Paint no. 4

26 2 0
                                    

Inalalayan ko siyang bumaba ng jeep. Pag-baba niya, nilibot niya ng tingin yung lugar. "Nasaan yung Little Bill's Diner? Doon kami mag-kikita e."

"Hindi na siya Little Bill's Diner," tinuro ko yung bar. "Bill's Music Bar and Cafe na siya." Nag-lakad na kami papasok at nakita agad namin sila Loren at yung mga kaibigan niya. Sinalubong kami agad ni Loren at hinila si Majika papunta sa table.

Gulat na gulat sila noong nakita nila si Majika. Bakit kaya?

*Majika's*

"Hi," nag-aalangan kong bati since naka-tingin lang sila sa akin at parang hindi makapaniwalang nandito ako.

"Majika?" turo sa akin ni Lea. "I---ikaw ba yan?" Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa akin. "MAJIKA!" Bigla niya akong niyakap habang tumatalon. Baliw talaga 'to.

Niyakap ko rin siya, "Wag kang tumalon! Buntis ka."

Humiwalay agad siya sa akin at nagtaka siya. "Paano mo nalaman?"

"Hindi kasi normal yung ganda mo!"

Malakas niya akong pinalo sa braso at umiiyak na siya. "Grabe ka! Hindi ka man lang nag-sabi na aalis ka after graduation! Alam mo bang malungkot at mag-isa ako!?"

Nakita ko si Rico at naka-ngiti sa akin. "Alam ko naman kasing nandyan si Rico para lagi kang samahan. Look, may anak na kayo," sabi ko habang hinahaplos-haplos yung buhok niya. "Ginawa mo ba yung inutos ko sayo?" tanong ko kay Rico na lumapit na rin sa amin.

"Syempre naman. Kaya nga pang-apat na yang nasa tiyan niya e." High school palang kami, alam kong si Lea at si Rico na ang mag-kakatuluyan kaya bago ako umalis, kinausap ko muna si Rico at inutusan kong laging bantayan at alagaan para sa akin si Lea. At kailangan, maka-apat sila kapag nakita ko ulit sila. "Nahabol  ko naman diba?"

"Obvious nga Rico. HAHAHA!" Naguguluhan ata si Lea. "Wag mo na kaming piliting initindihin Lea. Hindi mo talaga kami maiintindihan," sabay tawa namin ni Rico.

Umupo na kami at alam kong mahaba-habang kwentuhan at paliwanagan ito.

*Jerome's*

Napansin kong nag-iisa sa balcony si Majika.

"Loren, labas lang ako." Nag-sasayawan kasi sila. Lumabas ako at nilapitan ko si Majika. "Beer?"

"No, thanks." Tumingala ulit siya. "Paano mo pala nakilala yung mga kaibigan namin ni Loren?"

"Kasama ko sa volleyball team si Rico kaya nakilala ko rin si Lea. Ang tatag nga niyang dalawang yan. Kahit on and off yung relationship nila at laging nag-aaway, sila pa rin nagkatuluyan. Ngayon, masaya na sila."

"Simula noong mag-kasalubong sila sa hallway at mag-katinginan sila, alam kong para sa isa't isa sila. Kaya nga ginawa kong project yang dalawa na yan. Isang taon kong pinag-lapit yang dalawang yan. Mga in-denial kasi."

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon