After niya kumanta, hinabol ko siya papuntang backstage, "Sweety! Sweety!"
"Uhmmm...okay. May nag-hahabulan po sa stage---at okay! HAHAHA!"
Naabutan ko naman siya. "Sweety, let me explain!"
"Explain what? Hindi ba obvious na wala kang trust sa akin kasi pina-substitute mo ako!"
"Akala ko---"
"PESTENG AKALA YAN," saka niya ako sunod-sunod na pinag-hahampas sa dibdib. "GAGO KA! TARAN---" I kiss her to stop her making noises. Humiwalay rin agad ako at tinignan ko siya sa mata. Gulat 'to pamihado at hindi na ito, "TARANTADO KA TALAGA," mag-iingay.
Sinabunutan niya ako, "ARAY KO SWEETY!"
"BUWISIT KA! BUWISIT! BUWISIT! BUWISIT!!!"
"HOY," warning ng emcee, "TAHIMIK!"
"Ano bang nangyayari dito?" Si ninang Rose. Nag-aalalang tumatakbo papunta sa amin si ninang.
"Ninang, ano po. Misunderstanding lang po. Ok---"
"Si Rose Buena ba yan?" tanong niya na parang naninigurado at sabay higit ni Sweety sa tux ko. Nag-nod ako. "Crush siya ng papa ko." Parang hindi siya maka-paniwala sa nakikita niya.
"Talaga?" masayang tanong ni ninang.
"O-opo! Ang laki nga po ng portrait niyo sa kwarto ni papa saka lagi niya yung kinakausap e."
"Later, kwento mo sa akin ha!" Tumingin si ninang sa akin, "Gio, kakanta ako pero gusto ko siya ang mag-pi-play ng piano," atsaka siya lumabas.
"Narinig mo yun Sweety?" Nag-nod siya at halatang-halatang hindi pa nag-si-sink in sa kanya yung nakita at narinig niya.
"Actually, I'm not planning to sing pero kasi ang galing niyang mag-piano," sabi ni ninang Rose. Nasa kanya-kanyang pwesto na sila habang nandito ako sa may gilid at kitang-kita ko si Sweety. "I'm going to dedicate this song for her," turo niya kay Sweety, "girlfriend ng inaanak ko!"
Biglang napa-tingin sa akin si Sweety at nabasa kong sinabi niya 'Anong kalokohan yun'. Ngumiti lang ako at nag-kibit-balikat. "Ninang," tawag ko kay ninang Rose.
"Ay! Hindi pa ba? HAHAHA! Excited lang! Gusto ko rin itong i-dedicated sa Samson ng buhay ko at sa dalawa kong sweet angels. It's for them!" May dalawang anak si Ninang Rose pero namatay daw sa isang car crash with his Samson. "You are my sweetest downfall~ I loved you first~ I loved you first~"
Mag-papa-kasal na sana sila nung lalaki kaya lang na-pos-postpone kasi nga nanganak si ninang. Matagal nilang pinag-laban yung love nila for each other at noong natanggap naman, kinuha naman ni God.
"Beneath the sheets of papers lies my truth~ I have to go~ I have to go~
Your hair was long when we first met~"
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
General FictionEverything is fictional. Love is the only thing that's real.