#ONE

53 3 0
                                    

*Sweety's*

"Class, what is the meaning of regret?"

Kinuha ko agad yung dictionary ko sa bag at hinanap yung salitang regret. Itinaas ko agad yung kamay ko at "Ma'am! Ma'am! Ma'am!" Hindi ako pinapansin ni ma'am. Winagayway ko yung kamay ko pero hindi pa rin niya ako pinapansin.

"Si Sweety lang may alam?" Pansin ko nga. Ako lang may alam. Ako lang nag-tataas ng kamay kanina pa. Ako lang ang maingay. "Gorio!" At ako pa ang hindi napili.

"Regret is..." tumingin siya sa akin, "is a verb."

"MEANING. OF. REGRET."

"Meaning to mourn the loss or death of and to be very sorry for."

Pa-suspends pa 'tong Gorio na 'to alam pala niya! Gagawin ko nga yung technique na yun sa next question ni ma'am.

SILENT TECHNIQUE. Parang Naruto lang.

"Very good. Our story for today is about a girl who experience regretting things in her life. Before we tackle the story, do you feel any regret in your life?" Ay! Pass muna ako. HAHAHA!

Regret?

Yes, I did.

Recently nga lang e kaya nga nag-hihirap ako ngayon.

"Sweety."

"Ma-ma-ma'am," tinuro ko yung sarili ko, "ako po?" Nag-nod siya. Pass nga ako sabi e! EFFECTIVE pala talaga yung SILENT TECHNIQUE. Tumayo ako. "I had. I did. Recently lang po..."

Flashback

Domingo in Spanish. Sunday in English. Linggo in Filipino.

In short, nasa simbahan ako ngayon.

"Sweety, ayun na naman yung guy na type ka oh," sabay siko sa akin ni Cynthia.

Tinignan ko yung tinuro niyang lalaki. Naka-white with gold lining siya na polo shirt katerno ng suot ko ngayon. Nag-kasalubong yung mga tingin namin at medyo, medyo matagal rin yung tinginan na yun.

"TSE! YUCK!" Kumindat kasi. KADIRI!

"Choosy mo!"

"Hindi ako choosy, wala lang siya sa choice ko because I'm not choosing anyone," then I rolled my eyes.

Mukha siyang maniac at parang hindi ko naman siya ka-age bracket. May face nga, wala namang value! BUSET! Panira ng araw.

Habang kumakanta kami ng Ama Namin, napansin ko itong isang lalaki sa may bandang harap. I feel irritated kaya binaling ko na lang yung tingin ko sa LCD. ARG! Hindi ko matiis na hindi siya tignan. Kamot kasi siya ng kamot. Sa ulo, sa balikat, sa likod at kung saan-saan pa. Minsan naman binubuksan niya yung phone niya habang nag-si-sermon si Father. At minsan, papadyak-padyak siya. Siniko na siya ng kapatid niya ata, hindi pa rin tumigil.

Nilapitan ko nga.

"Hey you," turo ko sa kanya. Mahina lang yung boses ko. "May ADHD ka ba or hindi ka naligo?! Kung ayaw mo mag-simba, sana hindi ka na lang pumunta dito. Hindi mo matiis mag-stay, then go! Ang laki ng pintuan," turo ko sa likod.

"Nakakita ka ng katapat mo kuya," siko sa kanya ng kapatid niya.

Pagka-balik ko sa pwesto ko, bumulong sa akin si Cynthia. "Did you accept the invitation?"

"No."

"Good."

End of Flashback

"...and then I learned that he is---"

*beeeeeep* (tunog ng intercom)

"Good afternoon. Paging Ms. Sweety Ann Domingo...

Paging Ms. Sweety Ann Domingo...

Go to the auditorium...

Go to the audito---"

May biglang umagaw ng microphone, "Hoy, pumunta ka...NOW!"

Nag-excuse ako at lumabas na ako ng kwarto. Nag-lakad papuntang auditorium. Pag-bukas ko ng pinto... "Siya na ata 'to," sabi ng isa sa mga ka-barkada niya.

Lumingon siya sa akin, "You're Sweety," and then he smile.

"Bakit?"

"Nothing. Sweet name, by the way," to be specific...EVIL SMILE.

I'm Sweety Ann Domingo at I admit nag-sisisi akong makilala ang isang Giovanni San Jose. 

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon