*Sweety's*
"Sweety, una na ako." Tumakbo na siya papunta sa SSG.
"Hay nako." Makuha na nga yung mga libro ko. Binuksan ko na yung locker ko kaya lang may nalaglag na sunflower kaya pinulot ko. "Galing kanino 'to?" Hinanap ko kung may sulat pero wala naman. "Nag-tataka ako, paano kaya nila nalalagay yung mga bulaklak sa loob ng locker?"
"Hiniram ko yung susi."
Nakaka-gulat naman 'to. "Para kang mushroom Giovanni! Kung saan-saan ka sumusulpot! For what naman 'to?" Mahina kong hinampas yung sunflower sa mukha niya.
"Ano. For...congratulation kasi success yung first task." Mabuti na yung malinaw. Sinara ko na yung locker ko at pupunta na ako sa class ko. "Wait!" Lumingon ako. "Pwedeng..." Tinaas ko yung kilay ko. "Pwedeng..."
"Pwedeng ano?"
"Pwedeng..."
"Pwedeng i-express mo na?"
"BYE!" Tumakbo na siya papunta sa building nila. Problema nun?
"Sweety," tumingala ako.
"Bakit Giovanni? Hindi dito yung building niyo diba?"
"Labas tayo sa Linggo. Pwede ba?"
"Okay. Pasyal lang naman diba?" Nag-nod siya. Ngumiti na lang ako atsaka binalik yung tingin ko sa libro. Friends naman kami e.
"Ang funny mo pala Giovanni."
Pagkatapos kasi namin manood ng gross movie e tumakbo agad siya sa CR at doon nag-suka. Hindi pala siya mahilig sa mga movie na favorite ko.
"Turn off ba?"
"Hindi naman. Funny lang."
"Ewan. Ano ba yung mga type mong guy?"
"Wala naman. Hindi ko alam."
"Pero may nagustuhan ka once?" Meron nga ba? Parang wala naman. Umiling ako. "Okay. So wala kang idea para sa ideal guy mo?"
"Kinda." Ang hilig naman niyang ngumiti. Kanina pa 'tong talampakan ko, ang kati. Gusto na naman mag-lakwatsa ng mga paa ko.
"Mahilig ka ba sa flowers?"
"Hindi."
"Kumakain ka ng chocolate?"
*Giovanni's*
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
General FictionEverything is fictional. Love is the only thing that's real.