Chapter 3: Gun Shoot

271 8 0
                                    


Chapter 3: Gun Shoot

(Caia's POV)

"Dati, nagkaroon ng war between Keun High at ang Eonduu High. Ang Eonduu ay korean word na ang ibigsabihin ay dark. Ito ay kabaligtaran ng Keun High. Kung ang Keun High ang nagpapalakas sa mga taong may special talents, well, ganun rin naman ang Eonduu. Ngunit, ginagamit nila ang mga estudyante nila para pumatay ng ibang tao." Sabi ni sir Aine. History class na namin ngayon pero imbis na maboring kami, lahat kami ay nakikinig at tutok na tutok sa teacher sa harap namin. Oo, gwapo si sir. Pero hindi 'yun ang ibigsabihin kung bakit kami tutok sa kaniya. Interisado kasi kami sa sinasabi niya. Ngayon ko lang rin napansin na ang onti lang pala namin sa room. Hindi kagaya sa normal na school, mga 40+ kami ay mga 18 lang.

"At ang kakaiba pa doon, ang ibang estudyante mula rito na namatay na, ay binuhay nila para gamitin. Kung hindi man ay huhulihin nila ito. Ngunit konti lang ang nakukuha nila dahil mahigpit ang mga bantay rito." Lahat kami ay napagasp sa sinabi ni Sir. Is that true?! Grabe naman pala kung ganun. Kawawa naman 'yung mga estudent. Parang... parang gusto ko ng umalis dito. Hindi kaya ay tini-train nila kami para lang ipanglaban sa mga Eonduu? Para gamitin lang?

Pagkatapos ng mahabang discussion ni sir, nagdismiss na rin siya kaya break na namin ngayon. Wala naman siyang sinabing iba tungkol sa school at sa president nito. Wala rin daw kasi silang alam tungkol dito. Pero hindi parin ako mapakali sa narinig ko kanina. Hindi kaya ipahamak lang kami ng school na ito? Hindi ba ganito naman ang generation ngayon? They use people to be rich and powerful.

"Hey Caia, are you alright? Kanina ka pa walang imik diyan." Napabalik naman ako sa realidad ng tawagin ako ni Corin.

"Ah, okay lang ako." Sabi ko at ngumiti. Hindi ko na lang muna ipapaalam ang mga iniisip ko. Hindi ko pa naman napapatunayan.

"Looks like something's bothering you," sabi sakin ni Darcy.

"Hmm, interisado lang ako sa Eonduu High." Sabi ko. Gusto ko pa malaman ang iban bagay tungkol dun.

"Sige! Kukwentuhan ka namin. Pero mamaya na, tapos na break eh." Sabi ni Corin at kinindatan ako. Umalis na kami sa cafeteria at naglakad papunta sa building namin. Bigla naman akong nakaramdam ng hilo kaya napatigil ako.

"Caia, may problema ba?" Tanong sakin ni Corin. Ilang beses ba nila akong tatanungin niyan sa isang araw? Napabuntong hininga na lang ako.

"Okay lang ako. Tara na," sabi ko at ngumiti.

"Alam mo, kung may nararamdaman ka, sabihin mo lang. Baka may mangyaring masama sa'yo." Sabi naman ni Darcy. Napangiti naman ako. May nag-aalala sakin kahit papaano. Dati kaya, may nag-aalala rin sakin?

"Ayos lang naman talaga ako. Wag na kayong mag-alala." Sabi ko. Tumango na lang sila at dumiretso kami sa locker room namin para magpalit ng P.E uniform. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa room namin.

"Goodmorning class." Bati samin ni ma'am. Wow, ang sexy niya. Oops, I'm not pervert ah. Nagsasabi lang ako ng totoo. Binati rin namin siya at nagpakilala naman siya sakin. Special mention pa ako. "Hi miss Caia! Ako nga pala si Rea. Welcome dito. So anong special talent mo?" Tanong sakin ni a'am at ngumiti.

"M-ma'am, hindi ko pa po alam." Sabi ko. Nakita ko naman na kumunot 'yung noo niya kaya napayuko na lang ako.

"It's okay. Mamili ka na lang ng weapon mo mo doon sa table. Drexel, turuan mo si Caia." Sabi ni ma'am. Talaga?! Akala ko hindi pa pwede??

"Pero ma'a--" magsasalita pa sana 'yung-- teka? Siya yung lalaking may headphone ah?? So you mean Drexel ang pangalan niya? Nice name.

"Wala ng pero-pero. Undiscover pa ang kapangyarihan ni Caia. Wala siyang maipanglalaban kung sakaling may masamang mangyari kaya dapat maturuan agad siya." Sabi ni ma'am at agad namang lumapit sakin yung drexel.

Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon