Chapter 10: Goal
(Caia's POV)
Tapos na ang klase namin. Nagpaalam ako kila Corin na maglalakad-lakad lang ako pero sa katunayan, mageensayo ako. Gusto ko na talagang mapalabas ang kapangyarihan ko. Paano na lang kung may masamang nangyari? Wala akong panglaban.
Pumunta ako sa lugar kung saan wala gaanong tao. It's an abandoned place sa likod ng isang building. Hindi ko alam kung ligtas ba dito. Pero mukhang maganda mag-ensayo dito. Nagsimula na akong sumubok ng kung anu-anong paraan. Nagfocus ako sa bawat kilos at galaw ko. Ngunit wala parin.
Bakit ba kasi ako napasok dito? Kung normal lang akong tao, hindi ako mapapahamak ng ganito. May pag-asang ikamatay ko ito. Masyadong delikado ang pamumuhay rito. Paraa saan ba't kinokolekta nila ang mga taong may ibang kakayahan?
"Hindi ito para sa ikasasama natin. Tinipon tayo upang hindi tayo pagkatuwaan ng mga normal na tao at para narin iligtas sa kapahamakan. Saka isa pa, kung sasabihin mo sa mga tao na may kapangyarihan ka, wala ring maniniwala." Napalingon ako sa nagsalita.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Cyprian.
"Gusto ko sana magpahangin," sagot niya at naupo sa ilalim n malaking puno. "Ikaw?" Sumimangot naman ako ng maalala ko na hindi ko parin mapalabas ang kapangyarihan ko.
"Sinusubok ko na palabasin ang kapangyarihan ko," sabi ko at nagpout.
"Hindi mo parin ba kaya?" Tanong niya sakin. Ngayon lang kami nakapag-usap ng ganito. He's always silent. Sometimes I don't feel his existence.
Naupo ako sa may damuhan at tumingin sa langit. "Naah, nakapagtataka dahil tuwing hindi ko inaasahan saka ito lumalabas." Ang ganda pala dito. Hindi ko lang napansin kanina dahil nakatutok lang ako sa paglabas ng kapangyarihan ko.
"Do you need help?" Napalingon naman ako kay Cyprian na nakapikit habang nakasandal sa trunk ng puno. Siguro ay naramdaman niya na nakatingin ako sa kaniya kaya dumilat ito. Ngunit agad din naman siyang pumikit.
"Talaga? Tutulungan mo ako?" Tanong kong muli sa kaniya at lumapit.
"Ayaw mo ata eh?" Aish! Sinong aayaw diba? Eh desperada na nga ako.
"Siyempre hindi! Gustong gusto ko nga eh!" Nagulat ako ng bigla siyang dumilat at tumingin sakin.
"Kung ganun, mag-umpisa na tayo ngayon." Sabi niya.
"E-eh?" Tumayo na siya at nagpagpag ng damit niya.
"Ang goal natin ay ang macontrol mo ang kapangyarihan mo," sabi niya at nilahad ang kamay niya sakin. Medyo nagulat pa ako pero ngumiti na lang ako at inabot ang kamay niya.
*******
"Hindi naman effective eh!" Reklamo ko at itinigil ang pinapagawa niya sakin. Ang dami niya kasing pinapagawa wala namang nangyayari.
"Magfocus ka kasi," kalmadong sabi niya. I don't know kung paano pa siya nagiging kalmado samantalang kanina pa ako nagrereklamo.
"Haay, pwedeng break muna?" Tanong ko. Napapagod na kasi ako. Wala parin namang nangyayari. Naupo ulit kami sa ilalim ng puno. Ang tirik kasi ng araw.
"Araw-araw natin 'tong gagawin." Sabi niya. Agad naman akong napatingin sa kaniya.
"Araw-araw?!" Tanong ko.
"Hmm, gusto mo naman na magamit ang kapangyarihan mo diba? Isa pa, para rin 'to sa ikabubuti mo." Sabi niya. Wala naman akong choice siyempre, sa kaniya na galing eh. "Tumayo ka na diyan. Mag-umpisa ka na ulit." Utos niya sakin. Tumayo ako sa harapan niya at tinignan siya. Nagulat ako ng biglang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kusa rin akong naglalakad palayo sa kaniya. What the hell. Nagulat ako ng tumigil ako sa paglakad. Umikot ako at humarap muli sa kaniya. W-what's happening??
"I'm controlling you, kung ganiyan ang sitwasyon mo, how will you dodge something that I will throw onto you?" Tanong niya sakin. Wow, kahit mukhang simple lang ang kapangyarihan niya, ang lakas pala talaga. Pero paano nga kung naghagis siya? Hindi ko alam kung pano ko pa nagawang mamangha sa kalagayan ko. Pero kamanghamangha talaga ang kapangyarihan niya.
Kumuha siya ng isang dahon at nagulat ako ng ihagis niya ito sakin. Hindi ko alam ang gagawin ko, siguro hindi naman makakasugat yung dahon diba? Pero magaan lang ang dahon, paano 'to makakalipad papuntang direksyon ko dire-diretso? Nang malapit na 'yung dahon ay tumigil ito at nalaglag.
"Yung dahon, makakasugat 'yun kapag natamaan ka dahil kinokontrol ko ito." Sabi niya at tumayo. Nakaramdam ako na nawala na 'yung higpit sa katawan ko. Siguro tinigil niya 'yung pagcontrol sakin.
"Wah, ang lakas mo pala!" Agad akong gumalaw dahil natakot ako na baka hindi na ako makagalaw pa. "Kung kaya mo itong gamitin palagi, edi wala ng makakatalo sayo?" Tanong ko sa kaniya.
"Hindi, kaya ko lang itong gawin kapag focus ako sa isang bagay. Pero kung marami ang kalaban, hindi ko kaya iyon. Pero iba 'yung kay Corin, kabaligtaran ng akin." Oh, may pagkakaiba rin naman pala uses nila. Ang hirap talagang iimagine kapag naglaban sila. Pero magkaiba naman ata ang mga kaya nilang gawin.
"Pero nakakatakot kapangyarihan mo," sabi ko. Medyo nanghina pa ako dahil sa ginawa niya.
"Sorry," sabi niya.
"Okay lang! Bumalik na lang tayo sa ginagawa natin. Kailangan ko rin malaman kung anong gagawin ko kung macontrol mo ako." Sabi ko. Nagtraining kami at sumubok ulit ng iba't ibang paraan. Paminsan nagtrain na lang kami ng mga weapons ko dahil hindi ko talaga magawa 'yung ipinapagawa niya.
Maya-maya ay naisipan na naming bumalik sa dorm dahil gabi na at may curfew pa kami. Sabay kaming naglakad dahil pareho lang rin naman kami ng pupuntahan. It's so quiet. Foot steps lang ang rinig dahil walang nagbabalak na magsalita.
"Thank you," pagbasag ko sa katahimikan. I just forgot to thank him. Siya ang may dahilan kung bakit mas lalong lumakas ang loob ko na magtraining.
"Wala yun," tumigil kami sa paglalakad ng malapit na kami sa may dorm namin. "Pumasok ka na sa loob," sabi niya.
"Hmm, good night." Sabi ko at tumalikod.
"Good night," napangiti na lang ako at nagpatuloy sa paglalakad.
----------------