Chapter 5

24 3 0
                                    

Tumagal pa ang secret relationship namin ni Bobby until maka-graduate silang lima. Mid-week na ng April ngayon and I'm still here sa school para mag-summer class. Bagsak kasi ako sa Economics. "Nasaan kaya yun?" Palabas na kasi kami ng school ni Patty.

"May usapan ba kayo ni kuya Bobby?"

"7th monthsary namin ngayon." Kanina pa siya hindi nag-ti-text o tumatawag sa akin. Ano kayang nangyari doon? Hindi naman siya ganito. Kahit busy yun sa OJT niya noon at sa work niya ngayon, present yun sa mga monthsary namin. Umuwi agad ako at naabutan ko si kuya Uno sa bahay. "Kuya...may balita ka ba kay kuya Bobby?"

"Bakit? May kailangan ka ba sa kanya?"

Ano bang palusot ko? Mag-isip ka Dos...mag-isip ka. "Pa-patulong kasi ako sa kanya sa assignment ko sa Economics."

"May sakit siya ngayon. Hindi nga siya naka-pasok sa trabaho kasi nilalagnat."

"Ibig sabihin, walang nag-aalaga sa kanya ngayon. Mag-isa lang siya sa apartment niya diba?" Nag-nod si kuya Uno. Kailangan ako ni Bobby ngayon. "Pupuntahan ko siya."

"Wag mo nang istorbohin si kuya Bobby mo. Ako na lang tutulong sayo."

"Hindi. I mean...ano...dadalawin ko siya. Kawawa naman siya. May sakit siya tapos mag-isa lang siya. Alis na ako." Tumingin ako sa orasan. "Alas-dose. Tanghalian."

"Okay. Umuwi ka agad ha," narinig kong sabi ni kuya pag-baba ko ng hagdanan.

After three days, gumaling na agad si Bobby at naka-balik na rin siya sa trabaho. Nag-si-celebrate kami ng 7th monthsary namin ngayon.

"Ang galing mo talagang nurse," bulong sa akin ni Bobby.

"Bolero!" May naisip ako. "Bobby...hindi mo ako sasaktan diba?"

"Hindi. Bakit mo naman natanong yan?"

"Hindi mo ako iiwan. Hindi tayo mag-hihiwalay. Kapag ginawa mo yun...hindi ko alam kung paano ako mabubuhay. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka."

"Dos...mahal kita at...hindi ko kayang gawin yun sayo." Hinalikan ko na lang siya sa mga labi niya. Ayoko siyang mawala sa akin. "Hindi kita...iiwan." Hindi ko kakayanin.

Uno's Point-of-View

"Guys! Mag-bonding daw tayo sa bahay nila Badji ngayon. Payag o payag?" announce ni Patrick.

"Abnormal ka talaga Patrick. Payag ako...ikaw Bobby?" Tinignan ko si Bobby na busy sa pag-aayos ng gamit. Malapit na kasi kaming mag-out. "Mukhang...may lakad tayo dyan ha!"

"Magkikita kami ng girlfriend ko...este..."

"ARUY! Binata ka na pala Bobby!" Inakbayan siya ni Ralph habang mahinang kinukutusan siya ni Patrick. "Hindi ka nag-sasabi ha! Pa-cheese burger ka naman!"

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon