Chapter 27: Worth Sacrificing

94 2 0
                                    

Chapter 27: Worth Sacrificing

(Caia's POV)

I breathed heavily after I got out of ma'am Ericka's room. All of us are wearing white clothes. Today is Corin's day. I wish her goodluck into her new life and also to me.

"Hey," Napalingon ako sa tumawag sakin habang naglalakad ako.

"Bryle," I said when I saw him. He gave me a genuine smile at lumapit sakin.

"Let's go? It's about to start," Sabi niya at inilahad ang kamay sakin. I bit my lower lip. "Just be happy for her. Smile, okay?" Sabi niya sakin nang mapansin niyang naiiyak ako. Ilang araw na ang makalipas simula noong nawala si Corin. Ilang araw ring nanahimik ang grupo namin. Ilang araw na rin akong umiiyak. Eh wala naman kasi akong magagawa. She's a special friend to me. Nahihirapan ako tuwing naalala ko siya.

"I'm sorry," Mahinang sabi ko. Nagpatuloy kami sa paglalakad para lumapit sa kinaroroonan ni Corin.

"You don't have to be sorry. It's not your fault, Caia. Stop thinking about it. Just for once, be happy." Sabi niya sakin at inilagay ang ilang pirasong buhok ko sa likod ng aking tainga.

"Lagi ko namang sinusubukan. Lagi rin akong nagpi-fail." Sabi ko sa kaniya.

"Kasi iniisip mo, negative. Caia, nandito pa kami. Maybe wala na si Corin. But you still have a lot of friends." Tama nga siya. I gave him a smile at taas noong hinarap ang lahat. Maybe I'm hurt. But I should be thankful na iisa lang an nawala sa amin. Pinanood namin sa hindi kalayuan ang pagbaba ng morgue ni Corin sa hukay na lupa. Ayoko ng lumapit doon dahil alam kong iiyak lang ako. Inabutan ako ng balloon ni Bryle at tinanggap ko naman ito.

"Can I have a marker?" Tanong ko kay Bryle.

"Ah, wait. Hihiram lang ako," Sabi niya at umalis. Agad rin siyang nakabalik at inabot sakin ang marker. "Here," Sabi niya.

"Thanks," Sabi ko at inilapit sakin ang balloon.

'Enjoy your life there. Always watch us, okay? I know that you will. Thank you and goodbye,'

Isinulat ko ito sa balloon habang nakangiti. I hope na mabasa niya ito.

"Pahiram din," Sabi ni Bryle at nginitian ako. Iniabot ko sa kaniya ang marker at pinanood siyang isulat ang message niya sa white balloon.

'Be happy and we'll be happy too,'

Agad ko siyang hinampas matapos niyang isulat 'yun. Hinarap niya ako ng may pagtatakang bakas sa kaniyang mukha.

"I hate you. Pinapaiyak mo ako." Sabi ko. He hugged me tightly and murmured on my ear.

"Next time papasayahin naman kita," Sabi niya. A lot of people say it to me. And I was thankful dahil nandiyan sila.

"Chancing ka eh," Sabi ko sa kaniya na agad niyang ikinatawa. Bumitaw narin siya sa yakap. Honestly, nakakaluwag ito sa pakiramdam. "Gawin mo na ngayon, please?" Pagsagot ko sa sinabi niya. Because hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mags-stay dito.

"Of course, why not." Sabi niya at pinat ang ulo ko. Muli kong tinignan ang hukay kung saan ililibing si Corin. Sa ngayon, tinatabunan na ito ng lupa. Muli akong ngumiti. I know Corin wants me to be happy.

"Let's be the last to let go of the balloon," Sabi ko kay Bryle.

"Sige, basta sabi mo." Sabi niya. Nakita kong tuluyan ng nailibing ang morgue. Pinalipad narin ng mga students ang balloons. A thousands of balloons. Ang ganda nito tignan. Matutuwa si Corin for sure.

"Go," Sabi ni Bryle ng nabitawan na ng lahat ang balloons nila. Sabay naming pinakawalan ang balloon namin at pinagmasdan itong lumipad. Pumikit ako at inisip si Corin na masayang pinapanood ang mga balloons at habang binabasa niya ang message namin ni Bryle para sa kaniya. Nakaramdam ako ng may humawak sa aking kamay. Iminulat ko an mata ko at tinignan ang kamay namin pati na rin ang humawak ng kamay ko.

Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon