October na ngayon at mahigit two months na kaming mag-girlfriend at boyfriend ni Bobby. Wala namang nag-bago masyado. Nag-di-date pa rin kami ng patago. Kuya at Ate pa rin ang tawagan namin. Siguro ang nag-bago lang ay yung feelings namin sa isa't isa. Mas malalim at seryoso na. May karapatan na rin kaming mag-selos.
"Tabi tayo ha," saka umupo sa tabi ko si Bobby. Birthday ngayon ni Badji kaya may excuse akong makita at makatabi si Bobby. Kinikilig ako! Hinawakan kasi ni Bobby yung kamay ko. "You're blushing, ate." bulong sa akin ni Bobby.
"Ikaw din naman, kuya!"
"Alam niyo bumitiw na kayo. Papunta na sila dito," singit ni Patty.
"Kontrabida ka talaga." Binitawan ko na yung kamay ni Bobby. "Kuya Badji...nasaan si ate Lougee?" Kami lang ni Patty at yung buong barkada niya ang nandito kaya napansin kong out-of-sight si Lougee.
"Sasamahan daw niya si Allen bumili ng regalo. Pabalik na siguro yun." Nag-nod na lang ako. "Kanta muna tayo!"
"Sinong mauuna?" tanong ni kuya Uno.
"Sino ba ang may pangalang Uno dito?"
"Uupakan kita Ralph! Sige na nga." Nag-hanap muna si kuya bago siya pumunta sa karaoke machine. After niya..."sinong next?"
"After ng Uno...diba Dos ang sunod? HAHAHA!" Masasapak ko 'tong si kuya Badji e. "DOS! DOS! DOS!" sabay-sabay nilang sigaw.
"Sige na. Request ko."
"Paano ba yan? Request ni Bobby!" Binatukan ko nga si Patty. Ayoko. Hindi nga ako marunong kumanta. "Bayad mo na sa pag-tuturo niya sa'yo! Kanta ka na!"
"Naka-bayad na ako! Pumasa naman ako sa Algebra!" Nag-simula nang mag-puppy eyes si Bobby. Ang charming naman niya. Paano ako makaka-tanggi? "FINE!" Tumayo na ako. Kung anu-ano pinag-pipindot ko kaya bahala sila kung out-of-tune ako. "I hate the way you walk~ hate the way you talk~ hate the way you look at me~" Crazy Love by Kim Chiu. Habang kumakanta ako, sumasabay din sila kaya hindi halatang sintunado ako. "And this crazy love~ crazy love~ Oh~ this crazy love~ crazy love~ I---"
Biglang dumating si ate Lougee at umiiyak. Kumalat kasi yung eyeliner niya sa mukha. "Anong nangyari?" tanong ni kuya Badji.
"Si Allen! Nahuli kong may kahalikan sa mall!" Pa-dabog na umakyat si ate Lougee sa kwarto niya.
"Sabi na nga ba e! Tarantado talaga yang Allen na yan! Saan nakatira si Allen?" Pinipigilan ng mga kuya namin si Badji. Mukhang susugurin niya kasi si Allen e naka-inom pa naman sila. "Papatayin ko siya!"
"Bobby! Hatid mo muna sila Dos at Patty sa bahay. Balik ka na lang dito." Agad-agad kaming tumayo at lumabas ng bahay.
Alas-onse na ng gabi naka-uwi si kuya Uno. "What happen?"
"Ayun, nahimasmasan din si Badji. Sa Monday namin kakausapin si Allen." Pinag-timpla ko ng kape si kuya. "Tarantadong Allen yun."
"Ano nang mangyayari kay kuya Allen?"
"Wala na. Tanggal na siya sa barkada." Kawawa naman siya. "Dos, kung mag-bo-boyfriend ka yung matino ha! Alamin mo rin yung history niya."
"Okay."
"At isa pa...ayokong isa sa mga barkada ko ang maging boyfriend mo." Pero boyfriend ko si Bobby at barkada siya ni kuya. Paano yun? "Hindi ako makakapayag."
"Bakit?"
"Dos...ilang taon ko na silang kasama, kakilala...ka-barkada. Alam ko na ang mga karakas ng mga lalaking yan. Kaya nga nag-taka ako kay Badji kung bakit pumayag siyang paligawan si Lougee kay Allen. May history si Allen. Hindi yan nakukuntento sa isa. Lagi siyang may reserve. Siguro, hindi nahintay yung oo ni Lougee kaya nag-hanap ng iba." Mukhang forever magiging secret ang relationship namin ni Bobby. "Ayokong magaya ka kay Lougee. Atsaka, mahirap para sa amin na tanggalin si Allen sa barkada." Humigop muna siya nang kape. Paano na kami ni Bobby? "Dos ha!"
May magagawa pa ba ako? "Opo, kuya." Bahala na.
Nakita kong may pasa sa pisngi at putok yung labi ni kuya Allen nang lumabas ito sa bahay nila kuya Badji. Nag-umpisa ang second semester namin sa isang flag ceremony. Habang naka-pila ako, napansin kong ang layo ni kuya Allen sa grupo nila kuya Uno.
"Kawawa naman si kuya Allen," komento ni Patty habang tinitignan namin si kuya Allen. Mag-isang kumakain sa table. Usually kasi, sama-sama silang anim. "Pamihado, ganyan din ang mangyayari kay kuya Bobby once na sinaktan ka niya."
"Wag naman sana." Ayokong mangyari yun kay Bobby pero hindi ko naman kayang mahiwalay sa kanya. Mahal na mahal ko siya. "Tiwala ako kay Bobby. Hindi niya ako sasaktan. Hindi niya ako lolokohin. Mahal na mahal namin ang isa't isa. Hindi kami mag-kakahiwalay."
"Sana nga. Ipag-dadasal ko kayo," seryosong sabi ni Patty.
"Maligayang Pasko," saka sila nag-cheers. Ilang linggo na lang, pasko na. Nag-organize ng Christmas Party dito sa bahay sila kuya Uno. "EXCHANGE GIFT!"
Nag-umpisa na kaming mag-exchange gift pero nagulat ako ng mag-palitan kami ni Bobby. "Nabunot pala natin ang isa't isa." Lalo akong kinikilig! "Merry Christmas, ate!" Destined talaga kami sa isa't isa.
"Merry Christmas din, kuya!"
"Hoy!" tawag ni kuya Uno. Medyo tipsy na sila kuya Badji, kuya Ralph at kuya Patrick. "Bawal manligaw ha!"
"Paano yun? Wala pa kaming girlfriend ni Bobby! Hindi pwede," pag-tanggi ni kuya Patrick.
"Pwede kayong manligaw!" singit ni kuya Ralph.
"Wag niyo nga lang liligawan yung mga kapatid naming babae lalo na si Dos! Bata pa yan!" Nag-form ng fist si kuya Uno. "Fist pump tayo kung agree kayo!" Nakipag-fist pump yung tatlo pero si Bobby, naka-tingin lang sa akin. "Ano Bobby?" Naka-tingin kaming lahat sa kanya. "Ang hindi pumayag, OUT! Tanggal na sa barkada with black eye!"
"Go...fist pump," mouthed ko. Ngumiti lang siya at nakipag-fist pump. Pumunta na kami ni Patty sa kusina. Niyakap ako ni Patty pag-kapasok namin. Naiiyak ako. "Forever secret natin 'to ha."
"Forever secret."
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
General FictionEverything is fictional. Love is the only thing that's real.