"Ang focus niya noh," comment ni Bryan.
Kanina pa kasi siya nag-pi-pinta. Hindi pa nga siya nag-la-lunch. Nag-lakad na kami papuntang faculty. Bilhan ko kaya siya ng lunch.
"Hoy! Wag muna kayong uuwi ha! May meeting mamaya," paalala sa amin ni Loren.
"Okay si Loren e," bulong ni Bryan. "Kaya lang may asawa na ako. Siguro kung nakilala ko siya nang mas maaga, siya papakasalan ko."
Mabait naman si Loren yun nga lang parang natakot na siya mag-mahal kasi ilang beses na nag-failed yung marriage niya. Matagal ko na siyang kilala since naging course mate ko siya noong college. Liligawan ko rin sana siya kaya lang maraming naka-pila sa kanya. Sino ba naman ako? Isang matabang Jerome lang naman ako. Mapapansin siguro niya ako, hindi dahil gusto niya ako, dahil sa taba ko.
*Majika's*
Nag-pi-pinta ako nang may biglang humarang na isang supot sa mga mata ko. Si Jerome pala. "Lunch oh! Kanina ka pa nag-pi-pinta dyan."
"Thank you," tinabig ko yung supot. "Ilagay mo na lang dyan. Mamaya ko na lang kakainin."
"Pero kanina ka pa nag-ta-trabaho dyan." Kulit naman nito.
"Minsan lang akong sipagin kaya hayaan mo na ako."
Tamad kasi talaga ako kaya kapag may pagkakataon na I feel productive e nilulubos-lubos ko na. Isa sa mga ayaw sa akin ni Kevin yun. Noong ginagawa namin yung Paint no. 143, isang buwan niyang ginawa yun habang isang araw lang ako tumulong. Kalhati naman doon sa painting yung natapos ko kaya ayos lang yun.
Nilapag niya yung pagkain sa sahig at umupo siya. Papanuorin niya ata ako habang nag-ta-trabaho. Bahala nga siya dyan.
*Jerome's*
Ang tahimik naman niya. Mag-iisang oras na akong naka-upo dito pero hindi pa rin niya ako kina-kausap. "Hindi ka pala mahilig dumaldal kapag nag-ta-trabaho."
"..."
"Hilig mo ba talaga yung pag-pipinta?"
"..."
"Hindi ka pa rin gutom?"
"..."
"Majika! Ang ganda naman ng name mo. Mahilig siguro sa magic yung mga magulang mo." Bigla siyang huminto at lumapit sa akin.
"Hindi sila mahilig sa magic. Favorite kasi nila yung television program ni Angel Locsin. Majika yung title." Umupo siya at tinanggal yung gloves niya. "Nawala na yung pagiging productive ko." Tinignan niya yung wall ng stage. "Not bad. Natapos ko naman pala."
"White paint?"
"Base palang yan. Nakita mo namang ang pangit ng wall diba so inayos ko." Nag-simula na siyang kumain.
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
General FictionEverything is fictional. Love is the only thing that's real.