Chapter 6: Epilogue

39 2 0
                                    

Dos' Point-of-View

"Dos...breakfast in bed," saka may nilapag si Patty sa kama ko. "Kain ka na." Nanatili akong naka-tingin sa bintana habang yakap-yakap ko yung mga binti ko. "Naririnig kong umiiyak na yung tiyan mo! Kumain ka na!"

"AYOKO SABI!" Tumakbo agad si Patty palabas ng kwarto ko.

Isang linggo na ang nakaka-lipas ng makipag-hiwalay sa akin si Bobby. Hindi ko alam kung bakit. Basta, sinundo niya lang ako sa school tapos hinatid dito sa bahay. Bago siya umalis, nakipag-break muna siya sa akin tapos wala na. Hindi ko alam kung nasaan siya. Pumunta ako sa apartment niya pero binenta na daw ng may-ari. Simula noon, hindi na ako lumabas ng bahay. Hindi na rin ako pumasok. Wala na akong paki-alam kung bumagsak ako. Para saan pa...wala na rin namang kwenta.

"Ayaw niya talaga e," narinig kong sabi ni Patty sa labas. "Umiiyak na naman siya kuya!"

Naramdaman kong may umupo sa kama ko. "Ate Dos."

"Kuya!" Niyakap ko agad si Bobby. "Bakit mo sinabi yun!? Bakit? Bakit? Bakit?"

"Dos...kailangan e."

"Utos ba ni kuya?"

"Hindi pero kailangan talaga." Mahigpit niya ako niyakap. "Mahal kita, Dos. Kahit...ayoko...kailangan kitang iwan. Aalis kasi ako."

"Sasama ako!"

"Hindi pwede. Dito ka lang!"

"Pero hindi ko kakayaning mahiwalay sayo, Bobby! Hindi ko kaya! Ayoko! Ayoko! Ayoko! Dito ka lang! Mahal na mahal kita!"

"Kung mahal mo talaga ako...kakayanin mong mahiwalay sa akin. Kakayanin mong mabuhay ng wala ako. Kakayanin mo ulit maging masaya kahit...kahit...kahit iba ang kasama mo."

"Bobby naman! Mahal kita at alam kong tama 'tong nararamdaman ko! Totoo 'to!"

"I know. Right love...right love but it happens in a wrong time and it took place in a wrong situation. Nag-umpisa tayo ng mali Dos, remember? Tinago natin at nag-sinungaling tayo. Madalas tayong mag-sinungaling sa kuya mo...sa kanila. Ayoko nang ganoong relationship, Dos." Pinahid ko yung mga luha niya. "Mahal mo nga ako pero sobra-sobra naman na wala nang natitira sa'yo."

"Bobby..."

"Do me a favor, Dos." Umiling ako. Hindi ko talaga kayang mahiwalay sa kanya. "Learn to love yourself...for me."

"How?"

"Finish college...achieve your dreams...travel abroad...enjoy your life." Hinalikan niya ako. "Move-on." Hinalikan niya ulit ako. "Find someone...new."

"Ayoko Bobby."

"Mahal na mahal kita Dos...pero kailangan natin mag-hiwalay...kailangan natin mag-kanya-kanya ng lakad ngayon. Kailangan natin mabuhay nang magka-hiwalay...maging masaya ulit katulad noong wala pa tayo sa mga buhay natin."

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon