Four years ago, I saw him under an old Narra tree. It is love at first sight. He looks cool and simple. I'm staring, actually, drooling at him. "Ano kayang pangalan niya?" The first question pop out in my head. "Bye," paalam ko habang nag-lalakad siya palayo. Well, mas malayo pa.
Present time...
"Kasya na?" tanong ko kay Carrie. Tinaas-taas niya lang yung kilay niya as a responds.
Nag-i-impake kami ng mga gamit namin ngayon. Uuwi na kami in our own houses since dito kami sa dormitory, sa loob ng school, naka-tira and degree holder na kami. "Cheska..."
"Bakit?"
"Mami-miss kita."
"Awwww..." Nilapitan ko siya at niyakap. Umiiyak na kasi siya. "Stop it, Carrie. We'll see each other again." Apat na taon ba naman kaming mag-room mate at best friend, sinong hindi malulungkot? "Always remember, distance can't stop two best friends' relationship. Okay? CC forever!" Pinahid ko yung tumutulong luha sa pisngi niya.
Bumalik na kami sa pag-i-impake. "Anong mamimiss mo dito?"
"Syempre, ikaw."
"E si Mario?" Umupo siya sa tabi ko tapos pinag-susundot ako sa tagiliran. Buti, wala akong kiliti doon. Si Mario. Apat na taon ko na pala siyang tinitignan mula sa malayo. Bumuntong-hininga si Carrie saka sumandal sa akin. "Naaalala ko yung mga kinu-kwento mo sa aking imagination mo about kay Mario."
"Imagination," sabay iling. Natatawa ako sa sarili ko. Doon ko lang kasi siya nakaka-usap ng hindi ako nahihiya, natitignan ng walang pag-aalalang mahuhuli niya ako at nayayakap ng malaya. "Ano doon yung pinaka-gusto mo?"
Nag-isip siya saglit, "The one that happened sa garden!"
Kapag vacant and break time, we always stay in the garden. One time, umupo kami doon sa favorite table namin when I saw Mario. Naka-upo siya sa isang table kasama yung mga team mate niya, nag-tatawanan sila. Pa-sulyap-sulyap lang ako noong una pero I can't control myself, tinitigan ko siya. Ini-imagine ko that time, kaharap at kasama ko siya sa iisang table. Tumatawa siya dahil havey yung joke ko. Naka-tingin lang sa akin yung mga chinito niyang mata tapos kikindatan niya ako.
"Panira ka Carrie. Kindat yun!" After ko kasi i-kwento yun kay Carrie, umalis na kami pero bago yun, tumingin pa ulit ako sa direksyon ni Mario tapos nakita ko, with my two eyes, he winked at me!
"Hindi kindat yun! Napuwing lang siya!" Malayo-layo na kami ng bumalik si Carrie sa table, she forgot her hanky. Narinig niyang napuwing daw si Mario. "May isa pa akong gusto!"
"Ano?" tanong ko habang busy pa rin ako sa pag-tutupi ng mga damit.
"Prom night!"
"Yea."
Naka-sandal lang ako noon sa wall, in short, wall flower ako. May gustong i-sayaw ako pero ni-ri-reject ko. Gusto ko kasi siya lang yung sasayaw sa akin na napaka-impossibleng mangyari. Instead of watching, nag-imagine na lang ako. In-imagine ko na palapit siya sa akin tapos may hawak siyang white rose. He's smiling and dashing sa suot niyang white tuxedo. Hindi ko pa kasi siya nakikita noong nag-imagine ako.
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
General FictionEverything is fictional. Love is the only thing that's real.