Bhe (Short Story)

671 1 0
                                    

"BHE..."

...pina-iksing salita ng mga taong tamad mag-salita ng mahaba para sa salitang baby.

Hindi ko alam kung tama yung spelling pero ito ang madalas kong marinig. Isa sa mga sikat na "term of endearment" at maraming tao ang F na F na sabihin ito.  Ginagamit 'to ng mga mag-jowang sweet pero alam kong sa umpisa lang yan. Mag-kakasawaan din sila at mag-hihiwalay. Tiwala lang. Ginagamit rin ito ng mga taong hindi tayo kilala pero kailangan nila mag-tanong kaya ito ang itatawag nila sayo. Bhe, anong oras na? Bhe, saan ang papuntang impyerno? Bhe, pwedeng ako na lang mauna? Bhe. Mga FC (feeling close) at after mo masagot yung tanong nila, ayaw pa maniwala o wala man lang thank you. Marami pang dahilan. Madami pa, bhe.

Nakita ko agad si Maya. Kumakaway siya sa akin na animo'y nasa airport ako at kaka-uwi ko lang galing sa pina-pangarap kong mapuntahan na mga lugar, sa Vatican at Hongkong Disneyland.

"...kanina ka pa?" tanong niya sa akin.

"Hindi naman. Tinubuan na nga ako ng ugat," pamimilosopo ko.

Madalas kaming pumunta sa kung saan-saang lugar katulad ng National Library, National Bookstore at National Cafe (computer shop malapit sa eskwelahan ng mga poging estudyante, CHAROT). At syempre, may oras kung kailan dapat ay nandoon na sa napag-usapan naming tagpuan.

"Hindi ka na nasanay sa akin, bhe."

Sanay na ako kaya nga nag-pahuli pa ako ng trenta minutos pero ito, pinag-hintay pa rin niya ako ng isang oras. Kung kakilala ko lang ito, hindi ko 'to hihintayin e.

"Hindi kita kilala."

Nauna na akong mag-lakad papasok sa pambansang mall, National Mall. Kilalang-kilala 'tong mall na 'to lalo na ng mga college student na porket hindi pumasok yung propesor nila sa pang-umagang klase ay hindi na rin papasok sa pang-hapong klase kaya mag-ka-cut sila. Malas lang nila, pumasok e at may pag-susulit sila. Isang pag-susulit na may isang tanong na kapag nasagot mo e may 100 points ka na agad-agad. Ma-swerte ka kung ikaw si Google at Wikipedia o kung genius ka o kung may mind reading powers ka o kung ikaw si God pero hindi e, pasensya na lang.

Sa loob ng mall, isang lugar ang madalas naming kainan. Sikat na sikat rin ito sa mga taong may edad 16 hanggang sa edad kung kailan wala ka pang-anak na mahilig sa bubuyog na hindi maka-lipad dahil mataba. Kung hindi ka coulrophobic, matiwasay kang makaka-pasok ng establimis...establishment na lang (hindi ko kasi ma-spell) dahil estatwa niya ang una mong makikita. Gawa ito sa plastic pero umaasa akong hindi plastic ang ngiti niya sa akin.

"Hi McDonald's. Pengeng discount card para maka-discount kami."

"Mag-apply ka na kasi ulit, Una?"

"Ayoko nga. Ako ang mag-hihirap tapos kayo makikinabang. Ano kayo? Sinuswerte?"

Mga crew lang ng fastfood chain na ito (syempe, astig ka kung taga-ibang fast food chain ka tapos meron kang discount card ng McDo) ang pwedeng makatanggap ng discount card e nawala ko yung akin. Ang tanga naman kasi ng ID holder ko. Hindi man lang kumapit ng mabuti sa ID lace ko, ayun, nawala kasama ng school ID ko at ng One Direction's Army ID ko. Nahikayat lang ako ng ate kong sumali. Bibilhan daw kasi niya ako ng bago cell phone kaya sumali ako. Akala ko naman bagong model ng cellphone katulad ng Iphone6 plus. Bagong cell phone nga, same model pa rin. Naloko ako.

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon