Ang lahat ng estudyante ng 8B ay nakaupo sa kani-kanilang pwesto sa silid. Naghahanda sila na ibati ang mga bagong estudyante. Limang minuto na lang at dadating na sila. Ang ibang studyante ay masigasig na makilala ang mga ito habang ang iba ay may pakirandam na dapat huwag silang katiwalaan. Sa wakas, tumunog na ang bell. Pumasok ang mga bagong estudyante. Mukha silang naninibago sa bago nilang eskwelahan at bago nilang mga kaklase.
Ms. Suarez: "Magandang umaga sa inyong lahat! Ito ang mga bagong mga kaklase ninyo na galing sa New Caloocan School. Sila ay magpapakilala sa inyong lahat. Let's start with Ace.
Ace: "Hello! I am Ace Magsaysay. I am looking forward to meet you all!"
Maya-maya lamang, pumunta sa harapan ang isang studyante na may pangalan na Joshua.
Joshua: "Hi! Ako si Joshua De Jesus. Ang aking kambal ay si James. Mahilig kaming gumawa ng iba't-ibang actibidad na magkakasama."
Tinawag niya si James sa harapan at siya'y nagpakilala.
James: "Hey! Ako si James de Jesus. Ako ang kambal ko ay si Joshua. Gusto kong malaman ang iba't-ibang lugar sa eskwelahan na ito."
Pero, ang nakakuha ng attensyon ng mga estudyante ay isa sa mga bagong estudyante na pumunta sa harapan na nagpakilala bilang Benjamin.
Benjamin: "Hi! Ako si Benjamin Ocampo. Mahilig akong makipagkaibigan. Dati, sa New Caloocan Academy, nakakamit ko ang iba't-ibang award dahil sa mga grades ko."
Ms. Suarez: "Sila ang mga bagong estudyante. Sana makakapagkaibigan kayo ng mabuti at -"
Biglang may malakas na tunog galing sa speaker kaya natakot ang mga bagong estudyante.
: "Hello my new friends! I just wanted to tell you that you would not be able to survive so long... Good luck! HAHAHAHAHAHAHAHA!"
James: "Sino 'yon?"
Austin: "Uh, si Aaron lang iyon. Mahilig siya kasing magbiro eh."
Aaron: "Anong ako iyon?! Nandito lang ako kanina pa!"
Tumaas ang mga balahibo ng mga estudyante. Ayaw nilang paalamin ang sikreto nila sa bagong mga estudyante dahil ayaw nilang mapahamak sila. Mas pipiliin nilang mamatay embes na mamamatay ang mga bagong estudyante. Wala silang ginawa kaya bakit dapat silang patayin?
Mamayang Recess...
Nagsama-sama ang mga bagong estudyante sa classroom. Inintay nila na lumabas ang ibang estudyante bago lumabas sa kanilang taguan.
Ace: "Kung gusto natin malaman ang tinatagong sikreto sa atin, kailangan nating magsimula ang imbestigasyon dito sa silid."
Nagtingin ang mga estudyante sa iba't-ibang lugar sa silid para maghanap ng mga pahiwatig. Wala silang makita pero bago silang lumabas, may nakitang class picture si Joshua na may mga numero sa mga mukha ng kanilang mga kaklase. Sa tabi nito, may mga inalay na bulaklak at kandila. Mayron bang namatay?
Joshua: "Guys, tignan mo 'to."
Pumunta sila palapit sa "shrine" na nakita ni Joshua.
Benjamin: "Ano kaya ang ibig sabihin nito?"
Ace: "Mukhang pinapatay sila kaya may inaalay sa kanila."
Joshua: "Kukunin ko ito. Baka kakailanganin natin ito."
Nang sinubok na kunin ang litrato, biglang bumukas ang pinto at may nakita silang tao. Pero, sa huli nalaman nila na ito pala ay si Xavier lamang.
Xavier: "Uh, guys? Anong ginagawa niyo dito?"
Ace: "Wala. Meron lang kaming naiwanan dito. Susunod na kami."
Xavier: "Sige..."
Pagatapos umalis siya kaagad. Lumabas ang mga estudyante at pumunta sa Director's Office. Sa tingin nila, dito nila mahahanap ang next clue. Dahil walang tao, pumasok sila ng tahimik at hinukay nila ang mga drawer para sa mahalagang impormasyon. May nakitang file si Benjamin na may nakasulat na 8B KILLERS [CLOSED]. Tinangal niya ito at binasa. Tungkol ito sa pagkakasunod na pagkakamatay ng madaming estudyante. Pero, mayron din palang ebidensya na hindi ito tunay dahil wala namang mga patunay na may ganitong pangyayari sa seksyon na iyon.
Biglang tumunog ang bell. Nagsibalikan na ang mga estudyante sa kani-kanilang mga silid. Habang naglalakad, ikwinento ni Benjamin ang kanyang nakita sa kanyang mga kaklase.
Benjamin: "Ano ang gagawin natin?"
Ace: "Magsamasama tayo. Huwag tayong maghiwalay."
BINABASA MO ANG
Class Secrets
Horror"If you want to survive, think quickly. Time is running out..." Cover by -nytoclipse Started: October 24, 2014 [1:45 p.m.] Finished: May 25, 2015 [4:30 p.m.] Ang St. Rutherford's University ay ang isa sa mga pinaka magandang eskwelahan sa Pilipinas...