Chapter 40: Bloody Christmas Ball
(Caia's POV)
Three pairs of eyes are gazing at me. Two with disbelief. One with rage.
"I-ikaw ang pumatay sa tatay ni Caia!!" Sigaw ni Tito. Nagulat ako. Tila wala siya sa kaniyang sarili. Hindi naman makapagsalita sila Tita dahil sa sobrang gulat.
"I-I didn't.." Wala akong masabi.
"Dad! She's Caia! At hindi niya magagawa 'yun!" Sigaw ni Red at lumapit sa tabi ko.
"Hindi, hindi siya si Caia. Hanggang kailan ka magpapanggap, ha?!" Sigaw ni Tito. Umalis siya at pumasok sa Lab niya. Oh god.
"Caia, what's this?" Nag-aalalang tanong ni Red. Umiling-iling ako. Hindi ako makapagsalita. Gulat rin ako. Bumalik si Tito with a gun pointing at me. Hindi siya normal na gun dahil injection ang nakalagay dito.
"H-honey, calm down." Sabi ni Tita.
"Hindi! Siya ang pumatay sa pare ko! Hindi ko matatanggap ang ginawa nila!" Hindi mapakalma si Tito. Katapusan ko na ba? At a-ano ito? Why do I have wings? Akala ko ba ay wala na akong kapangyarihan?
"Caia," Buong tapang na sabi ni Red at tumayo. Hinawakan niya ako sa kamay at tinignan diretso sa mata. "Run, Caia. Run!" Sigaw niya sakin. Hindi ako makapaniwala.
"R-red," Mahinang sabi ko. Hinila niya ako at pinalabas sa backdoor. Hinabol naman kami ni Tito.
"Huwag kang mangielam dito, Red!" Sigaw ni Tito nang nasa may pinto na kami.
"Daddy! Siya si Caia! Hindi niya magagawang patayin ang sarili niyang tatay!" Sigaw ni Red at itinago ako sa likod niya.
"Go ahed, Caia. I can handle this." Bulong sakin ni Red.
"A-are you sure?" Tanong ko. Dahan-dahan siyang tumungo. I opened the door and started to run. The garden's beautiful and relaxing. Pero sa ngayon, mukha itong gubat na mahirap takbuhin. Puro puno. Hindi ko rin alam kung saan ako pupunta. Maaring makita ako ng mga tao dito. Pero sa unti-onti kong pagtakbo, pakiramdam ko ay nabubuo ako at nakikilala ko ang sarili ko. Unti-onti ko ng naalala ang lahat. Si Daddy, ang pinakamamahal ko sa buhay ko. Si Red, ang tinuri kong kapatid kahit na mas malamig pa ako sa yelo. And Lucas, the one I love.
Akala ko makakatakas na ako.. But amidst of running, someone called my name.
"Caia!" I turned my back to see who called me, only to see Tito pointing the injection gun on me.
"Dad! Stop this please!" Pagmamakaawa ni Red nang makahabol ito.
"Sinabi kong hinding, hindi ko mapapatawad ang kung sino mang pumatay kay Nathan!" He said. That's my dad's name. I smiled. A sad one.
"Honey! Hindi si Caia ang pumatay kay Nathan, ano ba!" Sigaw ni Tita.
"Isa pa rin siya sa may pakana nun! Hindi mawawala si Nathan nang dahil sa kaniya!" I pity myself. Mabubura ako sa mundong ito sa murang edad. Pero masaya na rin ako dahil kahit papaano ay naalala ko na sila. Si Tito at Tita na itinuri akong anak nila simula noong mawala si Daddy. "Simula pa lang noong sinubok kita sa eksperimento ko, kita ko ng may mali sayo. Na may kakaiba. Kaya pala.. Kasi isa ka sa mga halimaw!" Sigaw sakin ni Tito. My tears started to fall down my cheeks. Halimaw? Masama ba talaga ako? Napag-isipan ko na wala akong ginawa kundi saktan ang taong nakapaligid sakin. Napaluhod ako.
"I'm sorry.." Mahina kong sabi. Am I bad?
"Caia.." Rinig kong tawag ni Red. Napalingon ako kay Tito. Nakita ko na lang na lumilipad papalapit sakin ang injection. I closed my eyes. Handa akong tanggapin ito. I felt the cold needle kissed my right shoulder. Medyo nahilo ako ng maramdaman ito. Pero tila wala itong epekto sakin. Dumilat ako para makila sila. Tinanggal ko muna 'yung injection sa braso ko at binaba ito. Nakita ko na lang si Red na nakahawak sa injection na itinusok niya kay Tito sa may leeg nito, nakahandusay na si Tito sa lupa, na agad namang nilapitan ni Tita. Tinanggal ni Red ang injection sa leeg ni Tito at dahan-dahang lumapit sakin. Umatras ako.