Chapter 21: Devil's Nest

90 5 0
                                    

Chapter 21: Devil's Nest

(Caia's POV)

P.E class namin ngayon at finally, nagbigay si ma'am ng isang normal na P.E.

Naglaro kami ng badminton nila Corin. Well, it 2 vs. 2 sumali kasi si Bryle kaya kami ang naging partner. Himala lang talaga at pumapasok na siya. Tumigil na kami nang mapagod kami. Nagulat naman ako ng may nakita akong bottled water sa harapan ko. Tinignan ko ang may hawak nito.

"Ikaw ba ang supply ko ng food?" Biro ko kay Drexel at kinuha ang bottled water.

"Is that your way of saying 'thank you'?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"Maybe?" Sabi ko at nagshrug. Naupo siya sa tabi ko at tinignan ang mga classmates naming naglalaro.

"Hindi ko inaasahan magaling rin pala sila sa tunay na sports," Komento ko sa mga classmates ko. Totoo. Hindi mo aasahan na may kapangyarihan sila. Kaya kaya nilang makipaghalubilo sa mga normal na tao?

"Sports rin naman ang ginagawa natin sa P.E class. Iba nga lang 'yan," kung sabagay.

"Anong sport mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Basketball, tennis." Sabi niya. Wow, marunong siyang magtennis?

"Oh," Maaga kaming dinismiss ni ma'am para makapagshower pa kami. Nagkita-kita na lang rin kami sa Garden. Ngunit nagtaka ako nang hindi ko nakita si Corin.

"Asan si Corin?" Tanong ko nang makarating ako sa pwesto nila. Ako na lang ang hinihintay pati si Corin.

"Hmm, sabi niya masama daw ang pakiramdam niya kaya magstay daw muna siya sa dorm. Baka umabsent narin siya sa next subject." Pagpapaliwanag ni Darcy habang kumakain.

"Tingin mo ba kumain na siya?" Tanong ko kay Darcy. Napatigil siya sa pagkain.

"Hala, oo nga." Ani nito. Mukhang hindi pa.

"Ako ng bahala, kumain na lang kayo diyan." Sabi ko.

"Sigurado ka? Samahan kita?" Tanong ni Bryle. Umiling na lang ako at nginitian sila.

"Sorry ha? Nagugutom na kasi kami eh," Sabi ni Zed. Tinawanan ko lang siya.

"Sige, eatwell." Sabi ko at umalis. Dumaan muna akong cafetiria para bumili ng aming makakain. Marami na ang binili ko dahil sasabayan ko siyang kumain. Pagkatapos ko ay dumiretso na ako sa dormitoryo namin.

"Corin?" Wala siya sa sala. Baka nasa kwarto niya. Kumatok ako sa kwarto niya at pinihit ang door knob. Nakita kong nakahiga siya sa kama niya.

"Ayos ka lang ba? Teka, may dala akong pagkain--- may problema ba?" Bigla siyang sumimangot kaya napatigil ako sa pagsasalita. Umiling lang siya at ngumiti. "Sandali lang ah? Ihahanda ko lang ang pagkain natin," Sabi ko at nginitian siya. Inihanda ko na ang kakainin namin at inilagay ito sa isang tray. Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto niya at ipinatong ang tray sa kama niya.

"Salamat," Sabi niya at umayos ng upo.

"Ayos ka lang ba? Soup ang binili ko sayo para gumaan pakoramdam mo. Pero meron ring rice diyan para mas lumakas ka." Sabi ko at naupo sa tabi ng kama niya.

"Hmm, masama lang naman pakiramdam ko. Sabay na tayong kumain." Sabi niya.

"Sige," Sabi ko at ngumiti.

"Asan sila?" Tanong ni Corin.

"Sinabi ko sa kanila na manatili na lang sila sa Garden at ako na ang bahalang magbantay at magpakain sayo dito." Pagpapaliwanag ko.

"Ganun ba?" Bakit parang nalungkot siya?

"Gusto mo ba tawagin ko sila at papuntahin dito?" Tanong ko sa kaniya na agad naman niyang ikinailing.

Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon