"Ready ma'am Ritz?" tanong sa akin ng wedding planner kong si Kathy. Ngumiti at tumango ako bilang tugon ko.
Nag-simula nang tumugtog ang isang pamilyar na tugtog at kasabay nito ang pag-bukas ng malaking pinto. Huminga ako ng malalim at pag-buga ko, nag-simula na akong mag-lakad.
Today is the day we're celebrating our 3rd anniversary as girlfriend and boyfriend and to make things different, we decided to held our wedding today. We chose yellow as our motive because it symbolizes happiness and joy. As I walk through the aisle while holding a bouquet of sunflower, I noticed that their eyes are all looking at me.
Suot-suot ko ang wedding gown ni mommy na ni-re-invent pa ng lola ko para hindi mag-mukha outdated. Sa pag-lalakad ko, napansin ko ang pinsan kong si ate Toyang na hirap na hirap sa pag-akay sa makulit niyang anak. Nakita ko rin ang tatlo kong tita na nag-alaga sa akin noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Kumaway sa akin si Macky, isa sa mga barkada ng groom, kaya nginitian ko siya.
Tumingin ako kay Darius na matiyagang nag-hihintay at sumasabay sa pag-kanta ng wedding singer. He looks happy and delighted.
Nakita kong naka-kalat sa sahig yung wedding gown pag-gising ko. Tumayo ako atsaka ko pinulot. Pinag-masdan ko ito ng matagal kaya nagulat ako nang pumasok si Bryan este si Barbie.
"Bhe?" malungkot niyang tanong.
"I'm fine," tugon ko.
Today is July 4. Pitong taon na kaming mag-boyfriend-girlfriend at apat na taon na kaming mag-asawa kung hindi lang ako tumakbo noong kasal ko.
Binalik ko na sa closet yung gown at nag-simula na akong mag-handa para maligo. Tinaasan ko muna ng kilay si Barbie at nag-aabang sa sasabihin niya. "Someone called me...and he wanted you to edit a sketch...sketch of a wedding gown," sabi niya. Tumango lang ako bago ako pumasok sa banyo.
Graduate ako ng Business Management kaya nag-desisyon akong mag-tayo ng isang boutique since galing ako sa angkan na puro ma-a-arts (arte) ang mga babae. Kilalang mananahi ang lola ko sa probinsya habang stylist and designer naman sa ibang bansa ang ate kong si Yassy. Fashion editor naman sa isang magazine ang isa sa mga tita ko. Isa naman sa pinsan ko ay may salon at karamihan sa mga make-up artist at staff niya ay pinsan o kamag-anak ko rin. Base sa mga trabaho nila, totoong babae sila.
Tinayo ko ang Paraluman's (pangalan ni lola) para sa mga design ni lola at ni ate pero sumikat ito nang mag-design at mag-tahi ako ng wedding gown para sa isang former classmate ko. May isang artista na naka-pansin at pinaki-usapan akong gawan siya until tuloy-tuloy nang nakilala ako bilang wedding gown maker.
"Ang ironic," bulong ko habang sinusuot ko yung gown na design ni ate sa mannequin.
"Why naman?" tanong ni Barbie na abala sa pag-tingin sa mga babaeng naka-tayo sa harap ng boutique.
"I'm a well-renown wedding gown maker and lahat ng nagagawan ko, natutuloy ang kasal pero ako...hindi. Instead, I ran...I'm so stupid."
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
General FictionEverything is fictional. Love is the only thing that's real.