Chapter 1: Lost

843 12 15
                                    


Chapter 1: Lost

(Caia's POV)

Ouch, my head hurts. I just woke up and... where the hell am I?! Bakit sobrang dilim dito?? Napatingin ako sa may pintuan dahil may narinig akong tunog. Unti-unting nagkakaroon ng liwanag mula sa pinto.

"Gising ka na pala." Who is he?!

"Who are you?! What are you doing here?! Why I am here?!" I welcomed him with questions. Eh kasi naman, wala akong maalala. Why can't I remember anything?

"Whoa. Relax, I won't do anything bad to you." Sabi niya. Pumasok siya sa loob ng kwarto ng may dalang tray. Nilapag niya ito sa may side table at naupo sa gilid ng kama na kinahihigaan ko.

"Wait, ano 'bang ginagawa ko dito? At nasaan ako?" Tanong ko sa kaniya. Napatingin naman ako sa sarili ko. I am wearing a school uniform.

"Sandali, nakalimutan kong buksan 'yung ilaw," sabi niya at may kinuhang remote sa tabi ko at bigla namang lumiwanag dito. Saka ko nakita na napakaganda ng kwartong ito. Pero maski ang itsura nitong kwartong 'to ay hindi ko maalala. "Wala ka talagang maalala sa kwartong ito dahil ngayon mo lang ito nakita at napuntahan." Sabi niya. Nagulat naman ako at agad na napatingin sa kaniya.

"Na-nabasa mo ang isip ko?" Tanong ko sa kaniya. Nagnod naman siya.

"Just by looking at someone's eye. Nababasa ko lahat ng iniisip nila." Sabi niya. That's creepy!

"A-asan ba tala ako??" Takang tanong ko. Nakakapagtaka kasi talaga dito.

"Keun High." Keun high? Napakunot yung noo ko. Anong keun high?? "Ang keun high ay isang special school. Matatalino o may special talents lang ang nakakapag-aral dito. In that way, iniimprove nila ang skills ng mga humdrums at nagiging malakas. Kaya naman ang meaning ng Keun na korean sa english ay Great." Joke ba siya? Special talents? Seriously? May ganun ba sa mundo? O sadyang wala lang talaga akong maalala? Aish. Ewan.

"Are you kidding me? Nagtanong ako ng maayos. Please answer me seriously." Sabi ko.

"But I'm telling you the truth. Ang mga tao dito ay may kapangyarihan. Ikaw, panigurado meron ka." Sabi niya. Kapangyarihan? Ako? I don't know what to react. This is just so unbelievable!

"Pero paano ako nakarating dito? Inenroll ba ako ng mga magulang ko dito?" Tanong ko. Siya naman ang kumunot ang noo. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Wala ka talagang maalala?" Tanong niya. Nagnod naman ako. "Kumain ka na lang, mauna na ako." sabi niya at lumabas ng pinto. Huh? Paano naman yung tinanong ko? Naramdaman ko na nagugutom na ako kaya kumain na ako. Bigla kong naalala na nakalimutan kong tanungin yung pangalan nung lalaki. Di bale na, magkikita pa naman siguro kami. Pagkatapos kong kumain, binuksan ko yung bintana. Nag-overlooking ako since mataas itong kwarto. Ang ganda pala dito. Ang laki naman ng school na 'to.

Hindi parin mawala sa isip ko kung sino ba talaga ako. Paano ako napunta dito. Sino ang pamilya ko at nasaan na sila. At kung maniniwala ba akong may kapangyarihan ang mga tao dito. Like hello? Sino ba namang maniniwala. Baka baliw na ang mga tao dito. Siguro maniniwala lang ako kapag nakita ko na.

Ang sakit sakit sa ulo. Ang hirap naman ng ganito, yung hindi mo kilala yung sarili mo. Sa pangalawang pagkakataon, napalingon ako sa pintuan dahil tumunog ito, inaakalang yung lalaki kanina ngunit dalawang babae na teenager. Ilan taon na kaya ako?

"Ay gising ka na pala! Wow, mas maganda ka pa pala kapag gising!" Sabi nung isang babae. Ngumiti na lang ako. I can't say anything, we're not close naman. Napansin ko rin na magkaiba uniform namin. Bakit kaya? Mali ba yung uniform ko? -

"Ahaha pagpasensyahan mo na 'to ha? Matagal-tagal na rin kasi kaming dalawang magkasama sa room. Buti na lang nadagdagan na." Sabi pa nung isang babae. Mukhang mahinhin siya. Pero masiyahin.

"Ako nga pala si Corin, Corin Radcliff." Sabi nun babaeng unang nagsalita kanina at nilahad ang kamay niya na agad ko namang tinanggap. Maganda siya, malaki ang mata at may blonde na buhok na hanggang balikat lang.

"Darcy, Darcy Clifton." Sabi naman nung isa pang babae. She has a long hair. Hanggang likod niya at maganda rin, chinita. Nilahad din niya ang kamay niya at tinggap ko rin.

"Caia Pendleton is my name." Sabi ko. Nagulat naman si Corin. May mali ba?

"Wow! Ang unique ng name mo!" Sabi niya at ngumiti. Napangiti na lang rin ako.

"Kakatapos mo lang ba kumain?" Tanong ni Darcy. Nagnod lang ako at naupo sa kama ko.

"Hay nako, alam mo, masyado kang tahimik! Baka hindi ka pa sanay kaya tara!" Sabi ni Corin at hinila ako patayo. Hay buhay. Stress pa ako sa nangyayari pero mukhang kailangan kong mag-unwind. Dinala niya kami sa mall. Teka-- may mall dito?!

"Ayan, magshopping tayo!" Sabi niya at hinila kami papasok ni Darcy. Bakit ba lagi siyang nanghihila? -,- pagkapasok namin ay agad kaming pumasok sa isang boutique. Inabutan niya ako ng napakaraming damit ganun na rin kay Darcy.

"Ah, Corin. Tigilan mo nga 'yan, baka naiirita na si Caia sa'yo." Sabi ni Darcy. Agad namang tumingin sakin si Corin ng naka puppy eyes.

"Are you angry?" Tanong niya sakin.

"Of course not, it's okay, susukatin ko 'tong lahat." Sabi ko at ngumiti.

"See! Mukha naman siyang masaya eh. Hihi." Sabi ni Corin. Dapat na siguro akong masanay. May kaibigan kaya ako dati??

"Sige, susukatin ko na 'to." Sabi ko at tumalikod sa kanila. Pumasok ako sa isang fitting room at sinukat lahat ng binigay sakin ni Corin. Nakakapagod naman 'to. Magaganda naman yung iba, actually lahat. Kaso showy yung iba. Lumabas na ako ng fitting room at agad naman akong nakita ni Corin.

"Tapos ka na ba? Sige ipatong mo lang 'yan aa may counter. Ako na bahala magbayad!" Sabi niya. Richkid pala 'to -,-

"Nakakahiya naman. May pangbayad naman ako eh, okay lang." Sabi ko.

"Ganiyan siya usually kapag nagshashopping kami. Binabayaran na niya kaya wala ka ng magagawa sa kaniya." Bulong ni darcy sakin.

"Ay nako, ako na bahala magbayad. Kundi, magagalit ako!" Sabi ni Corin. Napalingon naman ako kay Darcy na nginitian lang ako.

"S-sige, thank you!" Sabi ko at ngumiti. After namin magshopping, kumain muna kami dahil nagutom kami. Nag-ice cream lang ako. Pampawala ng stress.

"Hmm, pakilala ka naman Caia, wala pa kaming alam tungkol sa'yo." Sabi ni Corin. Hala, anong sasabihin ko??

"Sa totoo kasi.. hindi ko alam ang nangyari sakin. Wala akong alam sa sarili ko kundi pangalan ko. Nagulat na lang ako na paggising ko nandito na ako." Sabi ko at yumuko.

"Ah ganun ba? Okay lang 'yan! Paniguradong maalala mo rin 'yan," sabi ni Corin at nginitian ako.

"Pero may tanong ako," sabi ko. Hindi lang talaga ako makapaniwala sa sinabi nung lalaki kanina.

"Ano 'yun?" Tanong ni Darcy.

"T-totoo bang may kapangyarihan ang mga tao dito?" Tanong ko.

"Hmm, oo! Bukas na bukas, makikita mo sila." Sabi ni Corin at kinindatan ako. Bahala na. Hindi ko kasi talaga alam irereact ko. Para akong robot.

"Sige, kami na lang magku-kwento." Sabi ni Darcy. Salamat God, kahit papaano naintindihan nila ako.

"Ako kasi, bata pa lang nandito na. Usually nga nag-iisa lang ako sa dorm kaya nalulungkot ako. Pero may kaibigan naman ako sa room! Hahaha kaya inaaya ko sila na pumunta sa dorm paminsan kasi boring na boring na ako. Tapos biglang dumating si Darcy. Nakakatakot siya pero nasanay na rin ako." Sabi ni Corin at parang natatakot siya nung tumingin siya kay Darcy.

"Ako nakakatakot?" Sabi ni Darcy at tinaasan ng kilay si Corin.

"Hehehe joke lang. Bait bait mo nga eh." Sabi ni Corin. Kulit talaga nitong si Corin. Pagkatapos nun ay naisipan na naming bumalik sa dorm. Para na rin makapagpahinga kami. Nakakapagod rin pala magshopping.

Nakahiga na ako ngayon sa kama. Patay na lahat ng ilaw at tulog na rin yung dalawa. Samantalang ako ay iniisip parin kung anong nangyari sakin. Paano ba talaga 'to nangyari? Naaksidente ba ako? Hush, nasakit lang ang ulo ko kapag iniisip ko yung tungkol dun. I'll sleep this na lang. Hoping na paggising ko bukas ay maalala ko na lahat.

-----------

Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon