"Totoo nga yung sinabi ni Majika," naka-titig lang ako sa kisame.
"Anong sinabi niya?"
"Na makikita ko yung sarili ko sa tabi mo," saka ako tumingin kay Loren.
Niyakap niya ako, "Magic Girl's magic never fails," sabay halik. "Breakfast in bed or what?" Tumawa lang ako at tumayo na siya papuntang kusina.
After a year, nagpa-kasal kami ni Loren at ngayon, malapit na kami mag-celerate ng 3rd year anniversary namin. Later, renewal of vows ng daddy ni Majika at ni Kaye. Totoo nga yung sinabi nila, kung sino man ang mina-match ni Majika ay nagkaka-tuluyan at nag-tatagal.
"Congrats po," bati ko sa daddy ni Majika.
Nag-lakad na sila pa-akyat ng stage, sa school kasi ang reception ng kasal nila. "Kamusta kayong lahat! Salamat sa pag-sama sa amin ngayon at sa pag-tupad ng hiling ni Majika." That night, reunion night.
Flashback
"I present to you," sabay baba ng curtain, "The Paint no. 143." Nag-palakpakan kaming lahat. Painting nila ni Kevin. "Sorry sir, wala na kasi akong makitang inspiration atsaka siyam na taon na akong tumigil sa pag-pipinta." Ngumiti lang si Sir Augustus.
Bumaba siya ng stage kaya nilapitan ko agad, "Majika, hindi ka pa tapos."
"Alam ko," nilapitan niya si Kaye. "Kaye, can you do me a favor?"
"Anything for you Majika."
"Please renew your vows and mag-travel kayo ni daddy around the world." Nag-katinginan lang sila Kaye at daddy ni Majika. "Daddy, mag-toothbrush ka palagi ha!"
"Majika, ano bang sinasabi mo? Wag dito!" Nag-tawanan lang kaming lahat.
Lumapit si Majika kay Lea, Rico at Loren at isa-isa silang niyakap. "Thank you mga kaibigan ko. Mahal na mahal ko kayo and always remember, magic never fails."
"Bakit ka umiiyak?" tanong ni Lea.
Ngumiti lang siya at nilapitan naman niya yung mga magulang ni Kevin, "Mr. and Mrs. Katigbak, thank you po by giving me another chance to see life and colors."
"Basta ikaw Majika. Naging anak na rin kita," niyakap siya ni Mrs. Katigbak.
"Favor po, can I have your blessing?"
Nag-katinginan silang mag-asawa at parang nag-tatanong ng 'para saan', "Yes, ibibigay namin sayo ang aming blessing."
"Saka po kapag namatay po ako, ilibing niyo po ako sa tabi ni Kevin." Nag-nod lang silang mag-asawa.
"Majika, anong bang pinag-sasabi mo? Mag-aasawa ka pa," ngumiti lang si Majika sa daddy niya at bumalik na ulit sa stage.
"Ten years ago, nag-disappearing act si Magic Girl and this time, mag-di-disappearing act ulit si Magic Girl pero hindi na siya makaka-balik. Sorry daddy kung hindi ko na sinabi ito sayo pero nakikita ko na ulit ang araw sa buhay ko. Noong natanggal yung tumor sa ulo ko dati, lubog ulit ang araw pero ngayong na-diagnosed nilang may brain tumor ulit ako, nakita ko ulit yung liwanag ng araw." Pupunta sana ng stage yung daddy pero, "Daddy, mag-papakasal ako at mag-aasawa ako kapag nakita ko na ulit si Kevin. Mr. and Mrs. Katigbak, aalagaan ko po si Kevin at promise po, hindi ko na siya sisigawan."
Nag-simula na silang mag-iyakan. "Jerome, Loren is the one for you. Madalas sa mag-asawa, nauunang mamatay ang lalaki kaya hindi mo na ulit mararanasan ang maiwan. Revive your feelings and fall in-love with her, again. I hope na maging successful itong last project ko."
"Majika, I will."
"Paint no. 143 is not just a painting of sun rising behind the hill but a message that there comes a time in our life, sun will rise again no matter what happens. Eleven years akong nag-abang ng sun rise at ngayon, naaaninag ko na ang sikat ng araw sa buhay ko. Magkakasama ulit kami ni Kevin at magiging masaya kami sa piling ng isa't isa."
End of Flashback
"Majika, anak! Daddy is always here for you. Lagi akong nag-toothbrush kaya dapat NAKAPAG-ASAWA KA NA! Tweny-eight ka na! Thank you sa pag-gamit mo ng magic sa amin ni Kaye. Magkikita ulit tayo at magkakasama ulit tayo ng mommy mo sa heaven. Stand by lang kayo dyan!"
"Thank you Majika," sigaw ni Kaye.
Tinaas na namin yung mga wine glass namin, "For Majika," announce ko.
"MAGIC NEVER FAILS!" Eight months and four days after the reunion, Majika peacefully left the world and followed Kevin in heaven.
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
General FictionEverything is fictional. Love is the only thing that's real.