Chapter 34: Remain Silent
(Caia's POV)
Naglalakad na ako papuntang building namin sa school nang magring ang phone ko. Ang aga naman. Kinuha ko 'yung phone ko sa bulsa ng blouse ko at sinagot ito.
"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya ng hindi tinitignan ang caller ID.
"Caia.." Naparigil ako sa paglalakad nang marinig ang boses ng sa kabilang linya. 'Yung boses na 'yun.. boses na matagal ko ng gustong marinig. Ngunit hindi maaari. Hindi ako puwedeng magsabi ng kung ano. Hindi ko pwedeng sabihin na wala na akong kapangyarihan at.. at hindi na ako babalik sa Keun High pagkatapos ng kailangan kong gawin.
Narinig ko ang paghikbi niya sa kabilang linya. No Darcy. Please don't make me feel this way. Gusto ko sabihin sa kaniya 'yan ngunit hindi maaari. Binaba ko ang tawag nang hindi nagsasalita. Tumingala ako upang pigilan ang pagpatak ng luha ko.
"Oh, anong trip 'yan, Corin?" Tanong galing sa isang pamilyar na boses. Nilingon ko si Chester na naglalakad palapit sakin. Sila Chester.. sila na dapat ang kaibiganin ko. Dahil sila na ang makakasama ko palagi.
Umiling ako bilang sagot sa kaniya. Nagpatuloy kami sa paglalakad.
"Why the long face? Parang hindi fierce ang mukha mo ngayon, Corin." Sabi ni Chester at nginitian ako. Tumigil ako sa paglalakad at huminga ng malalim. Bakit kahit anong pilit kong makibagay dito ay may humihila sakin pabalik? "Corin, may mali ba?" Hindi ko napansin ang pagpunta ni Chester sa harap ko. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Bitawan mo nga ako," I tried to go back to my normal self pero I failed. 'Yung boses ko ay lumamya. He sighed.
"Hindi ako sanay na ganiyan ka. May sakit ka ba?" Tanong niya at hinapo ang noo ko. Tinanggal ko naman ang kamay niya.
"Okay lang ako, wala lang ako sa mood." Sabi ko at nag-umpisang maglakad. Ganito ba talaga ang epekto sakin ni Darcy? Well, she's my bestfriend pero tumawag rin naman sila Cyprian sakin ngunit saglit na lungkot lang ang naramdaman ko. Subalit ngayon ay tila buong klase ay wala ako sa sarili. Tila ako ay nasa isang lugar subalit ang utak ko ay nasa ibang lugar. Naguguluhan ako.
Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon papuntang caf. nag-iingay parin ang dalawa ngunit parang hindi ko ito naririnig dahil sa lalim ng iniisip ko o sabihin na nating lutang ako. Bakit ko kasi iniwan si Darcy? Wala na nga si Corin tapos mawawala pa ako sa kaniya. Ang tanga-tanga ko talaga. Pero para naman sa kanila 'yun diba?
"Corin," Napabalik ako sa reyalidad nang isang babae ang tumawag sa pangalan ko.
"Bakit?" Tanong ko kay Red. Though, wala parin ang atensyon ko sa kaniya.
"Kanina pa tayo nandito sa cafeteria. Dahil hindi ka namin makausap, kami na lang nag-order para sayo. May problema ka ba o bumabagabag sayo? Baka makatulong kami. Sabihin mo lang." Sabi ni Red. Makatulong? Baka kapag sinabi ko ay mas lalo pang gumulo.
"Kulang lang ako sa tulog," Pagsisinungaling ko. Talagang kapag pinili mong magsinungaling ng isang beses, patuloy ka ng magsisinungaling. Depende lang 'yun kung gusto mong umamin. Pero sa sitwasyon ko, mali ang pag-amin.
"Ganun ba? Gusto mo 'bang ipaalam ka na lang namin sa mga teachers? O magclinic ka na lang." Sabi naman ni Chester. Maganda sanang gawin 'yon pero ayokong mamarkahan ng absent ang attendance ko. Wow, may paki pa pala ako sa ganung bagay. Ramdam ko ang pagvibrate ng phone ko kada-minuto. Kanina pa ito pero hindi ko pinapansin.
Umiling lang ako kay Chester bilang sagot. Dumating na rin 'yung order namin at nagsimula na kaming kumain. Ay hindi, sila lang pala. Pinaglalaruan ko lang 'yung pagkain. Nagulat ako nang may kumuha ng kubyertos ko at sinandok ito sa pagkain ko.