After eight years...
"PEPPER! EAT YOUR FOOD!" Ang ingay ni Sugar. Sinisigawan na naman niya yung makulit at sweet niyang anak. "ATE SWEETY!? Ba't di ka pa ayos? Hindi ka talaga nag-babago!" Sabi ko nga.
Hindi naging sila ni Jasper. Si Dylan ang naging asawa niya, yung lalaking tinuro sa akin ni Cynthia sa simbahan, siya yun. Nakipag-kilala sa akin si Dylan pero tinaray-tarayan ko. TSE talaga siya sa akin. Tapos nakita daw niya ako sa isang department store at ngumiti at kinausap ko daw siya. "Bipolar ka ba?" tanong sa akin ni Dylan. Isang taon bago niya nalamang may isang Sweety at may isang Sugar na nabubuhay dito sa mundo.
Bumalik ako sa kwarto ko, "Good morning Giovanni," saka ko hinalikan yung malaki niyang portrait. Ginaya ko si papa. Nag-pagawa rin ako ng portrait ni Gio with his dedication pa.
Inayos ko muna yung kama ko at binuksan ko yung music player ko bago ako pumasok ng banyo. "Parang hindi naman ako naka-tulog. Pagod pa rin ako." Pag-labas ko, may gown na sa kama ko.
"Bilisan mo!" sigaw ni mama Rose.
Medyo matagal din bago naging okay kami ni mama. Siguro noong napatawad at nakipag-bati na siya sa mommy ni Giovanni, that's the time na tinuring ko siyang mama. She realized daw na hindi dapat kami na-damay ni Gio sa away nila. PESTE! Drama ng buhay nila.
Natataranta si mama sa pag-aayos ng mga gamit ko. Umupo ako sa kama, "Mama, nag-sisisi ka ba na nakilala mo kami?"
"At bakit?"
"Kasi natataranta ka ngayon. Napapagod ka sa pag-aalaga at pag-aasikaso sa amin. Noon, hindi ka napapawisan at hindi ka narurumihan. Pero ngayon, minu-minuto na. Nag-sisisi ka ba?"
Binatukan niya ako, "Hindi ako nag-sisisi! Pagod sa pag-aalaga? Kung kayo naman yung aalagaan at aasikasuhin ko, paid off yan kasi binabayaran niyo ako ng matatamis niyong love!" Bigla niyang kinamot yung palad niya. "Kinikilig ako!" Niyakap niya ako, "Sorry Sweety kung pina-iyak kita ha!"
"Okay lang mama. Naging big success naman yung prom. Marami akong nasirang make-up. HAHAHA!"
"Loko-loko ka talaga."
"Hoy! Hindi kayo nag-sasabi na may---SUGAR! COME HERE! MAY GROUP HUG!" Hindi pa rin kami nagbabagong tatlo, makulit pa rin at lalong naging makulit ng dumagdag si mama. "GROUPIC TAYO!" *click*
"Sweety," bungad sa akin ni Cynthia pag-labas ko ng kotse. Ang bigat naman nitong gown ko. "Excited na ako sa play! Galingan mo ha!"
"Loka! Paano ko gagalingan kung pipi naman yung role ko doon!?"
May play kasi kami ngayon gawa ng Musiko Club. "Good morning Ma'am Sweety! Ma'am Cynthia!"
Filipino teacher si Cynthia habang music teacher naman ako at adviser ng Musiko Club. Hindi ko na-imagine na magiging teacher ako since wala sa personality ko at hindi naka-indicate sa NCAE ko. "Ang bigat ng tiyan ko!"
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
Narrativa generaleEverything is fictional. Love is the only thing that's real.