Chapter 35: No Escape
(Caia's POV)
A new day for me. Lumabas ako ng bahay at ngumiti. Pumunta akong garahe at sumakay sa sasakyan ko. Well, it's weekend. And day off ko na naman sa cafe. Nagpa-gas ako ng sasakyan namin para hindi ako mahirapan sa pagcommute. Maniwala man kayo sa hindi, may license na ako. Hindi ko rin alam kung saan nanggaling pero nakalkal ko sa isa sa mga drawer ko.
Nagdrive ako papunta sa bahay nila Red. I got an invitation from them. Hindi kasi kami gaano nakapag-usap ng Dad niya nung nakaraan kaya pupunta ako ngayon sa kanila. Isa pa, may gustong ipasubok sakin ang tatay ni Red.
Ilang araw na rin... matapos ang mga messages ni Darcy sakin. I deleted her number. And the number of my other friends there. Ang puwede ko lang icontact ay si ma'am Ericka. Well, she's pulling me from past. Everytime na nakikita ko siya ay feeling ko may nagduduktong pa rin sakin sa Keun High. Anyway, meron naman talaga, 'yung gem. Pero pagkatapos nun, wala na. Nahihirapan pa rin akong hanapin ito dahil wala naman akong kaalam-alam kung saang lungga ito matatagpuan. Ngunit desidido na ako. Gusto ko ng kalimutan ang lahat. Napapagod rin ako. Iniiwasan ko na ang mga tawag ni Zed. Although, kadalasan siyang tumatawag sakin. I wanted to start a new life. I wanted to face everything in this world. That is all what I want. Mahirap pa ba 'yon? Bakit parati na lang may humihila sakin pabalik?
Agad akong pinagbuksan nang gate sa bahay nila Red nang makarating ako. Bumaba na ako sa sasakyan at sinalubong naman ako ni Red. Bahala na ang driver nila sa sasakyan ko.
"Goodmorning! Tara na sa loob." Masiglang bati ni Red sakin. Tumango lang ako at pumasok sa bahay nila. Nakita ko ang mga magulang niya na iniintay kami sa sala.
"Oh, andito ka na pala, Corin. Nagbreakfast ka na ba?" Tanong sakin ni Tita nang mapansin kami.
"Okay lang po ako, kumain na po ako sa bahay." Sabi ko. Hindi naman siguro 'yan ang pinakamahaba kong sinabi diba?
"Ganoon ba? Oh, halika na dito. Magkwentuhan tayo. Hindi tayo nakapag-usap dati eh." Sabi naman ni Tito. He really looks familiar to me. Siguro ay dahil dati. Lumapit kami sa kanila at umupo sa sofa. Wala na akong balak maalala ang nakaraan ko. Kampante na ako sa ganitong buhay ko. Ayoko nang magulo pa. Gusto ko ng mabuhay bilang Corin Radcliff. Masaya na ako sa ganito.
"Yaya, padala naman ng snacks dito." Sabi ni Tita sa isa sa mga kasambahay nila.
"Nako, hija. Tama nga si mama. Kamukhang-kamukha mo si Caia. Hay, sana ay maayos pa ang buhay noong batang 'yon." Sabi ni Tito. Nakaramdam ako ng sama ng pakiramdam. Ito na naman ako sa tunay na ako. Binabagabag pa rin ang pamumuhay ko. Expected naman na 'yon, 'di ba? Pero bakit ang bigat pa rin sa pakiramdam?
"Dad," Saway ni Red kay Tito.
"Okay lang. Sure akong okay lang siya." Sabi ko. I should receive an award. Humahaba na ang mga sinasabi ko.
"Sana nga. Salamat sa pagiging kaibigan ng anak ko, ah? No wonder kung bakit ikaw ang pinili niya. Matagal na rin kasi siyang nag-iisa. Si Chester lang ang madalas niyang kasama." Sabi ni Tito. Kaya naman pala parang ang saya ni Red tuwing nakakasama ako. At nalulungkot siya kapag itinutulak ko siya palayo.
"Daddy naman. Hindi naman na kailangang malaman ni Coein 'yun eh." Sabi ni Red.
"Oh, magmeryenda na kayo. Kain na, Corin. Kayong dalawa magsitigil kayo." Sabi ni Tita nang makarating ang meryenda na hinanda nila. I'm still full. Dumating na naman si ma'am Ericka sa bahay at pinagluto ako ng napakarami.
"Kain na, Corin. Ikaw bata ka, anong hindi kailangang malaman ni Corin? Eh magkaibigan kayo. Dapat malaman niya ang lahat tungkol sayo." Sabi naman ni Tito. He has a point. Pero hindi ko naman pipilitin si Red kung ayaw niyang sabihin sakin. I'm not the type of friend who's gonna ask everything about him/her. I'm gonna let the time show me about my friends.