Chapter 38: Coming Back for Good

73 2 0
                                    

Chapter 38: Coming Back for Good

(Caia's POV)

After few days, naging okay na rin ang lahat. Err, ayoko ng maalala 'yung sa playground. Tsk, hindi ko siya nasagot. Pasalamat na lang ako at umulan. Well, kasalukuyan akong naglalakad sa hallway at pinagtitinginan ng tao sa school. Surprise, b*tch?

And yeah, Caia's back. Corin dropped out from the school, and I entered as the real me, again. It's good to be back. I already said my sorry to Corin. I just wished that she has a good life there, with my dad.

"Goodmorning, Caia!" Red said when I entered the room. Hell, it's so early for her to shout. I smiled. Feeling normal again.

"Here's your cappuccino frappe for breakfast." Sabi ni Chester at kinindatan ako pagkaabot ng coffee sakin. As usual, I didn't say thank you.

"Tss, tigilan mo na Chester." Sabi ni Red at nagpout. Oh, hindi ko pa nalilimutan 'yung sinabi ni Red sakin about Chester. It's kinda awkward but I managed to push it away.

"Shut up," Sabi ni Chester sa kaniya.

"Get out of my way," I said coldly to Chester. Uupo na ako sa seat ko eh.

"Oh, you're welcome." Sabi niya at lumayo sa upuan ko. Tss. I took a sip of my cappuccino frappe. What's wrong with these people? They're staring at me since I came.

"Morning," Said Lucas. Wow, ang aga niya. Magsisimula na ang klase. Naupo siya sa tabi ko at sinamaan ko siya ng tingin.

"That's not your seat," I said.

"So what?" Sabi niya ng hindi ako tinitignan. Tss. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang ang pansin sa teacher sa harap. Pero maya-maya ay kinuha niya 'yung kamay ko at nilaro. Err, problema ba nito? Sinamaan ko siya ng tingin at binawi ang kamay ko ng makiliti ako. He chuckled. Ewan ba pero medyo napangiti ako. Pinilit kong makinig sa teacher namin kahit parang sira 'tong katabi ko.

After ng ilang oras na pangungulit ni Lucas, at pakikinig sa teacher, sa wakas ay lunch na rin. At itong lalaki sa tabi ko, panay pa rin sa pangungulit.

"Caia, help me to stand." Sabi niya sakin. Tinignan ko siya ng masama.

"Hindi ka naman pilay, tumayo ka diyan." Sabi ko sa kaniya. Haist. Ang kulit. Tumawa siya ng mahina tapos tumayo na.

"I'm just kidding," Sabi niya at nginitian ako. I rolled my eyes on him. Ang dalas niyang tumawa ngayon, ah. Pero ang cute ng tawa niya.

"Anong kakainin natin ngayon?" Agad na tanong ni Chester ng makalapit samin. So, food exhilirates him?

"Wala pa nga tayo sa cafeteria nagtatanong ka na kaagad," Saway ni Red kay Chester.

"Bakit ba? Icelebrate natin ang araw na 'to! Bumalik na si Caia!" Sabi ni Chester. "Pero hindi ba kayo nalulungkot na wala na si Corin?" Tanong niya pa.

"Bakit naman kami malulungkot? Eh parehong-pareho lang naman si Caia at Corin. Pagsuotin mo na lang siya ng wig at contacts kung namimiss mo," Sabi ni Red at ngumiti.

"Tss, eh kung kumain na lang tayo sa caf, matutuwa pa ako." Sabi ni Chester at nagwalk out. Sumunod naman kami at pumuntang cafeteria. Hmm, actually, 'yung caf namin may iba't ibang restaurants, fast food chains, kaya bahala ka kung saan ka kakain. Mayroon rin namang pagkain na sa cafeteria mismo. Marami naman ang students dito.

"Saan tayo kakain?" Tanong ni Red. Dati kasi ay mas gusto naming pagkain na lang sa caf. Pero since gusto nilang magcelebrate para sa walang kwentang bagay, pagbigyan na lang natin.

"Fancy restaurant tayo," Sabi ni Chester at tinaas ang cake. Kaya pala inunahan kami.

"Sige," Sabi ni Red. Sila lang naman ang nag-uusap. Tiga-sunod lang kami ni Lucas. Akala ko ba girlfriend niya ako? 'Di manlang binitbit bag ko. Joke, 'di niya style 'yun. Pumasok kami sa isang fancy restaurant at si Chester ang kumausap sa mga crew. Anyway, may restaurant siya kaya naman sanay na siguro siya.

Dark SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon