Awit Mo (Short Story)

47 3 0
                                    

"Giana! Giana!"

Nilingon at sinundan namin ng tingin ni Drew yung babaeng nasa mid-30's. Hindi lang siya yung nag-hahanap kay Giana, may kasama rin siyang lalaki na nasa mid-30's din at isang batang babae.

"Pabaya." Bigla akong siniko ni Drew. "Just saying." Tumalikod ulit ako. Ang tagal naman ng mga luggage namin. Kanina pa kami nag-hihintay dito. Hindi na ulit kumibo si Drew, fiancé ko. We met in Manhattan and first impression sucks.

I'm a theatre actress so most of my time, I'm on stage and practicing. Two days before my show, sinugod ako sa hospital kasi nalaglag ako sa stage. Mababa lang naman pero "Tell me doc! Is she going to die?! DOCTOR! ZELDA!" ang OA ni mommy Anne kaya ayun, pinalabas siya ng kwarto.

"P*TANG...ARAY!" Okay lang yan, puro naman kano 'tong nag-aasikaso sa akin. Hindi nila ako maiintindihan. Bigla ba naman kasi hawakan yung ankle ko tapos pihit-pihitin. Ano yan?! DOORKNOB?

"Wag ka nga mag-mura," sabay irap sa akin ng doctor.

"Pinoy ka?" Hindi kasi halata. Amerikanong-amerikano kasi yung itsura niya. Hindi niya ako sinagot. Tuloy lang siya sa pag-gagamot sa sprain ko. "Sungit."

Akala ko una't huling pag-tatagpo na namin yun. I'm surprised nang bumisita siya sa dressing room ko. Pinanood niya pala ako, well, kami. Masungit pa rin siya. Niyaya ng kaibigan niya yung best friend ko na makipag-double date.

Mag-katabi kami sa sinehan. "Drew," kalabit ko sa kanya. "Bakit ba ang sungit mo?"

"Ayoko sa mga nag-mumura."

"Fine...ayoko rin sa masungit."

War started between us and after one year, naging mag-girlfriend at boyfriend kami. Kulet noh! Totoo pala yung 'the more you hate, the more you love' line. Four years na naging kami at three months siyang nakipag-break sa akin.  Hindi niya kinayang wala ako sa tabi niya kaya one year niya akong  hinabol since kung saan-saang country kami nag-sho-show that time. Napa-yes niya ako sa Paris.

"Tinitingin-tingin mo dyan?" mataray niyang tanong sa akin. Umiling lang ako pero naka-smile pa rin. Nasanay na rin kasi ako sa ka-sungitan at katarayan niya. Bumuntong-hininga siya. "Bumili ka muna ng kape. Hintayin kita dito."

"Aye! Aye sir!"

Naka-tingin pa rin ako sa kanya habang naka-smile. "Alis na." Pumikit ako at ngumuso. "Fine!" He leaned to kiss me tapos nag-lakad na ako paalis. He hates saying sweet things. He loves doing it, unexpectedly.

"Isang espresso at isang cappucino po." Humanap muna ako ng table habang nag-hihintay sa order ko. "Pwedeng share tayo?" tanong ko doon sa batang naka-tutu. Nag-smile siya kaya umupo na ako. "Ballerina ka?"

"Yes." Ang tipid naman niyang sumagot.

"Me too."

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon