*Giovanni's*
"Ganda ng mood mo ata ngayon?" tanong ni Sweety habang nag-pi-play ng piano.
Flashback
"Mommy!" Bigla kasing pumasok ng kwarto ko si Mommy e nag-susuot ako ng brief. "Bakit!?"
"Sus! Nakita ko na yan kaya wag mo nang itago!"
"Ano ba kasi kailangan mo!?" May pinakita siyang sulat sa akin. "Anong gagawin ko dito?" Inabot ko yung sulat.
"Pangarap mo~"
"HARVARD!?" Nag-nod si mommy. HARVARD! "Magiging...magiging," Nag-tatatalon kami ni Mommy. Ang saya koooooooooooooooo!
End of Flashback
*Sweety's*
"Wala lang. MY GIRLFRIEND!" Mukhang kilig na kilig siya. "Kinikilig ka rin!"
"Oo na! Makati na braso ko!"
Actually, walang question and answer na nangyari basta one day, nag-start na akong mag-I love you sa kanya. Holding-hands, yakap at...lips to lips. Wala rin kaming official date kung kailan naging kami. Ayaw niya bilangin by months, by day daw dapat.
"Ang kulit pala ng una nating pag-kikita noh!"
"Alam mo bang nag-sisisi ako noong nakilala kita?" Mag-sasalita dapat siya kaya lang hinalikan ko agad. "Noon yun, pero ngayon, pinag-sisihan kong naramdaman ko yung regret na yun kasi ikaw pala yung match ko na sinasabi ni Sugar." Ngumiti lang siya at hinalikan din ako.
"Bagay na bagay sayo yung kwintas." Binili niya daw ito sa boutique at hindi daw niya alam kung bakit niya binili noon. "Relax ka lang ha!" Ngumiti ako. Gusto daw kasi ako makita ni Ms. Rose Buena kaya ito, dinner with her. Papa-picture ako tapos i-inggitin ko si papa. BWAHAHAHAHA!
"Ate! Sabihin mo kay kuya Gio na i-sabit ako kapag may dinner ka kay Rose Buena. Gusto ko rin inggitin si papa!"
"Oo na!" Pumasok ako sa kwarto ni papa. Late na naman kasi siya uuwi. Pina-print ko na yung picture para may autograph na at hindi sabihin ni papa na photoshop lang. Inilapag ko sa desk yung picture at napansin ko yung portrait ni Ms. Buena. "Twenty years ago na pala itong picture. Ang ganda niya." Naka-side view siya at nasa sunflower farm siya. May nakita akong dedication kaya binasa ko. "Thank you for supporting and forever loving me...my Samson." Samson? Hindi naman Samson name ni papa kundi Romeo.
"Sweety?"
"Papa, akala ko gabi ka na uuwi."
"Eight in the evening. Evening, gabi." Inilagay niya yung bag niya sa upuan at nag-tatanggal na siya ng sapatos.
BINABASA MO ANG
My Bedtime Stories
General FictionEverything is fictional. Love is the only thing that's real.