The Destroyer (Short Story)

191 1 0
                                    

"Andyan na naman siya," turo ng ka-trabaho ko sa lalaking nag-aabang sa gate.

"Hayaan mo siya," sagot ko.

Nilagpasan namin yung lalaki at dire-diretso lang kami sa pag-lalakad. Pag-dating sa kanto, nag-paalam na ako sa kasama ko. Tuloy-tuloy lang ako sa pag-lalakad. Lumingon ako doon sa lalaki nang malapit na ako sa bahay saka siya umikot pabalik at nag-lakad palayo. Ganyan ang routine namin araw-araw. Susunod siya sa akin na parang hinahatid ako at kapag malapit na ako, aalis na rin siya.

Habang nag-papahinga ako, tinanong ako ng ka-trabaho ko.

"Bakit mo ba siya pinapahirapan?"

"Basta."

"Hindi ka ba naawa? Ilang buwan na niyang ginagawa yan. Kausapin mo na kaya siya."

"Bakit ako ang kakausap? Siya ang may kailangan, siya mag-approach. At isa pa, hindi ko naman sinabing ihatid niya ako. Nag-kusa siya. Siya ang nag-papahirap sa sarili niya."

Hindi na siya nag-abalang sumagot dahil alam niyang paulit-ulit ko lang siya babarahin. Kinahapunan, nagkayayaan kaming mag-kakaibigan na kumain sa labas kaya sumama ako.

"Napansin mo ba? Wala siya kanina sa gate."

"Sino?"

"Siya."

"Hindi ko napansin. Wala naman akong paki-alam."

"Ano kayang nangyari sa kanya? Ngayon lang yun um-absent sa pag-sundo sayo."

Nag-simula na kaming mag-usap tungkol sa mga trabaho namin at syempre, hindi mawawala ang love life.

"Ikaw?"

"Kailan ba ako nag-karoon? Focus ako sa trabaho ngayon."

"Pero kung may manligaw, susubukan mo ba?"

"Depende kung sino yung manliligaw."

Napansin kong naka-tingin sila sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ko siya. Naka-tayo. May naka-guhit na ngiti sa labi niya. May mag-kahalong saya at gulat sa mukha.

"Hello! What a coincident!"

Nag-bulungan yung mga kaibigan ko habang yung iba ay naka-titig ng masama sa kanya.

"Talaga lang ha," sambit ko.

"Don't you think it's a sign?"

"Sign of what? Na magugunaw na ang mundo," saka kami nag-tawanan.

"Sign na destined tayo mag-kita at mag-sama ulit." Mukhang hindi niya pinansin yung gusto kong ipa-hiwatig. "Destiny 'to."

"Destiny...tch!"

"Diba naniniwala ka sa destiny? Lagi mo ngang sinasabi sa akin yan." Hindi ko siya pinapansin at tuloy lang ako sa pag-aalis ng mga gulat sa pansit ko. "Paulit-ulit ka nga noon na destined tayo para sa isa't isa. Para kang sirang plaka."

Naririnig kong niyaya na siyang umalis ng mga kasama niya pero ayaw niya. Tuloy-tuloy lang siya sa pakikipag-usap sa hangin at pagbabalik ng nakaraan.

Binagsak ko yung tinidor na hawak ko at mabilis na tumayo. "Destiny? Yes, I believed."

"Believed?"

"But not now...after you destroy it. WALANG DESTINY," madiin kong sabi.

"Pero---"

"Destiny was created by people who doesn't have the courage to face reality."

"Don't say that."

"Isa pa. Ang destiny ay nilikha lang ng mga negosyanteng gustong kumita at yumaman. Ng mga writer na gustong mabasa at tangkilikin ang mga istorya nila. Ng mga hopeless, ng mga hindi maka-let go, ng mga hindi maka-move on...katulad mo."

"Stop it! Don't destroy it!"

"I'M NOT...you're the one destroying it from the very beginning...you're the destroyer. Hindi naman ako magkaka-ganito kung hindi mo sinabi yung mga bagay na yun. Kung hindi mo pina-mukha sa akin na walang destiny. Pasensya na...pero hindi na tayo pareho ng pahinang binabasa."

Kinuha ko yung bag ko at humingi ako ng paumanhin sa mga kaibigan ko atsaka ako nag-paalam paalis. May mga tao talaga sa buhay natin na kailangan iwan, lagpasan at kalimutan. The End.

<3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3 <3

Author's Note:

Na-realize ko lang out-of-the-blue.

History is a subject where you go back to  the past to know, to study, and to learn from it. History is like our past relationships. Review your past. Enjoy your present. Be ready for your future. 

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon