Chapter 20: Against Evil
(Caia's POV)
Well, it's been days after kong binalak na iwanan ang lahat. Nagpapasalamat ako kay Cyprian dahil hindi niya sinabi sa mga kaibigan namin ang nangyari. Everything went normal. Ang balak namin na mag lunch everyday sa Garden. Natuloy narin ang training namin ni Cyprian. It seems like we're already moved on. But actually not. Mayroon paring kaba sa dibdib namin na baka may kuwain pa silang studyante at patayin ito. Hindi ko na ito maatim kapag nangyari pa itong muli.
Kasalukuyang nasa kalagitnaan ako ng klase ngunit wala ako sa aking sarili. Hindi ko rin alam kung bakit. Alam kong bawat buka ng bibig at kada bigkas ng aming guro ay importante. Ngunit hindi ko talaga kayang makinig ngayon. Tila may bumabagabag sakin. Sana lang hindi ito ang mga lumalabas na pigura sa aking isipan. Ayoko ng mahimatay at mapunta ulit sa School's Infirmary. Halos kilala na ako doon dahil suki ako ng infirmary.
Tumunog na ang bell, hudyat na tanghalian na ng mga studyante. Tumayo na ako at niligpit ang mga gamit ko saka lumapit kila Corin.
"Haay, nakakapagod ang araw ngayon. Anong gusto niyong kainin ha?" Sabi ni Zed at inakbayan ako. Ramdam ko ang bigat ng braso niya sa mga balikat ko. Ngunit wala naman akong magagawa kundi hayaan ang ito sa balikat ko.
"Ice cream. Tama, ice cream ang gusto kong kainin. Pampatanggal stress!" Sabi ni Corin.
"Alam niyo, kaysa magcrave kayo diyan, pumunta na tayo sa cafeteria." Sabi ni Drexel. Oo nga naman. Nakakagutom ang usapan namin.
"Tama siya dun. Kaya tara na," Pagsang-ayon ni Bryle at inalis ang braso ni Zed sa balikat ko. I'm thankful dahil ginawa niya iyon. Pero syempre para kay Zed, hindi.
"Pre, wala namang ganun," Sabi ni Zed at umiling.
"Sorry," Sagot sa kaniya ni Bryle at hinapit ang baywang ko palapit sa kaniya.
"Hey," Sabi ko at binatukan si Bryle. Sa tingin ko ay nahahawa na ako kay Corin at Zed.
"Ouch! Harsh ka babes." Sabi ni Bryle at nagfrown.
"Hep! Hep! Masyado ng maraming langgam! Hindi na kayang iresist. Tara na sa Caf," Sabi ni Corin at nauna nang lumakad samin. Sumunod na kami at nagtungo sa Cafeteria. Nag-order lang ako ng caldereta, spaghetti, black forest cake, at mango shake. Mahilig talaga ako sa mga cake kaya palagi akong bumibili ng ganito. Pagkatapos naming mag-order ay nagpunta na kami sa Garden.
"Himala at may tao dito ngayon?" Komento ni Darcy nang makita ang iilang studyante na kumakain sa Garden.
"Trip nila kaya wag mo ng pakielaman." Sabi ni Zed. Habang nagtatalo-talo sila doon ay nag-ayos na kami ni Drexel ng sapin namin.
"Kumusta?" Tanong sakin ni Drexel. Napangiti naman ako.
"Ayos lang. Eh ikaw? Ang tagal rin nating hindi nakakapag-usap ah?" Sabi ko sa kaniya ng hindi parin nabubura ang ngiti sa aking labi.
"Oo nga eh. Tahimik lang naman an buhay ko---" Hindi pa tapos magsalita si Drexel ngunit may sumingit sa aming usapan.
"Hindi tatahimik ang buhay mo hanggang nandito kami. Boo!" Sabi ni Corin at inasar si Drexel sa pamamagitan ng pagkukunwaring multo siya. I find it cute and funny kaya natawa ako.
"Kayo ah! Nagsosolo kayo! Gumagawa ka ng move no, Drexel?!" Sabi ni Zed at umupo sa tabi ko. Well, sobrang dikit. Binigyan lang siya ng bored look ni Drexel.
"Tumigil ka nga! Para kang sira!" Sabi ni Corin at umirap.
"Oo, tama tumigil ka at lumayo ka kay babes!" Sumingit narin si Bryle sa usapan-- I mean hindi lang sa usapan kundi pati samin ni Zed. Itinulak niya si Zed at siya ang umupo sa tabi ko.