Chapter 3

42 3 0
                                    

"Ano bang pinag-kaiba ng Mongol no. 2 at no. 3?" tanong ni Bobby.

Kanina pa ako nag-iisip...tatanungin ko ba sya o hindi? Kapag tinanong ko naman siya baka kung anong isipin nito. Kapag hindi naman, paulit-ulit lang akong kukulitin ng tanong sa utak ko. Paanong kung 'Yes...meron na' ang i-sagot niya sa akin, anong ma-fi-feel ko? Mag-si-selos ba ako? Magagalit ba ako? Wait! May karapatan ba akong maramdaman yun? Hindi pa naman niya ako girlfriend. Mag-M.U. pa lang kami. Hindi pa nga niya ako tinatanong ng 'can you be my girlfriend'. Kailan niya kaya ako--- "Anong tanong mo?" Naramdaman ko kasing siniko niya ako.

"Kanina ka pa tulala. May problema ka ba?"

"Wala naman. May gumugulo lang sa isip ko like---"

"Mag-tago ka." Bakit? "Papunta dito si Allen..." Si Allen? Patay! "...kasama si Lougee." Kambal ni Badji? Bakit sila mag-kasama? "Mag-tago ka."

"Saan?" natataranta kong tanong.

"Hindi ko alam!" Tumingin-tingin siya kung saan-saan. Saan ako pupunta? "Ganito na lang. Sasalubungin ko sila tapos lipat ka ng ibang lane. Bilis!" Umalis na siya at tumakbo na ako papunta sa ibang lane kung saan pwede ko pa rin silang makita. May nakita akong magazine kaya binuksan ko at tinakpan ko yung mukha ko. "Pare...anong ginagawa mo dito?" tanong ni Bobby kay Allen.

"Nag-di-date kami ni Lougee. Ikaw?"

"May binibili lang." Tinignan ni Allen yung basket ni Bobby. Mukhang convince naman siya kaya lang may nilagay akong stationary at glitter pen doon!

"Boy romantiko ka talaga! Love letter ba gagawin mo?"

"Uhmm...Oo. Syempre...mas gusto pa rin ng mga babae ang makatanggap ng love letter. Mas nakaka-kilig pa rin yun. Diba Lougee?" Ngumiti lang si Lougee. Nag-paalam na si Allen at Lougee at pumunta na sa counter para mag-bayad. "Dos?"

"I'm here." Nilapitan ko siya at pinag-masdan ko pa rin yung kaibigan ni kuya hanggang sa maka-labas at maka-layo na sila. "Sorry ha! May stationary pala akong nilagay dyan."

"Okay lang. Nalusot ko naman."

"Nag-di-date din pala sila. Sila ba?"

"Ang alam ko nililigawan ni Allen si Lougee. Hindi ko alam kung sinagot na ba siya o hindi pa. Hindi naman pala-kwento sila Allen at Badji e."

"So alam ni kuya Badji?"

"Oo. Mukhang okay naman sa kanya. Bakit?" Kung alam ni Badji at tanggap niya baka matanggap din kuya Uno yung relasyon namin ni Bobby. "Gusto mo na bang sabihin natin kay Uno?"

"Hindi ko alam. Siguro...hindi muna. Tinanong ko kasi si kuya Uno about kiss tapos iba yung reaksyon niya. Parang galit na ewan. Hahana---"

"Kiss? Bakit mo natanong yun sa kanya?" Biglang nag-bago yung reaksyon ng mukha niya. "Yan ba yung iniisip mo kanina pa?"

My Bedtime StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon