang bomba at ito'y sumabog. Nasira ang glass door at nagsimulang kumalat ang apoy...

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon