Recurring Dream (Short Story)

67 4 0
                                    

"Mababaliw ako nito puro puti nakikita ko."

Baliw na ata ako kaya siguro nandito ako sa loob ng white room. Umupo ako sa kama at niyakap ko yung dalawa kong binti. Ano bang kasalanan ko? Bakit nandito ako? Wala akong maalala basta ang alam ko lang Rachel pangalan ko.

"Hello Rachel," bati sa akin ni Caleb.

"Ikaw ulit?" Inirapan ko lang siya. Lagi na lang kasi siya yung nakikita ko dito. "Paano mo ba nagagawa yung pag-sulpot-sulpot ha? Wala namang pinto 'tong kwarto ko...or butas. Ilang araw na akong nandito pero wala pa rin akong mahanap na pwede kong labasan." Tumingin ako sa halaman na nasa side table. Kahit yung dahon at tangkay, puti rin. "Magician ka ba?"

"Funny Rachel." Umupo siya sa paanan ng kama ko at ito na naman siya, tititigan na naman niya ako hanggang sa mag-sawa siya. Ang weird niya kasi hindi siya mag-sasalita, titig lang talaga tapos naka-ngiti. Not in the maniac way ha! Parang angel smile.

"Panis siguro laway mo kaya hindi ka nag-sasalita," tukso ko. Tumawa lang siya. "Boring," sabay higa sa kama. Naka-titig pa rin siya sa akin. Tumingin ako sa puting kisame nang may marinig ako mula sa kanya.

"Ako si Caleb, isang composer." Umupo agad ako at pinakinggan ko siya. "Mabait ako, ang alam ko hanggang sa napunta ako dito."

"Huh?"

"Araw ka palang dito pero ako matagal na akong nandito at marami akong nalaman. Hindi pala ako mabait. Paborito ako ng mga magulang ko dahil masunurin ako at dahil sa atensyon na nakukuha mula sa kanila, na-li-left out yung bunso kong kapatid. Ang insensitive ko at masyado akong naging self-centered. I do good things to hear praises from them. Vain, yea."

"Ako kaya..." tumayo ako at saglit na nag-lakad, "naging mabait kaya ako?" Naramdaman kong nasa likod ko siya kaya humarap ako. "Bakit ba tayo nandito?"

"May hinihintay daw tayo. Hindi ko alam kung ano o sino."

Nag-lakad na siya kaya hinatak ko agad yung braso niya tapos bigla na lang kaming napunta sa kung saang lugar. "Nasaan tayo Caleb?" Nilibot ko ng tingin yung buong lugar. Isang malawak na taniman ng bulaklak ang nakikita ko at may pond ako nakikita sa gitna. "Saan mo ako dinala?"

"Hindi kita dinala dito. Ikaw ang nag-dala sa akin dito."

"How? Hindi naman ako magician katulad mo."

"Ang kulit mo Rachel. Hindi ako magician, composer ako."

Umupo ako sa gilid ng pond. "May pula oh," turo ko doon sa rose. "PINK," sigaw ko. Favorite color ko kasi. "Blue sky!" Nilapitan ko si Caleb at nag-pa-ikot-ikot kami.

"Nahihilo na ako Rachel!"

"Funny Caleb! HAHAHA!"

"KASALANAN MO 'TONG LAHAT!" Huminto kami at punta doon sa pond. May narinig kaming sigawan. "Kung hindi mo siya tinulak hindi sana mangyayari 'to," galit na galit na sigaw ng lalaki sa isang blonde na babae.

"SINO BA TALAGA SA AMIN JACOB?! AKO BA O SIYA?" Napa-hilamos ng mukha yung lalaki.

"Kabit yung blonde," sabay siko ko kay Caleb.

"Hindi. Asawa niya yan."

"AKO ANG ASAWA MO JACOB! AKO! SURROGATE LANG SIYA---"

"Magician ka talaga," bulong ko kay Caleb. Nag-kamot na lang siya ng ulo at hindi na sumagot.

"Para sayo Cassidy, para sayo! Alam mo kung bakit hindi tayo mag-kaanak? Dahil sayo! Sa sobrang workaholic mo, business-minded at addict sa pag-isip about sa future mo," huminga siya ng malalim, "nawawalan ka na ng care sa present.  Ako ang present mo pero siguro, hindi ang future mo. Si Racquel..." Nawala na sila at yung reflection ko na lang yung nakikita ko.

"Yun lang yun? Tapos na? Wala man lang abangan? BITIN!"

"Tara na." Hinila na niya ako pero nag-matigas ako. "Rachel...bumalik na tayo."

"AYOKO! GUSTO KO MALAMAN KUNG ANO ANG NANGYARI!" Nag-ta-tug of war kami. Bahala siya dyan! Niluwagan ko yung pag-hawak ko sa kamay niya kaya nag-kahiwalay kami kaya lang na-out of balance naman ako. "Caleb!" Mahuhulog ako sa tubig. Ayoko mabasa! Wala akong pamalit, ata.

"Rachel."

"Bruhilda ka talaga Hilda," sabay kurot ko sa braso niya. "Sige, tawa pa! Digital na ang karma." Nag-lalakad kami ngayon papunta sa mga assigned ward namin. Kanina kasi, pinakilala yung bagong doctor pero hindi ko narinig kasi hindi naman ako ginising ng bruhang ito. Hindi rin naman ako nagising dahil doon sa recurring dream ko. Pinilit ko kasing tapusin. "Anong size ng paa mo?"

"Oh my god! Tita Racquel at Doc. Jacob talaga oh! Nag-abala pa." Mahina niyang pinalo yung balikat ko. "size 45."

"Sabi ko nga kay papa at mama, wag ka na isama sa pasalubong. Tissue mula sa restaurant nalang yung i-uwi sayo." Sinend ko na kay papa yung size. Nag-renew kasi ng kasal yung mga magulang ko kaya ito, nag-honeymoon sila sa Greece. "Ang laki ng paa mo." Hiwalay kami ng way. Doon siya sa kanan, ako naman sa kaliwa. Na-assigned ako sa ward ng mga batang may sakit.

"GOODLUCK SA MAGIC TRICK MO, RACHEL!" Narinig kong sigaw niya kaya tinaas ko na lang yung kamay ko at nag-patuloy sa pag-lalakad. Huminga muna ako ng malalim. Hindi ko pa kasi na-pi-prefect yung magic trick na inaral ko. Napanood ko lang sa YouTube.

"Nurse Rachel!" Sinalubong nila ako ng mga yakap. "Magic! Magic! Magic!" Naabutan kong may doctor doon sa pinaka-dulong kama kaya pinatahimik ko yung mga bata para hindi ma-istorbo.

Nag-sign of the cross muna ako saka ko inumpisahan. Pina-hawak ko yung roll ng tissue sa isang bata tapos humarap ako sa mga batang nanonood at binulong kong wag nila akong i-bubuking at tumawa na lang sila. Pumunit ako ng isang sheet ng tissue tapos kina-crumple ko. Nilipat-lipat ko sa kamay. "Kanan o kaliwa?" Pinili niya yung kaliwa which is tama tapos nilipat-lipat ko ulit. "Kaliwa o kanan?" Pero ang totoo, wala na sa kamay ko. "Wala!"

"Ang galing," sabay palakpak ng bata pero ang totoo mabilis kong tinapon sa likod niya. Tawa lang ng tawa yung ibang batang kasama niya. 

"Nurse Rachel, kung mag-tatapon ka ng tissue doon sa basurahan," sabi ng doctor.

"Sorry po Doctor..."

"Doctor Caleb at gusto mo matuto ng magic tricks, tuturuan kita basta wag mo lang ako tulugan," sabay ngiti niya na parang anghel. 

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon