"Ate Sweety?"
"Bakit?" tanong ko habang naka-talikod. Five minutes akong matanda sa kanya. "Pasok."
"Gumawa kasi kami ng brownies sa T.L.E. Tikiman mo!" Kumuha ako at kinain ko. "What can yah say?" Nag-thumbs-up lang ako. "GOOD! Bibigyan ko---"
"Stop! Nangangati ako."
"Hmp! Bakit kasi allergic ka? Hindi naman ako allergic ah!"
"Hayaan mo na ako Sugar." Umikot ako para makita ko siya. "Ako 'to. Ikaw yan. Okay na yun," saka ako bumalik sa ginagawa ko.
"You'll find him soon, your match. I can feel it," saka niya sinara yung pinto. Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako. I'm...me.
"Sweety!" Humahangos papunta sa akin si Cynthia. "Contract!" Contract?
"Huh!?" Kinuha ko yung papel at binasa ko yung title. "Sino nag-bigay?"
"Si Giovanni."
"Ano 'to?" Naabutan ko siya sa room ng club. Tinignan niya ako na parang clueless. "Sa tingin mo makukuha mo o magagantihan mo ako sa pamamagitan ng contract?" Tinulak ko siya sa dingding at kinorner. "HELL. NO," saka ko pinunit yung contract.
"Contract?" Kinuha niya yung piraso ng papel at medyo gulat yung mukha niya. "JAMMY!" Tumingin sa amin si Jammy. "BAKIT MO BINIGAY DITO? SA THEATER CLUB!" Nag-papadyak-padyak siya at nahilamos niya yung kamay niya sa mukha niya. "WALA NA AKONG SOFT COPY NITO E!"
"Mea-ning hindi," sabay iling.
"Hindi sayo 'to!"
Napalingon ako kay Cynthia, "False alarm! HAHAHA!"
Nasa tapat ako ng locker ko at kinukuha yung P.E. uniform ko. Lalabhan ko na kasi.
Bigla akong may naramdaman sa likod, may tao sa likod ko. "Bakit?"
"May meeting. Bilisan mo dyan."
"Susunod ako."
"Hindi. Sabay tayong pupunta."
Humarap ako sa kanya, "Bakit kailangan pa tayong sabay?"
"Basta. Sumunod ka na lang." Sinara ko yung locker ko at sumandal habang naka-cross arms. "Ibibigay ko na sa'yo yung mga gagawin mo para maka-pasok sa club."
"Alam mo, ang demanding niyo! Gustong-gusto niyo akong pumasok sa club tapos kung anu-ano pang requirement yung hihingin niyo. Ano ba?" Hindi siya sumagot at hinila na lang ako papuntang auditorium. BUSET!
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
Fiction généraleEverything is fictional. Love is the only thing that's real.